Paolo Bediones’s alleged sex video goes viral

Wala pang pahayag si Paolo Bediones tungkol sa diumanong sex video niya na kumakalat ngayon sa Internet. Pero ayon sa isang source na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was two consenting adults so wala namang violation of any thing, of any sort.”


Trending ngayong araw, July 27, ang diumano’y sex video ng TV5 Aksyon Tonite news anchor na si Paolo Bediones kasama ang isang hindi pa nakikilalang babae.

Kumalat sa Internet ang halos pitong minutong video ng dalawa sa isang maselang tagpo.

Sa Twitter, maraming netizens ang nagtu-tweet at nanghihingi ng link ng nasabing video. Nangunguna sa Worldwide trends ang hashtag na #IWantToWatch at nasa pang-anim naman worldwide ang PaoloBediones. Nangunguna rin ang hashtag sa Philippine trends na #IWantToWatch at pumangalawa naman ang PaoloBediones.

PEP INVESTIGATES. Sa pamamagitan ng ilang malalapit at nakakilala kay Paolo, nagtanong-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang TV host nga ba ang nasa nasabing video.

Ayon sa aming nakausap, “Lumang video na ‘yan ng consenting adults noong nasa GMA-7 pa si Paolo.”

Bago lumipat sa TV5 noong 2009, naging host muna si Paolo ng Extra Challenge at Survivor Philippines ng Kapuso Network.

Tanong pa ng nakausap ng PEP, saan nakuha ang video? At bakit daw inilabas ito ngayon? Ano daw ang intensyon? Sino daw ang may lakas ng loob na nagpakalat nito gayong may Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 na?

Saad pa ng source, noong nasa GMA pa raw si Paolo, tinawag daw ang atensyon nito dahil sa naturang video.

Sa ulat naman ni Alex Brosas sa kolum niya sa Bandera tabloid noong July 19: “Mukhang si Paolo Bediones ang pinag-uusapan ngayon sa showbiz na may kumakalat na sex video. May nabasa kaming blind item about a male TV personality na meron daw isang sex video which is making the rounds ngayon sa Internet.

“One blogger said that in a past interview, Paolo admitted that he once had a scandal video with a female sexy star. Pero sure na sure siyang walang puwedeng kumalat na kopya dahil sinira nila ang video.

“Ano kaya ang magiging reaction ni Paolo kung true nga na may kumakalat na sex video niya? Magalit kaya siya? Anyway, bata pa raw si Paolo when the sex video was made and many will be surprised with his manhood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng source ng PEP, “It was two consenting adults so wala namang violation of any thing, of any sort.”

TV5 SUPPORTS PAOLO. Nagpadala na kami ng mensahe sa manager ni Paolo na si Noel Ferrer pero as of this writing, wala pa itong tugon sa aming hinihinging statement.

Sa pamamagitan din ng text, nagpadala ang PEP ng mensahe kay Paolo pero hindi pa rin ito sumagot.

Nagpadala naman ang Corporate Communications Department ng TV5 ng mensahe tungkol sa kinasasangkutang eskandalo ng kanilang talent. Ayon sa kanilang pahayag, suportado nila si Paolo sa isyung kinakaharap nito at isa lang daw itong smear campaign upang sirain at siraan ang news anchor.

Ayon pa sa statement, “The recent issue involving our news anchor, Paolo Bediones, on social media is a purely personal and private matter in which TV5 has no involvement or desire to intrude.

“We accord our employees and talents all respect that are due them for their privacy and personal action or decision.

“We disapprove strongly the malicious and wanton publication of the video, an act that clearly violates pertinent cybercrime laws. We firmly express our support for our anchor Paolo Bediones in the face of a controversy that represents nothing more than an attempt to smear his reputation.”

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Paolo tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN