Sophie Albert proud of her daring scene in debut movie: “I did something na I normally wouldn’t do.”

Sophie Albert on her debut film #Y: “May daring scenes ako dito, not sexy na showing skin at hindi naman hubad na hubad. Pero hindi ko naman siya tinitignan as super sexy, I think it’s tasteful naman.”


Malaking challenge raw para sa TV5 artist na si Sophie Albert ang kanyang role sa kauna-unahan niyang pelikulang #Y (Hashtag Y), directed by Gino Santos.

Ito ay entry sa New Breed category ng 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na magkakaroon ng screenings mula August 1-10 sa Cultural Center of the Philippines at ibang piling mga sinehan. Kasama niya sa pelikula sina Elmo Magalona, Coleen Garcia, Kit Thompson, at Slater Young.

“Medyo iba talaga, it was very challenging.

“May daring scenes ako dito, not sexy na showing skin at hindi naman hubad na hubad. Pero hindi ko naman siya tinitignan as super sexy, I think it’s tasteful naman.

“Siguro I did something na I normally wouldn’t do, pero nandoon pa rin yun nga yung intense yung mga kissing scene at may bed scene kami ni Elmo, kahit na si Kit ang boyfriend ko dito.

“So you have to watch it,” sabi ni Sophie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

BED SCENE. Ano ang naramdaman niya noong i-shoot na nila ni Elmo ang bed scene?

Kuwento ni Sophie, “Awkward kasi siyempre it’s my first time to do that scene. Kahit pa sabihin nating it’s not the real thing, ’di ba?

“It was very awkward pero it was good kasi parang naitawid yung awkward, kasi yung character ko si Lea, she’s losing her virginity. So, talagang dapat awkward naman talaga.”

Kumusta namang katrabaho si Elmo?

“Si Elmo, sobrang dali niyang katrabaho. Sobrang bait na tao, alam mo yun parang wala akong masabing masama. Hinihintay ko nga siyang magalit or sumimangot, pero masaya lang siya lagi.

“Magaan siyang katrabaho. ’Tapos even before the scene [bed scene], kinausap niya ako, ‘Are you gonna be okay?’

“Yung very respectful and gentleman. And he’s genuine, so naging very comfortable kami sa isa’t isa,” pagpuri ni Sophie sa kanyang co-star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOTHING TO BE JEALOUS OF. Hindi kaya pagselosan ng babaeng malapit sa puso ni Elmo na si Janine Gutierrez ang bed scene nila?

“Oh no, I met her though. I met her for a while lang, hi-hello lang. Wala naman dapat maging isyu sa amin. It’s all for the movie lang naman,” paglinaw niya.

Ano naman ang sabi ng lalaking malapit sa kanyang puso na si Vin Abrenica tungkol sa kanyang daring scenes?

“He’s happy that I got this role, this big break. Wala namang problema sa kanya yung daring scenes kasi he knows naman na trabaho lang yun.

“I’m also happy that he is very supportive. We always support each other,” lahad niya.

WORKING WITH ACTORS FROM OTHER NETWORKS. Nag-enjoy din daw si Sophie na makatrabaho sa #Y ang mga artista ng ibang networks. Si Sophie kasi ay mula sa TV5, si Elmo ay mula sa GMA-7, habang sina Coleen, Kit at Slater naman ay mula sa ABS-CBN.

Masaya niyang kuwento, “It’s very refreshing kasi parang I think with TV5, when we work together, parang may common ground.

“Every taping we see the same people. But when I started with #Y, yung production iba, actors iba.

“Parang nakita ko rin yung discipline ng ibang networks, the way they work, ’di ba?

“So marami rin akong napulot from Elmo, Kit, Coleen and Slater. I’m happy na na-expose naman ako sa ibang attitude, sa ibang actors ng ibang networks.

“I’m flattered na nakasama ako sa grupo nila. Maganda yung naging experience ko, so I would do it again and again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN