Billy Crawford and Coleen Garcia officially an item

Dahil daw sa magkaternong suot nilang mga sapatos kaya nabuko sina Billy Crawford at Coleen Garcia ng kanilang It’s Showtime co-hosts. Umamin ang dalawa na sila na sa noontime show ng ABS-CBN kahapon, July 24.


Umamin na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na “mag-on” na sila.

Ginawa ni Billy ang pag-amin sa noontime show na kinabibilangan nila ni Coleen, ang It’s Showtime ng ABS-CBN, kahapon, July 24.

Ibinuko sila ng co-hosts nilang sina Vice Ganda at Vhong Navarro dahil sa magkaparehong sapatos na suot nila kahapon.

Nang tanungin ni Vhong kung sinagot na siya ni Coleen, umamin si Billy at sinabing: “Oo, sinagot na ako ni Coleen. Kami na!”

Ito ay sa kabila ng nauugnay na ang dalawa noon pang 2013. Nadawit pa nga ang pangalan ni Coleen bilang third party diumano sa breakup ni Billy at ng ex-girlfriend nitong si Nikki Gil.

Pagkatapos ng It’s Showtime ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at The Buzz crew sina Billy at Coleen.

Ano ang pakiramdam ni Billy na sinagot na siya ni Coleen?

Sabi ng 32-year-old singer-TV host, “I feel wonderful! I feel very, very happy! Very, very blessed!”

Ayon naman kay Coleen, 21, sinagot niya si Billy isang araw bago ang pag-amin nila sa It’s Showtime.

“Kahapon [July 23], kahapon lang!

“Sinundo ko sya sa airport ng 4 A.M., kararating niya lang from U.S.”

Sabat ni Billy, “Kasi ang kulit ko rin, e, halos, araw-araw ko siyang tinatanong.”

Pagsang-ayon ni Coleen, “Kasi nga, ang kulit niya, sobrang kulit niya.”

Anong pangungulit ang ginawa ni Billy kay Coleen?

Sabi ni Billy, “To be honest with you, siguro we just let this moment be our moment naman.

“We don’t really owe an explanation to everyone.”

Singit naman ni Coleen, “He just asked me, ‘Can you be my girlfriend?’ I said, ‘Okay!’”

Pero sabi ni Billy, “Actually, it’s not easy like that, kasi nakailang tanong ako bago siya nag-okay.”

Pagkumpirma naman ni Coleen, “Nakailang tanong muna siya.”

Dagdag ni Billy, “I guess, we both understand each other

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know… I just felt asking again and again and again.

“I never give up, you know.”

WITH LABEL. Ano naman ang reaksiyon ni Billy nang sinabi ni Coleen na “okay”? Napatalon ba siya sa tuwa?

Tila kinikilig na sabi ng Fil-Am entertainer, “Hindi... yung reaksiyon ko, parang ini-expect ko na… I’m shy!

“Kaya nung nag-okay siya, nagulat ako.

“At nasabi ko na, ‘What? So, yes?’ ‘Tapos, yun na!”

Mas masarap ba yung feeling na may "label" na ang relationship nila ngayon?

Sabi ni Billy, “Yun ba ang hinihintay ng lahat na may label na? I guess so.”

Dagdag ni Coleen, “Ngayon, may label na!

“Dahil sa shoes na suot namin, ibinuko kami ng mga co-host namin.”

Paano nalaman ng It’s Showtime co-hosts nila na sila na? Sadya bang alam na nila o nasorpresa lang sina Billy at Coleen sa biglaang tanong sa kanila?

Sabi ni Billy, “Because nga of the shoes na suot namin, kasi nga terno kami ng shoes.”

Dagdag ni Coleen, “Pabiro lang nila yun, kasi kahapon ko lang naman sinagot si Billy.”

Ano ang dahilan at sinagot na ni Coleen si Billy?

Saad ng singer-actress, “Kasi, I think we were already there anyway, and parang kulang na lang talaga ay ang label.

“I don’t know, but I don’t feel any difference.

“Siguro, in a way, I’m happier, I feel a lot lighter.

“Yung feelings naman is there.”

Malaking factor ba yung pagkawala ni Billy ng ilang araw para makapag-decide si Coleen na sagutin na niya ito?

Sagot ng dalaga, “Isa sa mga factor yun, yes.

“But I was coming naman, sooner or later, I guess.

“Saka naisip ko it’s the right time already.

“Na-miss ko naman siya nung nasa U.S. siya.”

Ginusto rin ba ni Billy na magpa-miss kay Coleen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Billy, “Hindi ko naman ginusto, nagtrabaho lang po ako dun sa U.S. Pero yun, e, na-miss ko rin siya.”

Nasorpresa ba siya nang sunduin siya ni Coleen sa airport?

“Nope, I actually asked her to pick me up,” sagot ng international recording artist.

BOSS LADY. May tawagan na ba sila sa isa’t isa bilang “sila” na?

Sabi ni Billy, “I call her ‘Boss Lady,’ she’s my boss lady.

“She really bosses my friends around. Yung mga kaibigan ko are pretty hardcore friends.

“So, ‘Boss Lady’ ang tawag ko sa kanya…in a good way.”

Ano naman ang tawag ni Coleen kay Billy?

“Wala pa!” sabay tawa ng dalaga.

Magiging advantage kaya sa relasyon nila na magkasama sila araw-araw sa trabaho?

Sagot ni Coleen, “Yes. I guess, in a way, we force to resolve our problems easier and quicker.

“Kunwari, may problema kami or may pinagdadaanan kami at may work bukas, di magkikita rin naman kami.

“At least, we never sleep with our problems.”

Hindi kaya sila magkasawaan dahil magkasama sila araw-araw?

Mabilis na sagot ni Billy, “I don’t think so.”

Pagsang-ayon ni Coleen, “No, kasi we learn so much about each other every day.

“Parang you can’t really know a person 100 person kung ‘di kayo magkasama araw-araw.

“So, every day, may nadi-discover ka sa kanya.”

Ano naman ang mensahe nila sa isa’t isa?

Sabi ni Billy: “Message? Mahiyain ‘to, e… awkward!"

Pero dagdag niya, “She knows exactly what I feel.

“I really also just want to be the best man I can be.

“Even I have my mistakes, I’ll just be there regardless of when she needs me or not.

“I just want her to be happy.”

Sabi naman ni Coleen, “Of course, he’s always here for me, he’s always been here naman for me, and I’m always here for him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m just happy because, apart from feeling the way I feel about him, I consider him as my best friend.

“I can share absolutely anything with him.

“I’m happy to have that relationship with him.”

Sino ang unang nagsabi ng “love” sa kanilang dalawa?

“Ako!” bulalas ni Billy, sabay tingin kay Coleen at sinabing, “I love you.”

Nang hingan ng reaksiyon sa sinabi ni Billy, nahihiyang sumagot nang pabulong si Coleen habang nakatingin sa ibaba, “I love you, too.”

Pagkatapos nito ay niyakap ni Billy si Coleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN