Jaclyn Jose finally ends rift with daughter Andi Eigenmann

Jaclyn Jose prefers mature men over younger guys as her next boyfriend: “Siguro yung mature naman, biyudo. Bakit si Zsa Zsa Padilla, si Hilda [Koronel]? Yung medyo may puti-puti ng konti [ang buhok]… wisdom naman. Tapos na tayo sa mga paglalaro. Nag-enjoy rin naman tayo nang bonggang-bongga noong kabataan.”


Bagamat sinasabi ni Andi Eigenmann na gusto na niyang humiwalay sa kanyang inang si Jaclyn Jose, nananatili pa rin silang magkasama sa iisang bubong, kasama ang anak ni Andi na si Ellie.

Patotoo ni Jaclyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi, nandoon pa rin siya sa bahay.

“Actually, meron na siyang nahanap, sa Wack Wack, pero hindi pa siya nagmu-move out.

“Pero she wants to live on her own and, feeling ko rin, about time.

“Kasi, para mabawasan ang gastos ko, ‘di ba?

“At saka, para malaman niya ang buhay, responsibility.”



KISS AND MAKE UP. Ibinalita naman ni Jaclyn na tapos na ang tampuhan nilang mag-ina.

Kuwento pa nga niya, “Ay, sobra, kagabi nga nilutuan pa ako ng bibimbap [Korean dish], ipinadala sa Vampire.

“Sabi ko, ‘Andi, late na late na ako.’

“’No, no… I’ll have it packed.”

Ang Vampire Ang Daddy Ko ang kinabibilangang sitcom ni Jaclyn sa GMA Network.

Paano na-break yung tampuhan o wall sa pagitan nilang mag-ina?

Kuwento niya, “Well, meron akong sister sa U.S. na nagkasakit. Umiyak ako sa kanya, siyempre.

“I was in Sta. Rosa at that time when I found out that my sister is sick.

“So, when I got home, punta siya agad sa akin.

“Sabi niya, ‘Mommy, go. Mommy, go to L.A., go to your sister.’

“So, from there, naging okay na kami.

“At ayoko nang magkagalit pa kami ulit. Na-trauma ako!”

Dahil sa sinabi niyang ayaw na niyang magkagalit pa silang muli ni Andi, ibig bang sabihin nito ay hindi na rin siya makikialam sa lovelife ng anak?

“Hindi na!” natawang sabi ni Jaclyn.

“Hindi na, hindi na ako makikialam. Full support na lang ako.”

Paano kapag umalis na sa poder niya si Andi, e, di mami-miss niya ang apo na si Ellie?

“Ay, kukunin ko!” mabilis naman niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Kapag aalis ka, kukunin ko.’”



LOVELIFE. Naaliw naman kami sa sagot ni Jaclyn nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.

“Okey naman ako, okey pa naman, a!” natatawang hirit niya.

Ayaw naman daw niya ng bagets na boyfriend.

“Ayoko ng bagets, nagi-guilty naman ako.

“Kasi, yung trese, mas mataas pa sa akin,” pagtukoy niya sa kanyang bunsong anak.

Hindi pa ba siya nagkakaroon ng bagets na boyfriend?

Sabi ni Jaclyn, “Yung daddy ng bunso ko, ten years younger than me. Gusto ko naman yung my age.

“Nagpunta ako ng U.S., nakita ko ang video ni Hilda Koronel at saka asawa niya…

“Si Hilda, ang ganda-ganda niya. Ang payat, ang aura!

“Siguro yung mature naman, biyudo.

“Bakit si Zsa Zsa Padilla, si Hilda?

“Yung medyo may puti-puti ng konti [ang buhok]… wisdom naman.

“Tapos na tayo sa mga paglalaro.

“Nag-enjoy rin naman tayo nang bonggang-bongga noong kabataan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN