James Yap on advising Kris Aquino not to give up on love: “Ako, magbibigay ng advice? Ayaw!”

James Yap on marrying again: "Huwag muna, baka madapa na naman tayo uli. Siyempre, mahirap na. Mahirap magpa-annul. Na-experience ko na, ‘di ba? Mahirap!"


Malaki ang pasasalamat ng basketball star na si James Yap sa sunud-sunod na tagumpay at biyayang natatanggap niya.

Saad ng San Mig Coffee Mixers player, “Gusto kong magpasalamat kay God na talagang blessed ako this 2014…

“Nag-grand slam kami, nag-champion kami sa PBA. Naging okay kami ni Kris [Aquino, his ex-wife] para kay Bimby…”

At ngayon naman ay may bago siyang endorsement, ang ZTE mobile phones.

Sa launching niya bilang endorser ng nasabing brand ng mobile phone nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si James, sa Ronac Art Center, Greenhills, kahapon, July 23.

Sa dami ng blessings na dumarating sa kanya ngayon, masasabi ba ni James na kumpleto na siya bilang tao?

Napaisip muna si James at sinabing, “Sa tingin ko…’ paano ko ba sasagutin ’yan?

“Yes… siguro, sa tingin ko, siguro blessed lang ako talaga.

“Kumbaga, medyo maayos na ang lahat.

“Alam niyo naman kung anong nangyari sa akin.

“Yun naman ang pinagpe-pray ko palagi, na sana maayos na lahat.”

BIMBY. Kumusta na ang relasyon nila ngayon ng anak niyang si Bimby??

Saad ni James, “Okay naman, nagkikita naman kami.

“Basta, okay kaming mag-ama.

“Regular pa rin kaming nagkikita every Friday, kung minsan Saturday. Kasi, depende din sa schedule nila.

“Yun lang din naman ang schedule ko na puwede is either Friday or Saturday.”

Marami namang nagulat sa pag-amin ni James na, bukod kay Bimby, ay may iba pa siyang anak. Pero umiwas na ang basketball player na pag-usapan pa ang tungkol dito.

Sabi niya, “Sa totoo lang, nasagot ko na ‘yan.

“Gusto ko lang na bigyan natin ng privacy yung bata, siyempre yung ex ko na rin.

“Huwag na nating pag-usapan ‘yan. Irespeto nalang natin sila.”

KRIS AQUINO. Sa palagay ba niya ay maayos na talaga ang lahat sa kanila ni Kris? Natuldukan na ang mga isyu nilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni James, “Sana! Sana tapos na talaga, sana wala nang gulo.

“Alam mo naman na lumalaki na si Bimby, ‘di ba?

“Pangit naman na baka mapaaway yung anak namin sa school, na baka kantiyawan, ‘di ba?

“Ingat na lang kami siguro.”

Dagdag niya, “Ako naman kasi, dasal lang talaga.

“Hindi ko inaasahan na magiging okay kami dahil bigla na lang naging okay, ‘di ba?”

Ano naman ang reaksiyon ni James sa sinabi ni Kris na give up na raw ito sa pag-ibig?

Aniya, “Alam mo, sa totoo lang, ayaw ko nang makialam talaga.

“Kasi baka may masabi pa tayong hindi maganda.

“Basta ipag-pray ko na lang si Kris and then, okay naman kaming dalawa, e.”

Pero nalulungkot din ba siya na brokenhearted ngayon si Kris?

Sagot ni James, “I’m sure, masayang-masaya siya na nandiyan si Bimby at si Joshua na nagpapasaya sa kanya.”

Hindi ba niya papayuhan si Kris na huwag mag-give up sa pag-ibig?

“Ako, magbibigay ng advice? Ayaw!” bulalas niya.

Dagdag ni James, “Ayoko, siyempre wala naman ako sa posisyon na magbigay ng advice kay Kris.”

MICHELA CAZZOLA. Tila maayos na nga ang lahat ng aspeto ng buhay ngayon ni James—ang relasyon niya sa kasintahang si Michela Cazzola, ang relasyon nila ng anak na si Bimby, ang relasyon nila ng dating asawang si Kris, at maging ang kanyang career.

May mahihiling pa ba si James sa buhay niya ngayon?

Sagot niya, “Wala na! Siguro good health lang.

“Yun naman ang pinakaimportante, ‘di ba?

“Pagdating naman sa work, talaga namang focus tayo talaga.

“So, yung health lang talaga.”

Nakikita niya ba ang sarili na ikasal muli sa nalalapit na panahon?

“Uy, puwede!” natatawang sabi ni James.

Pero bawi rin niya, “Hindi, hindi!

“Sa totoo lang, ang pagpapakasal kasi, lagi kong sinasabi na… hindi naman minamadali ‘yan, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tingnan natin. Alam niyo, ini-enjoy lang namin ngayon ang isa’t isa.”

Pero si Michela na ba ang babaeng gusto niyang pakasalan?

Sagot ni James, “Yes, oo, pero huwag muna, baka madapa na naman tayo uli.

“Siyempre, mahirap na. Mahirap magpa-annul.

“Na-experience ko na, ‘di ba? Mahirap!”

Nilinaw naman ni James ang napabalita noong nagpaparamdam na raw siya noon kay Michela para magpakasal.

“Wala! Sa totoo lang, wala. As in ini-enjoy lang namin yung isa’t isa .

“Yun nga, magbabakasyon kami sa Italy this week. Isang buwan kami doon.

“Then, bakasyon na magpapa-therapy ako for my lower back.

“Wala naman ito, maintenance lang. Siyempre alagaan din natin yung katawan natin.

“Almost one year din akong walang pahinga, tuluy-tuloy yung laro.”

Kumusta naman ang relasyon ni Kris kay Michela? Nagkausap o nagkita na ba sila?

“Actually, hindi pa sila nagkakausap or nagkikita.

“Pero darating ang time na mag-uusap talaga sila, siyempre may anak kami ni Kris,” pagwawakas ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN