Jaclyn Jose gets new talent manager to steer her reinvention

Jaclyn Jose on her reinvention: "Gusto kong kumomercial muna, kumaricature. Gusto kong makilala ako ng mga bata... I want the young generation na makilala ako, to know me."


Ang award-winning actress na si Jaclyn Jose ang pinakabagong dagdag sa PPL Entertainment, Inc., ang talent management company na pinamumunuan ni Perry Lansigan.

Pumirma ng three-year management contract si Jaclyn sa PPL, na siya ring namamahala sa career nina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Carlo Gonzalez, Carl Guevara, LJ Reyes, Janno Gibbs, Max Collins, at Angelika dela Cruz.

Sa mahabang panahon, si Ed Instrella ang manager ni Jaclyn.

Kaya naman ang dahilan ng paglipat niya sa PPL ang unang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres nang makausap namin siya kahapon, July 23, sa Romulo’s restaurant, sa Quezon City.

Paliwanag ni Jaclyn, “Malapit sa akin si Perry, e, dahil kay Gabby [Eigenmann], kay Andi [Eigenmann]…

“Bago pa lang sila, kilala ko na.”

Si Gabby ay stepson ni Jaclyn sa dati niyang karelasyon na si Mark Gil, na ama naman ng anak ng aktres na si Andi.

Patuloy niya, “So, parang kay Ed, parang mutual decision.

“Medyo marami siyang alaga.

“May edad na rin naman, pagod na… ayoko nang kunsumihin.”

Nagsisimula pa lang daw si Jaclyn sa showbiz noong ‘80s ay si Ed na ang humawak sa kanya.

Siya rin daw ang kauna-unahang naging talent nito.

Sa tagal ng pinagsamahan nila, hindi ba naging mahirap na iwanan niya ito at lumipat ng ibang management?

“Madali lang… Hindi naman sa dini-diretso, pero medyo sinabi rin niya na hindi na siya masyadong updated sa mga kaganapan.

“Medyo may edad na rin si Ed, e. So, binawasan ko lang ang problema niya!” natawang sabi ni Jaclyn.



REINVENTION. Mutual naman pala ang naging desisyon nila?

“Oo, kaming dalawa, at sabi niya, siguro mas mabuti kung ano…

“At saka binawasan ko rin ang load niya bilang ako ang pinakamakulit.”

“Feeling ko lang, masyadong complicated ang task ko simula nang pumasok ako sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang I want reinvention, e.

“So, medyo po-focus-an, medyo paglalaanan ng atensiyon, medyo may kaguluhan ng konti, kasi gusto kong mag-shift.

“I want to reinvent—from Charito sa Mundo Mo’y Akin.”

Ang tinutukoy ni Jaclyn ay ang makulay na karakter na ginampanan niya sa primetime series ng GMA noong 2013.

Anong reinvention pa ba ang gusto niya sa kanyang career?

Paliwanag ni Jaclyn, “Yung ganun, yung drastic.

“Yung medyo tanggap nang tanggap, yung medyo maski na ano… which is, ako na ang bahalang gumawa ng paraan.

“E, kailangan kasi, maraming pag-uusap. Maraming decision-making.

“E, si Ed, medyo stable.

“Ayaw niya ng magulo, ayaw niya ng complications.

“Ayaw niya ng stress, in short.

“Medyo nagkaka-age na siya. So, gusto niya, calm and quiet.

“Gusto niya yes or no lang, the usual namin na dealing—kalmado, relax.

“Si Ed, ayaw niya ng negative, kunsomisyon. Ayaw niya ng merong sinasabi.”

Patuloy niya, “E, medyo masalimuot ngayon ang industry.

“Medyo kailangan ng maya’t mayang konsultasyon, at ayoko rin namang ibigay sa kanya ang burden na yun.

“Ayokong ma-stress siya.”



EMOTIONAL PARTING. Aminado si Jaclyn na naging emosyunal siya sa desisyon niyang lumipat ng manager.

Lahad niya, “Ako, pero siya, dedma.

“Hindi nagpapaapekto yun. As much as possible, cool lang siya.

“High blood din siya at saka ayoko rin.

“Kadalasan, meron akong i-discuss o problemang i-tackle sa kanya, kaya lang, ayaw niya yun, kasi mai-stress siya.

“So, mahihirapan din ako personally. Ayokong maging nega rin.”

May approval ba ni Ed ang paglipat niya kay Perry?

Sabi ni Jaclyn, “I did not ask for his approval.

“Pero sinabi ko na I would like to… nagpaalam ako at sinabi niyang, ‘Sige, mabait ‘yan, masipag ‘yan.’

“He’s always positive at saka okey lang din naman sa kanya.”

Hindi ito tumutol?

“Oo, actually, siya ang nag-offer!” natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun yun, palagi naman, e. Kapag meron akong mga questions, kapag meron akong mga ano, ‘Hay naku, Jane, ang gulo-gulo mo!’

“Pero hindi mo maiwasan sa industry, kailangan mong i-deal lahat.

“Pero ako na rin, ayokong ma-stress siya.”



REACHING OUT. Ngayong nasa management na siya ni Perry, ano pa ang gusto niyang gawin na sa palagay niya ay hindi pa niya nagagawa dati?

Sagot ng 50-year-old actress, “Gusto kong kumomercial muna, kumaricature.

“Gusto kong makilala ako ng mga bata.

“Medyo… meron nang… marami nang generations, e, saka mga bata na hindi na tayo kilala.

“Kung pag-uusapan yung mga quality, achievements, acknowledgments and recognition, meron na tayo niyan, e.

“Indie, I’ve been through… well, kaya ko pa rin namang bumalik kung gugustuhin ko. Okey rin naman sa akin to do it pa rin.

“Pero yun nga, I want the young generation na makilala ako, to know me.

“Kaya ako nagba-Vampire Ang Daddy Ko.

“Naano ko naman, kasi yung mga bata, hindi na nila alam ang mga oldies.

“’Tapos siyempre, naa-identify ka na as mommy ni Andi.

“Siyempre, yung mga bata, ‘Mommy ni Galema.’

“Siyempre, gusto mo rin to maintain your identity.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN