Isabel Oli just waiting for John Prats’s proposal; denies snubbing incident with ex-boyfriend Gab Valenciano

Although Isabel Oli and John Prats are sure they are right for each other, and have been talking about being together for life since the start of their relationship, no wedding is forthcoming yet. "Ayokong i-rush... we just wait kung kailan,” she says.


Madalas na napapanood ngayon sa ABS-CBN shows ang aktres na si Isabel Oli.

Pero nilinaw ng aktres na freelancer siya at wala siyang kontrata sa kahit na anong network.

Posible rin daw na sa September ay may bago na siyang show.

“Hindi ko pa puwedeng sabihin, basta sa September,” sabi ni Isabel nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Morellato, sa Shangri-La Mall, noong July 22.

Bilang mas madalas siya ngayon sa ABS-CBN, posible bang magsama sila ng boyfriend niyang si John Prats sa isang programa?

Sagot ni Isabel, “Parang ang hirap, e.

"Sabi nga namin, ’Paano kung i-guest tayo sa Maalaala Mo Kaya? Patay!’

"Ewan ko na lang kung maseseryoso namin ang iyak namin doon. Natatawa kami.

"Sabi niya, ’Baka hindi, baka mag-backout ako kapag drama.’

“Okey lang ako, pero siya, parang natatawa talaga siya.

"Sa Banana Split, nag-guest ako dun, okey siya, kasi, ‘di ba, patawa lang?

"Pero kapag drama, tingnan natin.”



GAB VALENCIANO. Tinanong din ng PEP kay Isabel ang lumabas na balitang hindi raw sila nagpansinan ng ex-boyfriend niyang si Gab Valenciano sa FAMAS Awards Night noong nakaraang linggo.

Paglilinaw ng aktres, “Hindi, siguro walang time to make pansinan.

"Noong tinawag kasi siya sa stage, doon ko lang nalaman na nandoon pala si Gab.

"Sabi ko, nandoon pala siya.

“After niyang mag-perform, ako naman ang sumunod na tinawag, pero different stage.”

Ang totoo raw, pagkatapos nilang mag-break noon ni Gab, hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkita.

“Hindi, wala talaga, but we’re okay.

"Hindi naman talaga kami nag-away. Friends naman siguro pa rin!

“Lalo na ngayon, we’re both happy with our lovelife.”

Natatawa pa niyang sabi, “Actually, lahat ng mga naging ex ko, hindi kami nagkikita!”

Kumusta naman sina Gab at John, lalo na’t nagkasama noon ang dalawa sa ASAP?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Isabel, “Hindi ko alam, hindi naman nabanggit ni John.

"Pero okey sila and they work in ASAP.

"Okey naman talaga ever since.”

Masaya naman daw si Isabel para kay Gab, na engaged na ngayon sa girlfriend nitong si Tricia Centenera.

“I’m really happy kasi parang finally nakahanap na rin talaga siya ng para sa kanya. Yung the one para sa kanya.”

NO PROPOSAL YET. Sa parte ni Isabel, nahanap na rin ba niya ang “the one” para sa kanya sa katauhan ni John?

“Oo, oo,” nakangiting sagot niya.

“Feeling ko talaga, siya na.

"Pinagpi-pray ko pa rin na anuman ang mangyari, sana siya.

"Actually, kaming dalawa naman, pinagpi-pray talaga namin na sana, tuluy-tuloy na talaga.”

Hindi pa ba nagpu-propose sa kanya si John?

“Wala, wala pa talaga, seryoso yun.”

Parang unang buwan pa lang yata na naging sila, nababanggit na ang kasal at parang sigurado na si John na si Isabel na ang gusto niyang pakasalan.

“Oo, atat kami sa ganyan!” natawang sabi ni Isabel.

“Parang ang sarap magplano, pero kinabukasan, iba na naman ang plan.

"Kung sakali, definitely, simpleng wedding lang ‘yan.”

Pero naghihintay na lang ba siya ng proposal mula kay John?

Pag-amin ni Isabel, “Ako, to be honest, I’m just waiting.

"He’s perfect for me so I’m just waiting for the right time and he’s waiting for the right time also.

"Right timing lahat… kung kailan lang talaga.

"Ayokong i-rush lahat kasi, alam mo na, ‘di ba?

“So, parang ngayon, ibang level. Ano lang, we just wait kung kailan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN