Kevin Santos on falling for older women: "...pag pumatol ako sa ganun, parang naiisip ko ang mommy ko."

Kevin Santos believes he’s now mature enough to portray complex character roles: “Ngayon lang yung age na parang siguro hindi na dapat matinee idol, kumbaga dapat gusto ko is character actor naman.”


Sa Ismol Family, ginagampanan ni Kevin Santos ang papel ni Lance, na lover ni Carmi Martin, bilang "cougar" na si Mama A.

Kaya tinanong namin si Kevin kung sa tunay na buhay ay posibleng magkagusto siya o makipagrelasyon sa isang babaeng mas matanda sa kanya.

Sagot niya, “Okay lang. Hindi naman natin masasabi kung anong mangyayari so okay lang din, walang problema.”

Pero hindi pa raw naranasan iyon ni Kevin. Hindi pa siya na-attract sa mas matanda sa kanya.

Dagdag niya, “Hindi pa nangyari ever. Hindi pa.

“Kasi pag ganun kasi, siyempre iniisip ko yung, para nang mommy ko, e. Parang katulad lang ng mommy ko.

“Parang naiisip ko parang pag pumatol ako sa ganun, parang naiisip ko ang mommy ko.

“Kasi hindi naman nalalayo yung age, like si Tita Carmi, halos kasing-age niya si Mama.

“And sinabi rin niya [Carmi] sa akin na parang anak niya na lang ako, parang ganun. So iyon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kevin sa taping ng Ismol Family noong nakaraang Martes, July 22, sa Commonwealth, Quezon City.

HONING HIS COMIC PROWESS. Wala raw problema kay Kevin kung nalilinya na siya sa pagiging komedyante. Tila ginu-groom siya para kalaban ni Mike “Pekto” Nacua, na kasama rin sa Ismol Family?

Ayon kay Kevin, “Ah, hindi natin matatalo si Kuya Pekto kasi iyan talaga yung parang pinaka-ano talaga ni Kuya Pekto, comedy talaga. So hands down tayo pagdating sa ganun.

“Pero ako kumbaga, parang ako pag ka-eksena ko si Kuya Pekto e hahanap na lang tayo ng ideya sa kanya para kahit papaano makasabay din.”

Marami pa raw siyang matututunan kay Pekto.

Lahad niya, “Marami pa, marami pang matututunan, like for example sa Bubble Gang kila kuya Bitoy [Michael V] and kila Tonio [Antonio Aquitania], pag nagge-guest ako dun. So kahit papaano, may natututunan tayong mga ideas sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE CHARACTER ACTOR ROLES. Si Kevin ay produkto ng batch 2 ng artista search ng GMA na StarStruck. Bagamat noong una ay bini-build-up siya bilang matinee idol, ngayon ay mas kilala siya bilang komedyante at character actor. Tanggap iyon ni Kevin.

“E hindi, kasi ano e, kumbaga parang nung age ko kasi na sabihin na nating 18 to 21, iyon yung matinee idol, e.

“So kumbaga that time kasi ng age ko, medyo iyon yung stage na napahinga ako, e.

“Na talagang wala akong show, na akala ko hindi na ako makakabalik ulit sa showbiz, so ngayon, ngayon lang yung age na parang siguro hindi na dapat matinee idol. Kumbaga dapat gusto ko is character actor naman,” paliwanag niya.

Dahil dito, sa tingin niya ay mas magtatagal siya sa showbiz kapag ganoon.

“Oo, oo. So like ngayon for example sa Yagit kasi, ang role ko naman is yung tatay naman so ibang challenge naman yun.

“Kasi first time ko namang gagawin yung pagiging tatay, e...

“So parang nabigyan ako ng kahit papaano magandang opportunity talaga ng GMA na like mapasama sa Yagit kasi isa ito sa pinakamalaking parang remake ulit na ginawa ngayon ng GMA,” pahayag niya.

WANTS TO TAKE A BREAK FROM GAY ROLES. Tumatak sa publiko si Kevin sa gay role niya dati sa My Husband’s Lover bilang si Danny, na kaibigan ni Eric, na ginampanan ni Dennis Trillo.

Gusto ba niya ulit mabigyan ng role bilang isang bading?

“Pag may binigay, wala namang problema, e. Kumbaga kung mapapasaya natin yung mga tao, bakit hindi?

“Pero ngayon, siguro kung ako yung tatanungin talaga, gusto ko magpahinga muna sa gay role.

“Ang gusto ko naman is like ganito, parang boy toy naman,” at natawa si Kevin.

NO PRESSURE. May pressure ba sa kanya dahil dati ay si John Feir ang ka-tandem ni Pekto pero ngayon nga sa Ismol Family ay siya ang kabatuhan madalas ni Pekto sa mga nakakatawang eksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Ah hindi naman, siyempre wala naman sa akin yung tapat-tapatan na yun basta pag nagtrabaho masaya ako.

“Kasi si Kuya Pekto kasi kasama ko yan sa Show Me Da Manny so super-happy na magkasama kami ngayon dito sa Ismol Family.

“Pero yung tapatan-tapatan, wala naman sa aking mga ganun-ganung iniisip, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN