Polo Ravales proudly calls indie film Of Sinners and Saints his "acting piece"

Polo Ravales says no wedding plans yet with non-showbiz girlfriend of four years: “Pareho kami, e. Parang hindi pa namin napi-feel na right time na. Siguro dahil kasi pinag-iipunan ang pagpapakasal. Hindi lang basta pinaplano.”


Hindi na bago para kay Polo Ravales ang pagganap bilang kontrabida.

Pero sa indie movie na Of Sinners and Saints na ipinrodyus ng See Thru Films, talagang sukdulan daw ang pagiging salbahe ng kanyang character.

“No holds barred ang role ko dito,” sabi niya nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang shooting nito sa Payatas, Quezon City kamakailan.

“Halos lahat ng eksena ko rito, salbahe ako. The whole movie, walanghiya akong tao.”

Extreme opposite daw ng pagkatao niya sa totoong buhay ang kanyang character bilang isang barumbado na nananakit ng kanyang live-in partner, na ginagampahan naman ng baguhang indie actress na si Chanel Latorre, na siyang female lead sa pelikula.

Kompiyansa si Polo sa pagsasabing acting piece daw ang role niyang ito.

“Nung tinanggap ko ito, inilagay ko na lang sa isip ko na kapag ginawa ko ‘to, ito yung vehicle para mapansin ang acting ko.

“Kapay pagdating ko sa set, kapag nagtatrabaho ako, motivated na ako,” lahad niya.

INDIE FILM. Ang Of Sinners and Saints ay kuwento tungkol sa isang Italian Priest na bumalik sa Pilipinas para hanapin ang babaeng naanakan noong panahong seminarista pa lang siya.

Ginagampanan ito ng may dugong Pinoy na Italian actor-director na si Ruben Maria Soriquez na siya rin ang direktor.

Si Chanel ang gumaganap sa role ng babaeng nabutis ng Italian priest habang si Polo naman ang mapang-abusong live-in partner nito.

First time lang daw ni Polo na ma-handle ng isang foreign film maker na gaya ni Ruben. Bilib daw si Polo sa galing nito.

Dagdag pa niya, “Hindi ko talaga ini-expect na gano’n siya kahusay gumawa ng pelikula, lalo usually kapag indie film, tipid siya, ’di ba?

“E, itong Of Sinners and Saints, parang mainstream! Kasi ganun yung mga movie na ginawa na niya sa Italy.

“’Tapos, hindi lang siya director, actor din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At natutuwa ako kasi nakita ko na inalagaan niya ang role ko, e.

“Meron nga akong ginawang eksena na alas diyes ng umaga ’tapos ang init dahil tanghaling tapat.

“Pinatakbo niya ako ng 30 seconds. Yung takbo talaga na habulan.

“Sa eksena, hinahabol ko siya kasi papatayin ko siya, e. ’Tapos maraming shot na iba-ibang anggulo.

“Nakakapagod talaga. Pero ang ganda lumabas.”

NOT YET READY FOR MARRIAGE. Napangiti si Polo nang inusisa namin ang estado ng kanyang lovelife ngayon.

Masaya niyang banggit, “Okey naman. Non-showbiz yung girlfriend ko.

“Four years na kami.”

He’s 31. Hindi pa ba sila nagpaplanong pakasal?

“Minsan naiisip namin pero wala pa sa plano,” pag-amin niya.

Ano ba ang nakakapigil sa ngayon para pagplanuhan o pag-usapan na nila ang pagsi-settle down?

“Pareho kami, e. Parang hindi pa namin napi-feel na right time na.

“Siguro dahil kasi pinag-iipunan ang pagpapakasal. Hindi lang basta pinaplano.

“Ang mahal magpakasal, a!” tawa pa niya.

“Kahit naman hindi engrande ang kasal, aabot pa rin ng mahal ang gagastusin mo, e.

“Sa reception pa lang, aabot ka na siguro ng mga 300 to 400 thousand pesos, ’di ba?” patuloy pa niya.

Sa palagay ba niya, kung hindi non-showbiz ang girlfriend niya, tatagal ng fours ang relasyon nila?

Aniya, “Depende naman siguro ‘yon.

“And hindi ko naman choice na hindi artista ang sunod na maging girlfriend ko. Nagkataon lang.”

POLO’S EXES. Nakailang girlfriend na artista rin si Polo. Isa nga sa mga ito si Sunshine Dizon, na ngayon ay may asawa at dalawang anak na.

Hindi man lang siya kinuha ni Sunshine na ninong para sa isa sa dalawang anak nito?

“Baka kasi magselos ang asawa, ’di ba?” natawa ulit na biro ni Polo.

Ang ex-din niyang si Ara Mina, magiging mommy na rin.

“Natutuwa ako. Parang kailan lang ’tapos ngayon, magkaka-baby na. May asawa na sila,” pagtukoy niya kina Sunshine at Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Chynna [Ortaleza] at Alex [Alessandra de Rossi], wala pang asawa,” pagtukoy niya sa dalawa pang aktres na naging girlfriend din niya.

Sino sa mga ex niyang sina Sunshine, Ara, Alex, at Chynna, ang kumbaga ay na-maintain niya ang friendship? Yun bang kahit papaano ay may communication sila o nakaka-text niya once in a while?

“Siguro si Alex.

“Pero si Ara, noong tumakbo before na councilor sa Quezon City, tumulong ako sa kanya na mag-campaign, e.

“Pero si Alex, kami ang nagkakausap. May mga pagkakataon kasi na nagkikita kami kasi parehas kami ng manager,” saad niya.

Wala raw alam si Polo tungkol sa tsismis na sina Alex at Sid Lucero na.

“Basta, magkaibigan kami ni Alex,” sabay ngiti na lang na huling nasabi ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN