Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Nagtungo si Aljur Abrenica sa Quezon City Hall of Justice ngayong hapon, July 24, upang maghain ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA Network. Bagamat sa 2017 pa matatapos ang kontrata ng young actor sa Kapuso network, nais na niyang ipawalang-bisa ito dahil sa hindi na raw siya masaya sa mga nangyayari sa kanyang career.


Gusto nang magpa-release ni Aljur Abrenica mula sa kasalukuyan niyang kontrata sa GMA Network.

Nagtungo si Aljur sa Quezon City Hall of Justice ngayong hapon, July 24, upang maghain ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA.

VIEW PHOTOS Aljur Abrenica files complaint to end GMA contract

Kasama ni Aljur ang kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio.

Sabi ng Kapuso actor sa mga tage-media na nag-cover ng kanyang paghahain ng reklamo, "Kaya po ako nandito ngayon... sa totoo nga lang po, e, ayoko nga po sanang umabot sa ganito.

"Ako po yung huling tao na magdedesisyon na malagay sa ganitong kalagayan.

"Pero po, e, dahil po hindi po ako nabibigyan ng pagpapahalaga at respeto sa career na gusto ko."

Dagdag ni Aljur, "Sana, ang masasabi ko lang po, na sa kabila ng lahat, ang dasal ko lang po ay matutunan ng magkabilang panig...

"At ipinagdarasal ko rin po na pagkatapos po nito ay magkaroon pa din po ng magandang relasyon ang dalawang panig, dahil hindi ko po makakalimutan ang pinagsamahan namin."

Matagal na raw pinag-isipan ni Aljur ang hakbang niyang ito.

Pahayag ng 24-year-old actor, "Taon na po.

"Ang masasabi ko nga ay ayoko nga po sanang umabot sa ganito dahil hangga’t maari ay gusto ko pong ayusin.

"Pero with the guidance ng mga taong nasa paligid ko, with the guidance po ng mga magulang ko, at mula po sa Panginoon, ay kinailangan ko na pong pumunta sa hukuman."

Ang kontrata ni Aljur sa GMA ay hanggang sa 2017 pa.



NO OFFER. Nilinaw rin ni Aljur na walang offer sa kanya ang ibang networks, pero may mga gusto raw siyang mangyari sa kanyang career na wala sa plano ng GMA.

Aniya, "Pinag-isipan ko pong mabuti.

"Alam ko naman po yung mga maaaring mangyari, alam ko naman po yung mga posibleng mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero para po sa akin, e, worthy po, worthy yung gagawin ko ngayon.

"Kasi bilang seryosong aktor at musikero po, marami pa po akong gusto...

"Kumbaga, lahat naman po tayo gusto nating mapabuti po tayo, for good cause naman po.

"At marami po tayong gustong matulungan, marami po tayong gustong marating.

"At sa akin pong nakikita, ’di na po nag-aakma, nagtutugma ang direksiyon na gusto nila para sa akin at direksiyon na gusto kong puntahan para sa career ko."

Nilinaw rin ng abugado ng young actor na si Atty. Topacio na hindi sila nakikipag-away sa Kapuso network.

Umaasa rin daw sila ng isang "fruitful dialogue" sa GMA tungkol dito.

Mula naman sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nawala raw ang kontrata ni Aljur sa Bench dahil sa kapalpakan ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network na nangangalaga sa career ni Aljur.

Dagdag pa ng source, "He’s being made to sing naughty songs and puro kalaswaan na ang pinapagawa sa kanya sa soap."



GMA NETWORK STATEMENT. Samantala, nagpadala ng maikling statement ang GMA Corporate Communications sa PEP kaugnay ng hakbang na ito ni Aljur.

Narito ang kanilang statement:

"GMA Network has not yet received a copy of the complaint filed by Mr. Aljur Abrenica. A statement will be issued when we have received and reviewed the contents of the complaint."

Si Aljur ay produkto ng artista search ng GMA na StarStruck Season 4, kung saan nanalo siya bilang Ultimate Hunk noong 2007.

Huli siyang napanood sa primetime series na Kambal Sirena, na nagwakas nito lamang June 2014.

Ilan pa sa mga teleseryeng ginawa niya sa GMA, kung saan karamihan ay siya ang lead star, ay ang mga sumusunod: Zaido: Pulis Pangkalawakan (2007), Dyesebel (2008), Luna Mystica (2008), Dapat Ka Bang Mahalin?(2009), All My Life (2009), The Last Prince (2010), Ilumina (2010).

Noong 2011 ay siya ang napiling gumanap sa TV remake ng Machete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan pa ito ng Amaya (2011), Coffee Prince (2012), Indio (2013), at Prinsesa Ng Buhay Ko (2013).

Nagkaroon din siya ng self-titled album noong 2010 sa ilalim ng GMA Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN