PEP EXCLUSIVE. Herbert Bautista on short-lived romance with Kris Aquino: “It was a good partnership.”

Quezon City Mayor Herbert Bautista on Kris Aquino: "Kris is a nice person, she’s a good friend. If there’s one thing good about the Aquinos, they are very loyal persons, very loyal family."


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng emosyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista matapos magbigay ng pahayag si Kris Aquino tungkol sa short-lived relationship nilang dalawa.

Matatandaan na isang mahabang statement ang pinakawalan ng Queen of All Media sa "P.O.V" segment ng The Buzz noong June 29.

May kaugnayan ang pagsasalita ni Kris tungkol sa mga naging sagot ni Herbert sa Bandila noong June 6.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang butihing Mayor sa grand opening ng ancestral house ng pamilyang Vera-Perez na ginawang events place for weddings, corporate affairs, debut parties at marami pang iba sa Valencia St., San Juan, kagabi, July 25.

Bungad na pahayag ng mayor, "Okay naman, stable naman siya. Okay naman ako.

"I don’t know if moving on... I just have to work, trabaho lang. I just have to focus sa trabaho at saka, yung sa mga anak ko.

"Okay na ako ngayon, hindi tulad nang dati," sabay muwestra na para siyang lulugu-lugo.

Inalam namin ang kanyang saloobin tungkol sa naging pahayag ni Kris sa Sunday afternoon talk show nito kasama si Boy Abunda, ang The Buzz.

Kaswal niyang saad, "Hindi ko napanood, e.

"Actually, hindi ako masyadong nanonood ng TV, e. So hindi ko napanood yun, kung meron man."

Tinanong din namin si Mayor Herbert tungkol naman sa mga naging pahayag ni Kris sa isang episode ng Aquino and Abunda, ang evening showbiz program ng ABS-CBN, kung saan inamin nito na may kaunting galit pa siyang nararamdaman.

Hindi man nagbanggit noon ng pangalan si Kris, malinaw na si Herbert ang kanyang pinatutungkulan.

Sagot ng pulitiko, "I don’t know if she was referring to me or if she was referring to somebody else.

"I really don’t know.

"Hindi ko alam. I hope hindi ako yun."

FOND MEMORIES OF KRIS. Samantala, inamin niya na kung anuman ang naging relasyon nila ni Kris, may magandang alaala siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki niya, "Kris is a nice person, she’s a good friend.

"It was a good partnership.

"If there’s one thing good about the Aquinos, they are very loyal persons, very loyal family."

DEREK RAMSAY. Sa ngayon, pilit na nili-link ng publiko si Kris sa hunky actor na si Derek Ramsay.

Subalit ang dalawang kampo ay parehong tumanggi na merong something special na nangyayari sa kanilang dalawa.

Pure friendship ang daw ito.

Pero kung sakaling dumating ang panahon na maging sina Kris at Derek, ano ang masasabi niya rito?

Mabilis na sagot ni Herbert, "Okay lang yun.

"Si Derek naman ay nakasama ko ’yan noon sa ABS-CBN. He’s a nice person also.

"I don’t know what relationship they have, e.

"I’m not privy kung ano man meron sa kanilang dalawa."

Mensahe niya for Kris?

Pakli niya, "Okay lang, okay na."

MAKING HIS CHILDREN HAPPY. Matapos nito ay umiwas na siyang sumagot pa tungkol sa usaping may kinalaman kina Kris at Derek.

Kaya inalam na muna ng PEP kung ano ang pakiramdam niya sa naging pahayag ni Athena Bautista tungkol sa pagbabalik-sigla ng kanilang pamilya.

Si Athena ay aak na babae ni Mayor Herbert sa dati niyang live-in partner na si Tates Gana.

Mabilis niyang sagot, "That’s good.

"Yun naman ang objective nating lahat.

"Personally, my objective is to make my children happy.

"Maybe, eventually, as days or months go on, it will turn out okay for everybody."

Kumusta naman sila ni Tates?

Maiksi niyang sabi, "Okay naman siguro.

"Nagkaka-text kami pero it’s all about the kids, pag-aaral ng mga bata or kung tatawag ako sa kanya, I need to talk to our kids."

MARRIAGE. Sa puntong ito, inusisa namin sa kanya kung hanggang kailan ba niya gustong maging single?

Napangiting tugon ng 46-year-old bachelor, "Well, it’s not mine. It’s not my choice to remain single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I also want to get married.

"It’s really time...yung ano ba talaga, sino ba? Yung mga ganun.

"Then, it’s work. Sobrang kumain ng time. It would be unfair.

"I don’t know what’s in the future, I hope everything would be alright."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN