Richard Gomez confident that he has no love child: ‘Nag-backtrack na ako. Wala, e.”

“Alam mo nung binata ako, siyempre may konting kalokohan. Natatakot ka baka makabuntis ka. Tapos ‘pag may asawa ka na, ang hirap pala [magkaanak], no. Then iisipin mo, sana pala hindi ako nag-ingat nun," Richard Gomez quips in a press junket for his new game show on TV5, Quiet Please! Bawal Ang Maingay, held earlier today, July 25.


Ibinahagi ni Richard Gomez na nagplaplano ulit sila ng misis niyang si Lucy Torres na sundan ang anak nilang si Juliana, 13.

Sa pagkakataong ito ay gusto ng actor-TV host na magkaanak ng lalaki para may magtuluy-tuloy ang apelyidong Gomez.

“Papa’no kasi, kung hindi ako nagkaanak ng lalaki, wala nang Gomez. End of the line ako,” sabi ni Richard.

Si Richard ay lumaki sa kanyang lola at walang ibang kapatid, maliban sa kanyang pinsan at adopted daughter ng kanyang mga magulang na si Pinky Suarez.

Ayon pa kay Richard, kamakailan lang ay napag-usapan nila ni Lucy ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Forty-eight years old na si Richard at 39 naman si Lucy.

“Pero kasi kami ni Lucy, some two or three weeks ago, nag-usap kami. ‘Let’s try one more time.’

“Hindi namin alam kung ano’ng gagawin naming steps, if we’re going to see a doctor.

"Siguro, at this point, we’ll try [to seek medical advice]," sabi ng aktor.

Kinu-consider ba nila na mag-ampon ’tulad ng ginagawa ng ibang celebrity couples?

Sagot ni Richard, "Hindi ko type.

"Kahit before [hindi ko naisip]. Siyempre, gusto ko sariling anak."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa press junket ng bago niyang game show sa TV5, ang Quiet Please! Bawal Ang Mag-ingay!.

Ipapalabas ang programa sa 8 P.M. timeslot ng TV5 tuwing Linggo, simula August 10.

NO LOVE CHILD. Kaugnay ng kagustuhan niyang magkaanak muli, naungkat ang pagiging matinik ni Richard sa babae noong kabataan niya.

“Alam mo, nung binata ako, siyempre may konting kalokohan. Natatakot ka, baka makabuntis ka.

“’Tapos ‘pag may asawa ka na, ang hirap pala [magkaanak], ’no?

“Then, iisipin mo, sana pala hindi ako nag-ingat nun!” nagbibirong sabi ni Richard.

Nakakasiguro ba si Richard na wala siyang nabuntis na babae noong binata pa siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa ng isang entertainment reporter, baka magulat na lang siya kapag may lumutang na anak niya sa pagkabinata?

Sagot ng dating matinee idol, “Naku, hindi! Nag-backtrack na ako. Wala, e.”

Sa kabila nito, hindi natatakot si Richard kung sakaling may mag-claim na anak niya sa pagkabinata.

Aniya, “Kung meron, tatanggapin ko.

“Kasi ngayon, madali na, e. Papa-DNA [test] mo lang.

“Actually, may friend ako, nasa isang engagement siya. Lumapit talaga yung ano [anak], teenager na yung babae.

“Sabi nung teenager, ‘Sabi po ng mommy ko, kayo po yung tatay ko.’

"Sabi niya,‘Ganun ba? Sige, walang problema.’

“Ipina-DNA niya [Richard’s friend]. Kanya nga.

"Ganun na kadali [i-verify]."

PROTECTIVE DAD. Sa kabilang banda, lubos ang pagmamalaki ni Richard sa kanyang anak na si Juliana.

Ayon sa actor-TV host, Grade 8 na ang anak sa Everest Academy Manila sa Bonifacio Global City, Taguig.

Katulad ni Richard ay mahilig din si Juliana sa sports, ’tulad ng fencing at volleyball.

Kuwento pa ni Richard, “Yung last competition niya, umiyak nga siya, e, dahil natalo siya.

“Hindi siya nakakuha ng gold [medal], silver lang.

"Pero sabi ko, ‘Okay lang, at least nakikita mo okay yung lumalaban.”

Kung saka-sakali, maganda raw na paghusayan ni Juliana ang sports para pagtuntong ng anak sa kolehiyo ay puwede itong mag-apply ng scholarship.

Bukod dito, ang pagiging aktibo ni Juliana sa sports ay isang paraan upang hindi raw nito masyadong intindihin ang pagkakaroon ng boyfriend sa murang edad.

“Sinasabi ko sa kanya na 13 is too young to have a boyfriend. Crushes, natural lang yun.

“Dini-delay ko ‘yan by letting her be more active sa sports.

"Kasi ‘pag medyo idle sa bahay, baka kung anong isipin nun.

“I’m sure meron yun [crush]. Hindi lang nagsasabi sa akin.

"Dun siya sa nanay niya!" natatawang sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN