Ai-Ai delas Alas hints at new romance: "Happy ako, getting to know..."

Ai-Ai delas Alas on status of her lovelife: "A, steady lang ako sa pag-ibig, steady lang tayo diyan. Darating at darating ‘yan, at alam ko malapit na ‘yan dumating, and steady lang tayo."


Magdadalawang-taon nang hiwalay at nai-grant na rin ang divorce ni Ai-Ai delas Alas at ang dati nitong asawa na si Jed Salang.

Kaya kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Ai-Ai ang kanyang lovelife ngayon?

Natatawang tugon ng Comedy Queen, “A, steady lang ako sa pag-ibig, steady lang tayo diyan.

"Darating at darating ‘yan, at alam ko malapit na ‘yan dumating, and steady lang tayo.

“Malalaman niyo din naman ‘yan, e.

"Although, tahimik lang, pero pakonti-konting tsismis, okay lang yun.

“Pero yung maraming tsismis, tungkol sa lovelife, ayoko na nun kasi natuto na ako.

“Gusto ko na ng tahimik sa private kong buhay.”

Talagang tinapos na niya ang anumang ugnayan nila ni Jed?

Sagot ni Ai-Ai, “Tapos na lahat.”

Inatras ba niya ang kasong isinampa niya laban dito?

“Oo, oo. Kapalit kasi yun nung divorce ko, e.

"Lahat ng mga naging case, ang kapalit nun ay i-divorce niya ako, and okay na yung divorce.”

Wala pa rin bang mga nagpaparamdam at nagpapatibok ng kanyang puso ngayon?

Sagot ni Ai-Ai, “Wala naman, pero may isa lang na nagugustuhan ko. Pero akin na lang yun.

"Happy ako, getting to know...

"Happy naman ako. Happy and tahimik.

“Napakabait, napaka-maalalahanin, napaka-gentleman.”

Mas bata, guwapo, at tinitiyak niyang hindi raw ito manloloko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN