Gardo Versoza shares more than 10 quotes about corruption in government: "...kailangan natin, boses na may puwersa at hindi puro alingawngaw."

Gardo Versoza describes his ideal leader: "Opinyon ko, kailangan may balanse nung dalawa. Sa kaliwa mo, yung pusong bukal, sa kanan mo, yung kamay na bakal!"


Hindi maitago ni Gardo Versoza ang pagkadismaya sa sitwasyong pulitikal sa bansa kaya malaya itong nagre-react sa tuwing may pagkakataon.

Saad niya, "Sa akin, yung mga tatakbo as early as this time, nagpapaingay na sila. Dapat tingnan munang mabuti ng mga tao."

Ang tinutukoy niya ay ang napapabalitang balak ng mga kilalang pulitikong sangkot sa anomalya hinggil sa Priority Development Assistance Fund o PDAF na tumakbo sa pagka-Pangulo at matataas na posisyon sa gobyerno sa 2016.

Hindi pa opisyal pero sinasabing tatakbo ulit sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile.

Maging si Senator Bongbong Marcos ay may plano umanong tumakbo sa pagka-Presidente, gayundin ang kasalukuyang Bise Presidente na si Jejomar Binay.

Tulad ni Pangulong Noynoy Aquino, dawit naman si Binay sa sinasabing unconstitutional na Disbursement Acceleration Program (DAP) involving billions of pesos.

Reaksiyon ni Gardo, "Kumbaga, may mga bakas o precedents.

"Baka mamaya, same old banana, ’di ba?

"Feeling ko, pag may involvement sa anomalya, automatically, dapat huwag na lang [kumandidato o iboto].

"May doubts na e kahit pa sabihin mong maitutuwid man in two years, still, nagkaroon na ng batik, ’di ba?"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo noong July 20, sa Rockwell Powerplant Mall, pati na rin ang kanyang partner at manager na si Ivy Vicencio at ang kanilang nine-month-old na anak na si Deity Uziel, pati na rin ang kanyang manager.

Off niya sa taping ng Dading kaya bonding time iyon para kay Gardo at sa kanyang pamilya.

Nagkomento rin si Gardo tungkol sa maluhong lifestyle ng mga politician o ng pamilya ng mga ito na hindi nakakaligtas sa media at naipapabatid sa publiko.

"Kung gusto mo talagang mag-serve sa public, yun ang unang-unang dapat i-check, ’di ba? Kung yung lifestyle [ng isang pulitiko] e masyadong extravagant!

"Kumbaga, marami silang mga itinatapon at sinasayang na mga pondo na dapat sana ay nauuwi doon sa mga kinauukulan at talagang nangangailangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa mga beterano at baguhang tumatakbo, ani Gardo, "Dalawang bagay lang ’yan. Kung sasabihing hindi siya talaga napakayaman, ang dating niyan, magpapayaman ang isang pulitiko.

"That’s a possibility. Kung sasabihin naman na datihan na siyang mayaman, ang puwedeng pakay niyan ay para protektahan yung kanyang yaman.

"Sabi nga, yung bagong yaman pa lang, magpapayaman pa ’yon! At nangyayari ang ganyan, marami nang mga pruweba.

"Kaya rampant ang corruption sa ating bansa!" saad pa ni Gardo.

"Pero hindi maipasa-pasa yung anti-Dynasty bill. Hanggang ngayon, talamak ang Kamag-anak Incorporated sa gobyerno natin!

"So dapat alam na ng tao, ng mga botante natin, yung mga tricks na puwedeng tawaging bukbok o mga anay sa sistema!"

NO TO POLITICS. Consistent naman si Gardo Versoza sa kanyang pahayag, noon at ngayon, hinggil sa pagsali sa pulitika.

"Wala! Kalokohan yung sasabihin mong, ’Gusto kong tumulong...’ ’di ba?

"Pag gusto mo talagang tumulong, sabi nga nila, ’Pag gusto mo talaga, maraming paraan...’

"Ang problema kasi, ayaw lang aminin na maraming kickbacks, e.

"Nandoon na tayo. Sasabihin, tutulong, pero tutulong sila sa halagang piso ’tapos ang iki-kickback naman, isandaang libong piso!

"Lalo mong pinahihirapan ang bayan!

"Marami din sa mga nasa pulitika, sabihin na nating husto sa kaalaman pero parang nakikisalamuha pa rin kina Hudas, ’di ba?

"Dapat, pag kilala mo na yung Hudas, iwasan mo na. Kilala mo na yung karakas niyan, e!"

Patuloy niya, "Puwera na lang kung ipit na ipit ka na.

"E, alam mo naman na nasa good side ka, pumirmi ka na lang sana doon at maging tapat sa sinumpaang tungkulin.

"Pero hindi na yung to the point na makikipagbolahan ka pa, kakausapin mo pa, e-echosin mo pa ang kawatan pero deep in your heart and at the back of your mind, alam mo na magnanakaw siya, ’di ba?"

Para sa mga botante, heto ang tinuran ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Batu-bato sa langit, ang tamaa’y huwag magagalit pero dapat nang mag-isip-isip!

"Kasi, hangga’t hindi nabubuksan yung gano’ng kaisipan, ’tapos hindi tinitira yung mga gano’ng kalakaran, paulit-ulit lang ’yan, paikut-ikot lang ’yan. At ang kawawa lang palagi, yung mga kabataan ng mga susunod na henerasyon."

LAW-ABIDING CITIZEN. Pero kahit hindi niya gusto ang sitwasyon ng bansa, patuloy pa rin daw sa pagsunod sa batas si Gardo, na ang totoong pangalan ay Peter Mennen Torres Polintan.

Halimbawa, hindi nasangkot ang pangalan ni Gardo bilang aktor sa mga listahan ng delinquent taxpayers o tax evaders.

"Oo, at saka may problema tayo, madalas sa mga nagpapatupad ng batas, sila pa mismo yung lumalabag sa batas!

"Dapat, pag sinabing ganito, ganyan, stand by your word, lead by example.

"Kamukha niyan, ang daming dumaan na mga pulitiko na mula sa industriya na kapwa artista, pero ano yung masasabing naiambag nila?" tanong ni Gardo.

ROLE MODELS. Hindi ikinakaila ni Gardo ang mataas niyang pagtingin sa yumaong Fernando Poe Jr., na 2004 Presidential Candidate at National Artist for Film.

Impressed din siya sa mga nagawa ng yumaong dating Local Government Secretary, Jesse Robredo, pati na ang balo nitong si Camarines Sur Representative Maria Leonora "Lenny" Robredo.

"Yung parang isang hope na sana makakapagpabago, namatay pa sa stress, si Da King [FPJ], ’di ba?"

Kaya hindi na rin pabor si Gardo sa mga artistang pumapasok sa pulitika.

"Hindi ko naman nilalahat, pero marami na tayong nakikitang gano’n, mga politicians from showbiz."

Meanwhile, maraming kaisa si Gardo sa integridad ng yumaong Jesse Robredo at ni Lenny, na tatakbo raw bilang senador.

"Yung nakikita ko sa asawa ni Robredo, actually, yung ganyang tipo ang masarap maging Presidente.

"Pero, feeling ko din, bukod sa pagkakaroon ng bukal na puso, bilang tao, kailangan mo rin ng kamay na bakal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opinyon ko, kailangan may balanse nung dalawa.

"Sa kaliwa mo, yung pusong bukal, sa kanan mo, yung kamay na bakal!"

A VOICE, NOT AN ECHO. Nabanggit ang tungkol sa tila kawalan ng hustisya sa pamamalakad ng gobyerno, sanhi ng rampant corruption.

"Para sa akin, may hustisya man o wala, ang kailangan natin, boses na may puwersa at hindi puro alingawngaw.

"Ihalintulad natin ’yan sa rebolusyon, pag may sumigaw ng ’Lusob!’ o ’Kumilos tayo,’ hindi puwedeng sisigaw lang din yung nakasunod sa ’yo, ’di ba? Na sasabihin lang din, ’Kilos!’

"Once na may nag-start, gumalaw na dapat yung nakasunod, tulad ng sinasabi rin nga, ’Be a voice, not an echo!’

"Sa akin, klarong-klaro ang dating nun, e.

"Sa nakikita kong nangyayari sa bansa natin, lagi lang ganyan, echo lang nang echo.

"’Pag may reklamo, echo lang nang echo, complain lang nang complain.

"Same thing if you’re talking about justice, ’di ba?

"Sasabihin, halimbawa, ’O, si ganito, bigyan natin ng hustisya,’ ganyan...

"Ang taong bayan ang boss, so being a boss, show that you are the boss!"

At ang mga pulitiko ang public servants?

"At ang power ng boss, ’di ba, kaya niyang magpatalsik ng tao?

"Dapat yun ang ini-instill sa minds ng mga taong naghihirap, nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

"Na iniiwan ang pamilya nila upang mag-alaga ng ibang pamilya, para ipambuhay sa sarili nilang pamilya."

PALACE PERFORMANCE. Nagpahayag din ng opinyon si Gardo tungkol sa napag-usapang pag-slide ng performance ratings ni PNoy sa pinakahuling survey.

Ang teorya, naapektuhan ang ratings ng Pangulo sanhi ng pagkakadawit ng pangalan ng nito sa DAP.

Opinyon ni Gardo, ang failed performance ratings ay patunay na may pagka-disgusto ng tao.

"Pero, siguro, bukod pa do’n, [ang] DAP controversy, yun ang pinakamalaking factor.

"Siyempre mamahalin ka ng tao, kung mahal mo yung mga tao.

"Ngayon, kung sinasabi mong mahal mo iyong tao pero pagpapakitang-tao lang, mararamdaman din ng mga nasasakupan mo ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kahit sabihin mang may DAP [anomaly] o wala, ipaparamdam nila sa iyo ’yan kung gusto ka nila at mahal ka nila o inis sila sa iyo!"

Suot ni Gardo ang T-shirt na may mga katagang: "Proud to be Filipino / Ashamed of my Government" na unang nakapukaw sa pampublikong kamalayan nang isuot ni Nora Aunor sa last shooting day ng Cinemalaya entry na Hustisya.

Tahasang natukoy sa message na ito ang sentimyento ng aktor hinggil sa sitwasyon ng bansa.

Gayunman, hindi direktang nag-uudyok ang aktor ng anumang pag-aaklas.

Maging ang sinasabi ng iba na dapat nang ma-impeach o mai-file ang impeachment complaint laban kay PNoy ay hindi ini-encourage ni Gardo.

"Mahirap kasi [sa mga reklamo], puro simula," sabi ni Gardo.

"Granting na may mag-file ng impeachment and thinking in advance na ma-grant ng korte yung impeachment, sino naman ang credible na papalit?

"’Di ba laging sinasabi yan, ’Go for the lesser evil!’

"Kumbaga, parang ’yan ang mga nilalaman ng mga hinaing sa T-shirt."

Hindi ba nalalagay sa alanganin si Gardo dahil sa pagiging vocal observer o kritiko niya?

"Si Ivy, natatakot, e. Sabi ko sa kanya, mas maganda yung mamatay ka nang may katuturan kaysa mamatay ka nang walang saysay o yung mabuhay ka sa kahihiyan!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN