Manilyn Reynes clarifies report that she is asking high TF for Triplets reunion concert

When asked about the advantage of having husband Aljon Jimenez as her talent manager, Manilyn Reynes said, “Someone is talking for you. Ang hirap din kasi to deal with people… Mas maganda rin kasi ako nakakapag-open up talaga ako, I’m very vocal [about the projects].”


Pinabulaanan ni Manilyn Reynes ang bali-balitang mahirap na siyang kunin ngayon dahil sa manager at asawa niyang si Aljon Jimenez.

Kamakailan, lumabas sa column ni Dinno Erece sa Bandera ang diumano’y mataas na singil ni Aljon para sa concert sana ng asawa at mga kasamahan nito sa grupong Triplets na sina Sheryl Cruz at Tina Paner.

Ang proposed Triplets reunion concert ay ipo-produce sana ng ina at manager ni Tina na si Daisy Romualdez.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn tungkol dito nang makapanayam siya sa pagbisita ng entertainment reporters sa set ng GMA comedy series na Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kwento kahapon, July 24.

Pero iwas na sumagot ang actress-singer.

Paliwanag niya, “Ang hirap magsalita about it because hindi naman kasi ako yung tipong basta lang makapagsalita.

“Mahirap lang din siyempre sa part ko, kasi hindi naman yung naibabalita, and yet, ganun yung ipinalalabas.

"Ang hirap to talk."

Sa pagtanggap ng isang proyekto, sabi ni Manilyn, hindi rin naman malaking isyu sa kanya ang talent fee.

Saad niya, “Alam mo, when you are a performer, meron kasing segregation.

“When you are singing, this is your rate, or when you are acting, this is your rate.

“If it’s a concert, ito ‘yan. If it’s a 30-minuter, ito ‘yan.

“I’d like to think that kami, kung inaayos mong mabuti ang trabaho mo, inaayos mong mabuti ang segregation mo…

"Sana huwag namang guluhin. Kasi, after all, lahat kayo nagtatrabaho."

Diretsang tinanong ng PEP si Manilyn kung mahirap na nga ba siyang kunin bilang talent.

Agad niyang sagot, “Actually, hindi. Hindi talaga, e.”



BETTER MANAGER. Para kay Manilyn, mas mainam na ang asawa ang tumatayong talent manager niya ngayon.

Sabi niya, “Someone is talking for you. Ang hirap din kasi to deal with people.

“Na-experience ko rin yung walang manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung transactions… Not only are you trying to please people, pero hindi ka rin naman puwedeng…

“Basta ang hirap ng walang nagsasalita for you.”

Bukod sa may nagsisilbing representative sa business side ng kanyang trabaho, sabi ni Manilyn, mas nakapagbibigay siya ng opinyon tungkol sa mga offer sa kanya.

“Mas maganda rin, kasi ako, nakakapag-open up talaga ako, I’m very vocal [about the projects].

“He knows talaga kung ano ang gusto kong gawin and he knows kung ano talaga yung ayaw na ayaw ko.”



LIMITATIONS. Bagamat nagsisilbing talent manager na rin niya ang asawang si Aljon, nananatili naman daw ang usapan nila na hindi magiging problema ang anumang may kinalaman sa pera.

Pahayag ni Manilyn, “Kami, basta we know that we are working as individual, and we’re earning for the entire family as a family, as husband and wife, okay na ‘yon.

“Ibig kong sabihin, never, never talagang magdiskusyon about money.

“Never talaga, kasi masisira talaga kapag ‘yon ang naging ugat, ‘yon ang pinagmulan.

“With financial matters, walang pinagdidiskusyunan diyan.”

Pagdating naman sa pagpili ng proyektong tatanggapin, mas nabibigyang halaga raw ang opinyon ni Manilyn.

Aniya, “With things about roles and things that require me to do na medyo [alanganin], sinasabi ko.

“Sinasabi naman niya, ‘Do you feel comfortable with it? Kasi if you don’t feel comfortable, don’t do it or sabihin mo para gawan natin ng paraan.’

“Sa trabaho namang ito, hindi dapat [pinupwersa].

“Dapat happy ka and you’re comfortable doing things you want to do and do the things na gusto nilang ipagawa sa ’yo at agree ka doon.

“Sa totoo lang din, hindi ka naman pipilitin kung talagang ayaw mo rin. Ikaw ang masusunod.

“Napapakiusapan naman ‘yon.”

Hindi rin daw dapat basta-basta na lamang tumatanggap ng trabaho.

“I should know better kasi matanda na po ako, ako ang uma-acting diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman din puwede na kung ano lang ang ilatag sa ’yo ay kukuhanin mo.

“Kasi, papano kung hindi pala sang-ayon ang kalooban mo to do that?

“’Tapos ay asawa ka and you have children, e, hindi lang naman ako,” pagtatapos ni Manilyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN