Sunshine Cruz to estranged husband Cesar Montano: "Magbigay naman siya ng enough time for the kids."

Sunshine Cruz on admirers: "...sa ngayon, wala akong nakikitang pangmatagalan e." And if she’ll have her way, she prefers a guy in his 30s or 40s.


Natuwa ni Sunshine Cruz nang makarating sa kanya ang balitang kasama siya sa listahan 100 Most Beautiful ng YES! magazine.

Hindi raw niya inakalang makakasama siya sa listahang ito na taun-taon ay inilalabas ng magazine.

Sabi ni Sunshine, “Ay, super-flattering ha! Tinawagan ako ni Ate Anna Pingol [YES! managing editor] and she told me na I’m included. Wow, ‘di ba, parang ang bongga!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sunshine sa presscon ng bagong product endorsement niyang White Glo Crave Away Toothpaste, na ginanap noong Hulyo 24 sa Victorino’s restaurant sa Scout Rallos, Quezon City.

Bukod sa pagiging isa sa most beautiful celebrities, hinahangaan din hanggang ngayon ang kaseksihan ng mother of three—Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska—at pagiging mukhang bata kahit edad 37 na.

Sa kanyang bagong endorsement, naka-two-piece bikini sa promotional material ang aktres. Wala raw photoshop iyon.

Bakit ba kailangang naka-two-piece siya sa picture?

“Kasi para mapatunayan na nakakapayat siya, at sexy pa rin kahit tatlo na ang dyunakers [anak], ganun.

“Kumbaga gumanda na ang smile mo, pumayat ka pa dahil nakaka-suppress nga siya ng appetite.

“At saka walang photoshopped diyan. Tinanong ko nga sila kung meron silang ni-retouch, wala raw.

“Nakakatuwa lang, nakaka-flatter pag yung mga tao sinasabi na parang wala raw three kids. Sexy pa rin daw kahit may tatlong anak,” sabi pa niya.

Aprubado naman daw ito ng mga anak.

“Ang sinabi lang nila, ‘Wow, mommy, ang sexy!’ Wala silang sinabing masama, so ibig sabihin approved naman sa kanila,” kuwento pa niya.


CESAR MONTANO. Hindi rin nakaligtas si Sunshine sa mga tanong tungkol sa kanyang asawang si Cesar Montano. Hindi ba nag-e-effort si Cesar para magkabalikan sila?

Sagot niya, “Ay, naku huwag na, hindi na, huwag na. Wala na, nag-file na ako ng annulment, e.”

Hindi kaya pride lang ang umiiral kaya ayaw na niyang makipagbalikan kay Cesar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, wala nang pride-pride. Talagang merong mga bagay na kailangan isara na natin para makapag-move on,” diin niya.

Ni wala nga raw silang komunikasyon ni Cesar ngayon, pero meron siyang hiling sa dating asawa.

“Zero communication. Ang akin lang naman, ’eto ang sasabihin ko tungkol sa lahat na ito.

"Ang akin, kulang na kulang na nga when it comes to support sa mga kids.

“I just hope na yung time, magbigay naman siya ng enough time to be with my kids kasi kailangan din naman nila ng Tatay,” hinaing niya.

May visitation rights naman daw si Cesar at hindi niya ipinagkakait ang mga bata rito.

“Anytime, every day puwede niyang dalawin ang mga bata. Hindi naman yung once a month o twice a month,” dagdag pa nito.

Kung minsan nga raw ay sa Facebook na lang idinadaan ni Sunshine ang mga gusto niyang sabihin kay Cesar.

“Kasi nga wala kaming communication. Kaya kung minsan, may sama ako ng loob, nalalagay ko sa Facebook.

“Kasi that’s the only way, kasi people don’t know what’s happening talaga, so doon ko lang siya nari-reach.

“Alam kong nagigising-gising siya pag doon ko pinu-post, e. Kaya sinasadya ko iyon, sa totoo lang.”

Nagigising naman ba?

“Nagigising siya ng mga ilang araw, pagkatapos wala na. Pero ‘eto naman recently, every Sunday kinukuha niya [ang mga bata].

“Though last Sunday, hindi niya nakuha kasi kasama ko yung mga bata.

"Yun lang yung sa akin—oras.

“Magbigay naman siya ng enough time for the kids. Kasi hindi na nga ako nagrereklamo sa kung anuman ang kaya niyang ibigay,” paliwanag pa niya.

ANNULMENT. Desidido raw itong mapawalang-bisa na ang kasal nila ni Cesar.

Patuloy niya, “Nai-file na yung case pero yung schedule ng hearing, wala pa.”

Pinaghahandaan na ba niya ang proseso ng hearing, kung saan kailangan niyang balikan ang mga nangyari sa kanila ni Cesar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na, nabalikan na sa psychologist. Pero alam ko na babalikan ulit, so ganun talaga, kailangan handa ang dibdib namin pareho,” saad pa niya.

Nakundisyon na rin ba niya ang isip ng mga anak nila tungkol sa posibleng mangyari?

Aniya, “Yes, and they just want what’s best for both of us. Ganun sila ka-mature, gusto nilang maging happy kami separately.”

NOT READY TO DATE OTHER GUYS. Ngayong isinara na niya ang posibilidad ng pagbabalikan nila ni Cesar, may ibang mga lalaki na bang pumoporma at nanliligaw sa kanya ngayon?

Pag-amin ni Sunshine, “Meron naman talaga yung mga ganun na nangungulit-ngulit, and my kids are aware of that.”

Ano ang ibig niyang sabihin sa nangungulit?

“Siyempre yung mga nangungulit sa text. Hindi mo ire-reply, text pa rin nang text.

“’Tapos ako naman, open ako sa kanila, sinasabi kong nasa process pa ako ng annulment. And not until tapos yun, hindi pa ako puwedeng makipag-date.

“So sinasabi naman ng iba, hihintayin daw nilang matapos yung annulment so natatawa na lang ako.

“Alam mo naman ang mga lalaki, hindi ko naman sa nilalahat ha, pero meron pa rin mga bolero. Nagkamali na tayo minsan, hindi na tayo dapat magkamali ulit,” diin niya.

Pero meron na ba siyang ipinakilala sa mga anak niya?

“Kung hindi rin naman yun yung pangmatagalan, hindi ko ipinapakilala sa mga anak ko. Kasi sa ngayon, wala akong nakikitang pangmatagalan e,” pahayag niya.

Sa isang interview, nasabi niyang ayaw na niya ng older guys. Labinlimang taon ang agwat nila ni Cesar.

Anong edad ba ang gusto niya ngayon?

Ani Sunshine, “Mahirap magsalita nang tapos. Pero sa ngayon talaga, kung may preferred ako na age, mga 30s o 40s.”

HAPPY. Masaya naman daw si Sunshine kahit wala siyang lovelife ngayon dahil kasama niya ang mga anak, at dahil na rin sa magandang takbo ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “I’m happy, happy lang sa lahat. ‘Di ba ako yung may tatlong anak, na separada, na alam naman nating masalimuot ang mga pangyayari pero pinagkakatiwalaan ako, blessing yun.”

Sa muli nga niyang pagiging aktibo sa showbiz, napatunayan niyang may lugar pa rin siya sa industriya.

Pagsang-ayon niya, “Oo nga, before akala ko kasi wala na akong babalikan, na matanda na ako, na hindi na ako marunong umarte, na sexy star before, a bold star sabi nga ng iba.

“But I proved to everyone na kaya rin namang umarte talaga. Nagpapasalamat lang sa ABS-CBN sa pagbubukas ng pinto nila sa akin, sa pagbibigay ng magagandang roles.

“So far naman nakakatatlong teleserye na ako, Dugong Buhay, Galema, and then ito ngayong Pure Love.

“And siyempre thankful din ako sa mga kumpanyang nagtitiwala sa akin para maging endorser gaya nitong Brady Pharma na distributor ng White Glo dito sa Pilipinas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN