LJ Reyes on Alice Dixson’s timeless beauty and sex appeal: “Yun na, yun na ang peg namin.”

LJ Reyes on Alice Dixson’s breathtaking appearance in FHM’s 100 Sexiest event: “Ay, kahit ako naman, papalakpak ako sa kanya. Ang ganda-ganda naman niyang talaga. Parang hindi siya tumatanda.”


Unang beses pa lang daw ni LJ Reyes na makasama sa isang proyekto ang bida ng Cinemalaya entry na The Janitor. At malaking challenge raw sa kanya na kaeksena ito kunsaan, mag-asawa pa ang papel na ginagampanan nila.

Ang tinutukoy ni LJ ay ang Kapuso actor na si Dennis Trillo nang makausap si LJ ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press noong July 22 sa 17th floor ng GMA Network Center sa pocket presscon na ipinagkaloob ng GMA Artist Center sa mga talents nila na may entry ngayon sa Cinemalaya.

Pag-amin ni LJ, “Nanliliit ako, siyempre, idol ko silang lahat. Ang ka-eksena ko palagi si Tita Irma [Adlawan], si Tito Dante [Rivero] at saka si Dennis.

“At si Tita Irma, wala siyang lines sa movie, pero, hay, nakakalurkey [nakakaloka]. Sabi ko nga, sana tama ang ginagawa ko kasi, nakakahiya sa mga kasama ko, ‘di ba?”

Pero sabi naman ng press kay LJ, aktres din naman daw siya kaya bakit niya kailangang kabahan.

“E, naku, siyempre, iba pa rin, ‘di ba?” natawang sabi niya.

Sa lahat ng artistang binanggit niya, kanino siya pinaka-kinabahan?

“Isa lang? Pipili ako ng isa lang? E, kasi siguro, may isang eksena ro’n, yung character ko dun, si Melba, tahimik lang siya, e.

“Hindi siya nagsasalita, lahat tinatanggap niya lang. Kahit na anong situwasyon. Buntis siya, tapos, siya pa ang mag-aalaga sa gulay na nanay ni Dennis.

“Pero may one time na parang kailangan siyang magsalita. So doon, parang kabado ako kung paano siya titimplahin considering my character na hindi talaga siya lumalaban.

“Siyempre, parang kailangan kong timplahin kung paano ako mag-i-stand-up for Dennis.

“At saka, ako ang pinakabaguhan sa aming apat na magkaka-eksena,” dagdag pa niya.

TOP 19 SEXIEST. Isa rin si LJ sa mga rumampa sa nakaraang FHM’s 100 Sexiest; pumuwesto siya sa Top 19 sexiest women.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang event ay nagkaroon ng wardrobe malfunction si Alice Dixson. Kaya tinanong namin si LJ kung hindi ba siya kinakabahan kapag ganoong rumarampa siya na ang suot ay yung pang-takip lang sa maseselang bahagi ng katawan niya?

“Secured ang gamit ko!” natawa niyang sabi.

“Pero, yun nga, thank God, wala naman. At saka, noong FHM, masaya pa rin.

“Every year naman kapag rumarampa ko, nakaka-overwhelm. Parang yung mga tao, palagi silang bumoboto sa ‘yo at pataas nang pataas ang boto.”

Mataas ang ranking niya ngayon na nasa Top 19.

Natatawang kuwento ni LJ, “Noong may mag-tag nga sa akin sa Twitter, siguro nabasa na nila sa magazine, hindi ko pa alam. Sabi, ’Congrats, number 19 ka.’ Sabi ko, ’Weeh?!’”

Daig niya ang ibang artista na dalagang-dalaga pa.

“Oo nga. Kaya nga nagtataka ko. Sabi ko nga sa handler ko, ’Ate, totoo ba ’to?’” natawa niyang sabi.

Pero yung isa sa pinag-usapan at pinalakpakan ay doble na halos ng edad niya—si Alice nga.

Ano naman ang masasabi niya dito?

“Ay, kahit ako naman, papalakpak ako sa kanya. Ang ganda-ganda naman niyang talaga. Parang hindi siya tumatanda. Yun na, yun na ang peg namin,” deklara niya.

Kapag umabot siya ng 45, gusto niya ba, katulad din siya ni Alice?

Aniya, “Siyempre, gusto ko na ganito pa rin ang hitsura ko, parang hindi tumatanda. Tapos, healthy pa rin talaga.

“Very fit pa rin. Pero at the same time, may baby na ulit ako na bago. Kasi, malaki na si Aki by then.”

AWARD. Nabanggit naman ang bagong babaeng nali-link sa dati niyang boyfriend na si Paulo Avelino—si KC Concepcion. Kaka-panalo lang daw nito ng Best Actress sa FAMAS.

May gusto bang sabihin si LJ kay KC?

“Congratulations,” nakangiti naman niyang sabi.

“Mahirap naman talagang makakuha ng award and I think she deserves it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakuha na rin ng Best Supporting Actress si LJ sa Cinemalaya noon para sa naging pelikula niyang The Leaving. Kung sakali, umaasa ba siyang mapansin sa pagka-Best Actress naman para sa The Janitor?

Sagot niya, “Ay, ayoko pong umasa. Huwag na po, madikit lang ang pangalan ko sa kanila, okey na po ako.

“Pero siyempre some day, you would want to be recognized para rin ma-inspire ka lalo. Kapag nakakatanggap ka ng award, ang sarap ng feeling, ‘di ba?

“Lalo kang na-i-inspire, na-e-excite na magtrabaho at gumawa ulit ng bagong character.”

SUITORS? Nabanggit niya minsan na may mga nanliligaw na rin sa kanya ngayon.

“Wala akong alam na nanliligaw sa akin ngayon ha!” natawang sabi niya.

Nabanggit niya minsan na meron?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi, sabi ko nga, nararamdaman ko pero, hindi ko sinasabing nililigawan nila ko. Kasi, gusto ko talaga kinakaibigan ako.

“Ngayon, may anak ako. Gusto ko, kapag may papasok sa buhay ko, yung kilala ko nang totoo.

“Hindi ba, kapag may nanliligaw, parang best foot forward.”

Si JC de Vera, nagkikita pa rin ba sila?

Ani LJ, “Nagkikita kami kapag may gathering ng mga common friends namin, ganyan.”

Nanligaw ba si JC sa kanya?

“Hindi,” saad naman niya.

“At saka, bakit ba ako ang tinatanong niyo?” natawang sagot niya.

Nakapunta na ba si JC sa bahay niya?

“Hindi, at saka, wala pang nakakapunta sa bahay ko. Malayo ang bahay ko.”

PRAYING FOR “THE ONE.” Kung sakali at magkakaroon na siya ng panibagong boyfriend, gusto ba niyang isang artista muli?

“Alam mo, hindi ako namimili ng tao naman. Alam ‘yan ng mga kaibigan ko, pamilya ko.

“Hindi ako namimili na kailangan ganito, kailangan mayaman. Hindi ako ganun as long as mabuti kang tao. Masipag ka, street smart ka at least.

“Hindi naman ako mapili sa ganun, basta magkasundo tayo. Pareho tayo ng views sa buhay. Ang dami ko nang nasabi,” natatawang lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May listahan ako kasi, pinagdarasal ko ‘yan.”

Pinagdarasal niya na bigyan na sana siya ng boyfriend?

“Hindi, in time, in God’s time,” pahayag ng award-winning actress.

Siyempre raw, kung sakali at magmamahal siyang muli, isa sa hahanapin niya ay yung mamahalin din talaga ang anak niya.

Mabilis naman ang naging sagot ni LJ nang tanungin ito kung paano raw kung sabihin ni Paulo na siya na ang mag-aalaga sa anak nila.

“Hindi mangyayari yun, ako talaga ang mag-aalaga kay Aki,” natawa niyang sabi.

“At saka, napapalaki ko naman nang maayos ang bata. Siguro kung masamang babae ako...”

Maayos ang samahan nila ni Paulo lalo na pagdating sa anak nilang si Aki. Noong Miyerkules ay magkasama rin sila sa 4th birthday celebration ni Aki sa school nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN