Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged "gross mismanagement" of GMA Artist Center

Among the complaints of Aljur Abrenica against GMA Artist Center include the alleged cancellation of his Bench endorsement, and the supposed directive of SM Supermalls management that banned him from entering the mall.


Marami ang nagulat sa biglaang pagsugod ni Aljur Abrenica sa Quezon City Hall of Justice nitong nakaraang July 24.

Ang pakay ng aktor ay hilinging tapusin na ang kontrata sa kanyang home network, ang GMA.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa 24-year-old singer-actor, halos isang taon daw niyang pinag-isipan ang hakbang na ito para sa kanyang showbiz career.

Hindi na raw kasi nagtutugma ang direksiyong gusto ng GMA sa gusto niyang mangyari.



REASONS. Matapos mai-file ni Aljur at Atty. Ferdinand Topacio ang reklamong Judicial Confirmation of Rescission of Contract against GMA Network Inc. sa Quezon City Hall of Justice, sinubukan ng PEP at iba pang media na makahingi ng kopya nito.

Pero hindi pumayag ang clerk of court.

Hindi rin nagbigay ang kampo ni Aljur ng kopya dahil baka raw masampahan ng kaukulang reklamo ang mga maglalabas ng nilalaman nito, pati na mismo ang kanilang kampo.

Pero noong gabi ng July 24, may mga websites na nag-publish ng mga excerpts mula sa sinasabing complaint affidavit ni Aljur.

Ang mga sumusunod ay ilan lang sa mga rason kung bakit gustong umalis ng aktor sa GMA, na binanggit mismo ni Aljur sa media interview na naganap noong araw na nagsampa siya ng reklamo:


1. PAGPAPAHALAGA AT RESPETO SA CAREER


Ayon kay Aljur, "Kaya po ako nandito ngayon, sa totoo nga lang po e, ayoko nga po sanang umabot sa ganito.

"Ako po yung huling tao na magdedesisyon na malagay sa ganitong kalagayan.

"Pero po e, dahil po hindi po ako nabibigyan ng pagpapahalaga at respeto sa career na gusto ko."


2. ALJUR "EXERTED ALL EFFORTS"

Ayon naman kay Atty. Topacio, “Tama yung kliyente ko, we exerted all efforts, we did.

"Siguro naman hindi masamang sabihin we did some back-channeling to our friends.

"Marami naman tayong kaibigan sa Siyete, and then... ngunit, before that, nakipag-usap na rin siya without a lawyer, person to person, and yun nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, we even sent then, nung hindi na maayos, pinadalhan namin ang GMA-7 ng formal letter hoping na they would sit down to see what the problem was.

"Ngunit they insisted on the contract so wala na po kaming choice.”

Pero hindi rin naman daw nila sinasara ang kanilang pintuan sa isang “fruitful dialogue” with GMA.

3. FOR HIS CAREER


Sinabi ni Aljur na kailangan niyang hilinging tapusin na ang kanyang contract na sa 2017 pa matatapos "kasi, bilang seryosong aktor at musikero po, marami pa po akong gusto.

"Kumbaga, lahat naman po tayo gusto nating mapabuti po tayo, for good cause naman po.

"At marami po tayong gustong matulungan, marami po tayong gustong marating.

"At sa akin pong nakikita, ’di na po nag-aakma, nagtutugma ang direksiyon na gusto nila para sa akin at direksiyon na gusto kong puntahan para sa career ko."

4. A MATTER OF ARTISTIC DIRECTION


Dagdag naman ni Atty. Topacio, “It’s a matter of artistic direction e, according to my client.

"At siyempre, my client is not a piece of meat, he’s an artist, hindi puwedeng ipagawa sa kanya ang mga ayaw niyang gawin.

“He will not grow as an artist at sa palagay niya, ito yung bunga nitong lawsuit na ito.

"Pero, katulad ulit [ng nauna kong sinabi], we are not closing our doors to a dialogue, hindi kami nakikipag-away.

"GMA-7 will always be part of his life, at kung mauupuan ito…

"It’s just that wala na kaming choice e, ngunit ito namang hukuman ay may pre-trial ‘yan wherein the court will try to get the parties together.

“Meron pa ‘yang mediation, meron pang JDR [judicial dispute resolution], maraming avenues for a reconciliation [for] both parties, it’s a win-win situation for both parties."

5. VALUING HIS TALENT


Dagdag na paliwanag ni Aljur, “Kasi po nitong mga nakaraang taon, marami na po kaming hindi napagkakasunduan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero as much as possible po, nakikipag-compromise ako sa kanila, kinakausap ko po sila lagi.

"Pero itong mga nakaraang buwan, parang napag-isip-isip ko na hindi na tayo bumabata, tumatanda po tayo.

"Siyempre bilang isang artista may mga kahilingan tayo, kagustuhan tayo na gusto nating mangyari. Pero hindi po kasi nila binibigyan ng kahalagahan at respeto yung pagiging… yung talent ko po.”

6. NO OFFERS, NO TALKS


Tinanong ng PEP ang aktor kung may mga offer ba mula sa ibang istasyon o nakikipag-usap na ba siya sa posibleng lilipatang network bago pa ito nagsampa ng reklamo?

Tugon niya, “Wala pa, hindi pa po ako nakikipag-usap.”


PEP SOURCES. Kasama sa naiulat ng PEP noong July 24 ang balitang isa raw sa labis na ikinasama ng loob ni Aljur kaya nagsampa ito ng reklamo ay ang pagkawala ng isang malaking endorsement nito.

READ Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Bukod rito, ayon sa source na isang kasamahan din sa media, "He’s being made to sing naughty songs."

Hindi rin daw pabor si Aljur sa ilang eksenang pinapagawa sa mga teleserye, lalo kung ito ay daring o sexy.

May mga nakapagbulong sa PEP ng dalawang insidente.

Una rito ay tungkol sa kanyang album.

May mga taga-GMA Artist Center (GMAAC) daw na gustong maging “naughty” ang dating nito.

Imbes na self–titled ito, Aljur, may nag-suggest daw na gawin umanong Nota o Check in ang title.

Dagdag na kuwento ng PEP source, "banned" daw si Aljur sa lahat ng branches ng SM malls sa buong Pilipinas last year.

Inimbitahan umano si Aljur na dumalo sa isang event ng SM. Natuwa raw ang isa sa mga may-ari sa pagdating niya kaya pinakiusapan daw itong sumama sa ribbon-cutting.

Payag naman daw ang aktor pero nung aktong magka-cut na ng ribbon, hinila umano siya ng handler dahil may isa pa itong event na pupuntahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa galit daw ng may-ari, pina-ban daw si Aljur sa lahat ng SM Malls.

Nung nalaman daw ito ni Aljur, tinanong daw niya ang GMAAC.

Dugtong ng source, “Ang ginawa ni Aljur nung Pasko, lahat ng events ng SM at Bench na nasa SM malls, pinuntahan niya nang walang bayad to show goodwill, para maayos niya ang nasirang relasyon nila.”


Endorser din ng Bench si Aljur.



THE COMPLAINT AFFIDAVIT. Tumugma ang kuwento ng PEP sources sa sinasabing complaint affidavit ni Aljur.

Naglabas ang thedailypedia.com ng ilang excerpts ng complaint affidavit ni Aljur. Kabilang dito ang pagtatrabaho raw ng actor hanggang madaling araw.

Ayon sa report ng nasabing website, “Since the start of his career as an exclusive talent of GMA, ALJUR constantly suffered from the disregard by the GMA Artist Center of his interest and welfare.

“He, then still a minor, had an intensive work schedule that required him to work long and late hours.

"Such demands took a toll on his young body, resulting in exhaustion and eventually periods of illness, therefore affecting his job performance.

“There were instances when he was made to work up to early morning which constrained him and his parents to request that his working hours be limited to not later than 2:00 o’clock in the morning in any given work day.

"The said request was not acted upon in any form or manner by GMA.

"This situation has continued up until the present under the new contract with GMA.”

Isa pang reklamo ni Aljur ay ang kawalan daw ng konkretong plano para sa kanyang career.

Ayon pa rin sa report, "It has also become apparent to ALJUR that GMA does not have any clear and concrete plan with regard to the direction of his career and growth as a performing artist, as shown by the manner they have handled his career and developed his ’brand.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All of these [his recent projects] have downgraded and undermined his status as a serious lead actor, since there is no logical progression in his career.

"Having started as ’The Ultimate Hunk’ in what should have made him one of the premier television talents of GMA, his career followed a roller-coaster pattern wherein he was sometimes the lead, but more often a supporting player, and even more often as a mere guest performer, the ’eye candy’ to supply the ’hunk factor’ in cases whenever the ratings of GMA’s shows would sag, leaving him little space to make his thespic talents shine.”

Inakusahan din daw ng aktor ang GMA ng "gross mismanagement" dahil sa pagkawala ng kanyang endorsement.

Saad pa sa report, “As further proof of gross mismanagement, just recently, due to another mishandling by GMA of a fashion show for leading apparel brand Bench (Suyen Corp.), which became a comedy of errors on top of a communication breakdown, ALJUR lost his endorsement contract with the said brand.

“Thus, sometime in January 2014, Bench once again offered ALJUR an endorsement contract. GMA wanted to get on the good side of Bench thus, asked ALJUR to sign a Bench body contract along with the Bench apparel contract. The agreement was for ALJUR to do a campaign wearing only his underwear.

“ALJUR, as usual, was not comfortable with the idea but was convinced to submit because he was told that if he signed up, GMA would ensure a big launch with the decency and formality as that of Dingdong Dantes, another GMA talent, when the latter did a similar campaign for the same apparel company.

“As the shoot date scheduled on 12 July 2014 approached, ALJUR requested for the specifics of the shoot, including the kind of underwear he was going to wear, and whether the ’Dingdong-type’ launch was going to happen. GMA could not give him an answer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“ALJUR kept following up his request for weeks before the shoot but to no avail.

"On 11 July 2014, a day before the shoot, GMA still withheld the ’pegs’ to ALJUR despite his assiduous demand and no information about the launch was conveyed to him.

"Due to the uncertainty of what was going to happen in the morning, ALJUR requested from the Artist Center that the pegs or the actual underwear be sent to him, and the kind of launch that will be had be confirmed not later than 9:00 o’clock that night, because he wanted to sleep early so as to look his best should the shoot proceed.

“At 10:30 of that same night, however, ALJUR’s Artist Center Manager, Tracy Garcia, informed ALJUR that his contract with Bench was cancelled without giving ALJUR any clear reason.

“All of the aforementioned instance show that GMA breached its obligations under the management contract, as it miserably failed to exert its best efforts to promote and enhance the best interest and welfare of ARTIST with the end in view of properly and effectively tapping and developing his talents and professional potentials.”


Nasa report din daw ang sinabi ng PEP source tungkol sa SM Mall incident.

Heto ang nakasaad, “There were also instances of gross mismanagement committed by GMA sometime in September 2013 that resulted in the banning of ALJUR in all SM Malls for some time, and the possible loss of product endorsements and professional engagements.

“In these instances, GMA, after committing blunders in artist management, left ALJUR to fend for himself in order to remedy the situation with the persons and entities involved to salvage the situation so that he would not lose the endorsements and engagements due to GMA’s errors, when it was supposed to have been GMA’s obligation to contain the damage.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Tungkol naman sa kanyang album, idinetalye sa report ang nangyari:

“... in order that his singing career would not stagnate, sometime in 2013, ALJUR was forced to produce his own music album without any help from GMA.

“The album, on which he spent his own personal funds, contained well-known materials such as a remake of the highly-successful hit by the band Jeremiah called ’Nanghihinayang,’ as well as seven (7) original mainstream songs.

"While becoming more and more disgruntled at GMA at this point, he still publicly praised GMA when asked why the album was being made outside the auspices of GMA, in order to preserve the peace and not antagonize GMA.

“When GMA saw that the album was nearing its launching, it suddenly intervened and exerted pressure on ALJUR that he allow GMA to market the same. GMA, however, proposed a new set of songs to replace ALJUR’s original track list.

"ALJUR was aghast when he saw the proposed track list because it contained—not the usual genre of love songs and middle-of-the-road tracks as the first eponymous album of ALJUR and his original track listing of the second—but novelty songs composed of double entendres of a graphically sexually suggestive nature.

“For instance, the first track, ’NOTA,’ which seemingly pertains to musical notes, is gay slang for penis.

"Other tracks include ’SISID,’ which while in literal terms refers to ’diving,’ is street lingo for cunnilingus or the act of oral sex performed on the female genitalia.

"It also included songs titled ’ABS’ (referring to well-developed abdominal muscles) and ’LEGS,’ all of which are replete with sexual connotations and which emphasizes ALJUR’s physique and sexuality over and above his talents as a thespian and musician.

“Worse, [Simoun] Ferrer insisted on including a song entitled ’CHECK IN’ in the same proposed album as an obvious reference to negative rumours involving ALJUR and his Kambal Sirena co-star Louise Delos Reyes who were alleged to have checked into a resort hotel in Subic during the taping of said series, and which allegedly resulted in the breakup of ALJUR and his real-life girl friend Kylie Padilla as well as of Louise and her boyfriend Enzo Pineda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Simoun Ferrer is the head of GMAAC for branding, imaging, and marketing.)

“These breakups resulted in adverse publicity for ALJUR and incited strong public comments from actor Robin Padilla, Kylie’s father, who cast aspersions on ALJUR’s character.

"It is, thus, strange to say the least, that such a negative issue be glorified in a song included in ALJUR’s sophomore album.

“Worse, the nature of the songs are such that they are novelty songs of a prurient nature, which ALJUR believes to be demeaning to his dignity as a human being and will make him a figure of fun in the entertainment community, as it promotes him as a lewd comedian.”



STATEMENT FROM GMA. Kahapon, July 25, naglabas muli ng statement ang GMA.

Nakasaad dito, “GMA Network does not release its talents from their existing contracts without a valid cause or basis particularly if the reasons cited by its talents are not true. We will respond to the issue when we receive a copy of Aljur Abrenica’s complaint.”

Idiniin naman ni Aljur na malaki ang utang na loob niya sa GMA na nag-alaga sa kanya simula pa noong nanalo siyang Ultimate Hunk ng StarStruck Batch 4, taong 2007.

Walong taon nang talent ng GMAAC si Aljur.

Kabilang sa mga naging projects niya ay ang primetime soap na Kambal Sirena (2014), Zaido: Pulis Pangkalawakan (2007), Dyesebel (2008), Luna Mystica (2008), Dapat Ka Bang Mahalin?(2009), All My Life (2009), The Last Prince (2010), at Ilumina (2010).

Taong 2011 ay ginawa ng binata ang TV remake ng Machete.

Naging bahagi rin siya ng Amaya (2011), Coffee Prince (2012), Indio (2013), at Prinsesa Ng Buhay Ko (2013).

Bukod sa mga nabanggit, nagkaroon siya ng self-produced, self-titled album, na GMA Records ang naging distributor.

GETTING IN TOUCH WITH OTHER PARTIES. Kinontak ng PEP ang head ng talent management arm ng GMA na si Gigi Santiago-Lara kanina, July 27, sa pamamagitan ng text messaging.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sagot niya, "We will respond to the issue when we receive a copy of Aljur Abrenica’s complaint."

Inabisuhan na rin ng writer na ito sina Simoun Ferrer at Tracy Garcia, na siyang talent management manager.

Kinontak na rin ng PEP ang Bench, na ni-refer ang website na ito kay Tracy, at ang SM, na wala pang sagot sa ngayon.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga sangkot sa isyung ito.

VIEW PHOTOS Aljur Abrenica files complaint to end GMA contract

WATCH VIDEO Aljur wants to be free from GMA-7


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN