Chynna Ortaleza sets higher standards for next relationship

Chynna Ortaleza is not in a hurry to find new love after her breakup with Railey Valeroso a year ago. "Nasa process ako to really know myself, my God, my weaknesses, my dreams. Kaya hindi rin ako naiinip, kasi masaya.”


Mahigit isang taon nang single si Chynna Ortaleza mula nang matapos ang relasyon nila ng ex-boyfriend niyang si Railey Valeroso.

Bukas na ba ang puso niya para magmahal muli?

Sagot ng Kapuso actress, “I don’t have a special someone at this time, pero I’m not closing doors.

"Hindi mo rin naman kasi puwedeng hanapin ‘yan, darating na lang ‘yan.

"Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, siyempre tinatanong nila, sabi ko, ’Darating ‘yan paggising ko.’

"Plinano na pala na makaka-meet din ako ng tao na romantic love ko at hindi ko kayang layuan.”

Wala pa talaga siyang prospect man lang o nanliligaw?

“Alam niyo ngayon, marami akong kaibigan.

"Sabi ko nga sa parents ko, ang laki pala ng mundo to think na nandito lang ako sa ’Pinas.

"What more kung makapag-travel pa ako, makakilala ako ng iba’t ibang tao?

"So, yun talaga ang, at this point, nangyayari sa buhay ko.

“Hindi ko rin naman puwedeng sabihin na, ’Ay, ang lungkot naman!’

"Kasi biruin mo, every day, parang may bago. May bagong discovery.”

Wala talagang nanliligaw?

“Hindi ako madaling ligawan,” sabi niya.

Bakit?

“Ay, tanong natin sa mga lalaki! Parang hindi ko yata yun kayang sagutin.

"May mga nagsasabi, yung mga close friends ko, sinasabi nila na nakaka-intimidate daw ako.

"Pero ang sa akin kasi, ’Ikaw, boylalu, nai-intimidate ka sa akin, hindi ako magwe-waste ng time sa ‘yo. Kung nai-intimidate ka sa akin, ibig sabihin, hindi ikaw ang man para sa akin.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chynna sa pocket presscon ng GMA Artist Center para sa mga artista nitong may entry sa Cinemalaya, noong July 22.



PICKY. Aminado naman si Chynna na pagkatapos ng kanyang pinagdaanan, mas tumaas pa ang standard niya sa pagpili ng magiging boyfriend o makakarelasyon.

Sabi niya, “Pero siyempre minsan, naiisip ko, baka naman masyadong mataas. Tama pa kaya itong mga naiisip ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang kasi, yun ang alam kong deserve ko, so bakit ko bababaan?”

Ano na ang hinahanap niya ngayon sa isang lalaki?

“Una, dapat maganda ang relationship niya kay God. Feeling ko, yun ang pinakaimportante.

"Kasi when you have a relationship with God, your mind is in the right place.

"So, maybe, that’s number one for me at this point.

“Number two, somebody who makes me laugh. Importante sa akin na magaan.

"At saka siguro, yung pinaka-important, yung mahal ako nang buo.

"Pati pamilya, kaibigan, ako, kung sino ako.

"Lahat ng faults ko, kaya niyang i-accept yun, at kaya niyang suportahan ang mga bagay na mahal ko."

Masasabi ba niyang buo naman siya pagkatapos ng breakup nila ni Railey?

“Ngayon? Getting there kasi, at this point, I’m still discovering myself.

"Yun ang reason ko kung bakit I had to give up my relationship

"Kasi, there is something that’s missing, and I can’t determine that before.

"Pero ngayon, nasa process ako to really know myself, my God, my weaknesses, my dreams.

“Kaya hindi rin ako naiinip, kasi masaya.”

SECOND MOVIE WITH NORA. Ikalawang pagkakataong nakatrabaho ni Chynna ang Superstar na si Nora Aunor sa Cinemalaya 2014 entry na Hustisya.

Una silang nagkasama sa indie film na Dementia.

Ano ang mga hindi niya makakalimutan sa pakikipagtatrabaho kay Nora?

Sagot niya, “Meron akong natutunan sa kanya na, feeling ko, importante pagdating sa craft.

"Ako kasi, kapag umatake ako ng role, masyado ko siyang iniisip, masyadong cerebral.

"Masyado akong maraming naiisip na paandar, ganyan…

"Whereas, sabi niya sa akin, kailangan organic yung lumalabas.

“Kasi siya, hindi man sa ini-study niya ang script na alam na alam na niya, parang ako, okay, tama yun.

"Sabi niya sa akin, ’Kapag pumunta ka sa set, kalma ka lang. Huwag mong masyadong kinakasa. Gawin mo lang ang pinaka-truthful sa ‘yo pagdating sa eksena.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aside from that, siguro ang masaya ko na natutunan sa kanya… alam ko kung bakit mahal din siya ng mga tao—magaling siyang mag-alaga ng tao.

"Parang nakikita ko naman na bina-value niya yung mga tao sa set, kinakausap niya.

"’Tapos, palagi siyang... kung kaya niyang ibigay ang dapat niyang ibigay, ibibigay niya.”

CINEMALAYA. Dalawa ang entries ni Chynna sa Cinemalaya ngayong taon.

Bukod sa Director’s Showcase entry na Hustisya, kasama rin siya sa #Y na pang-New Breed naman.

Saad ni Chynna, “Actually, by accident, nalaglag na naman siya sa lap ko.

"Akala ko, isa lang ang puwedeng entry ng isang artista, pero ano yata, basta huwag lang yung lead.

"So, pumayag naman ang committee ng Cinemalaya na gawin ko rin ang New Breed."

Sa dalawang pelikula, ano ang mas malaking role niya?

Sabi niya, “Pareho lang sila. Magkaiba… hindi ko mapag-compare.

"Magkaiba talaga ang films mismo kapag pinanoood niyo.

"Yung #Y really caters to the upper market, parang yung market natin diyan ay nasa A, B.

"While ang Hustisya naman ay across the board, masa hanggang class A.

“Mahirap ang role ko dun na medyo wala ring puso.

"Preso. Doon ko mami-meet si Ms. Nora.

"Makikita mo ang politics inside the prison, paano tumatakbo ang human trafficking din."

APPREHENSIONS. Simula nang mag-artista si Chynna, tila ngayon lang yata siya nakakagawa ng sunud-sunod na pelikula? Parang “late bloomer” siya pagdating sa movies.

Sabi niya tungkol dito, “No, I’m just really, really young and I wanted to be young for ten years.

"Parang feeling ko lang, ngayon ko lang talaga sinabi sa sarili ko na, ’Tigilan mo na nga ‘yang mga ka-etchosan mo na bawal-bawal.’

"Mga dalawang taon ko rin yata yun na dala-dala... ang dami kong apprehensions.”

Anong mga pagbabago na ang makikita sa kanya ngayon?

“Wala lang, feeling ko lang, mas free ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang, mas masaya ako sa trabaho ko.

"Hindi ko alam kung ano ang mga opportunities na darating, pero bahala na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN