Mike Tan on Aljur Abrenica’s complaint against GMA: “Na-frustrate ako bilang artista, bilang tao, pero never na pumasok sa isip ko ang lumipat.”

Mike Tan explains why he never blames other people for his frustrations and unfulfilled expectations: “Siguro, nature ko ang maging loyal at alam ko rin na every time na may nangyayari sa career ko, ang sinisisi ko palagi, ang sarili ko. Kasi palaging ako ang may pagkukulang. Kasi, bakit magkakaroon ng pagkukulang ang network, e... ipapakita lang nila kung ano ang kaya mong ibigay."


Kagabi, July 26, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor na si Mike Tan nang aksidenteng makita namin ito sa Starbucks, Shaw Boulevard.

Kuwento ni Mike, mahaba raw ang araw niya dahil galing siya sa regional show sa Cebu noong umaga, at may mga ibang commitments pa siyang ginawa.

Nag-grocery lang daw siya at pauwi na sana.

Pumayag si Mike na makapanayam ng PEP at mahingan ng reaksiyon tungkol sa naging desisyon ng kasamahan niya sa StarStruck na si Aljur Abrenica. Magkasama silang dalawa sa katatapos na primetime series na Kambal Sirena.

SADDENED BY ALJUR’S DECISION. Nabalitaan nga raw ni Mike ang ginawang desisyon ni Aljur.

Ayon kay Mike, “Nakakagulat noong nabalitaan ko.

“Dati kasi, niloloko pa ’ko ni Aljur, ’Eto, lilipat ’to.’

“Tapos ang sagot ko sa kanya, ’Hindi, hindi! Baka ikaw!’

“Pero ang alam ko, naglolokohan lang kami noon. Taping yun ng Kambal Sirena. Nagulat talaga ko dahil hindi ko naman alam na marami na pala siyang isyu sa GMA.

“Siguro, napag-isipan na rin niya ito nang husto, napagdasalan na rin siguro niya.

“Anuman yung naging desisyon niya, hindi ko naman sinasabing sinusuportahan ko siya, pero bilang lalaki, kailangan niyang harapin yun.”

Sa palagay niya, napag-isipan ba nang husto ni Aljur ang naging desisyon nito?

“I’m really hoping na napag-isipan niya ang mga desisyon niya. Kahit ako man na kasamahan niya sa trabaho, nalungkot din ako sa desisyon niya,” pahayag ni Mike.

NO INKLING. At dahil silang dalawa nga ang naging leading men ni Louise delos Reyes sa Kambal Sirena, nakita ba niya na hindi gaanong masaya si Aljur sa sariling network?

Sagot niya, “Hindi ko naman kasi masasabing ganoon kami ka-close ni Aljur, pero wala e, hindi ko nakita.

“Every time na magkikita kami sa taping ng Kambal Sirena, saglit lang. Huling nagkasama kami, dulo na ng taping. Lagi naman kasi akong nasa beach. Siya, nasa Subic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakapagkuwentuhan kami, pero hindi ako nakakita ng konting hint na may plano pala siyang ganyan, may mga hinanakit pala siya sa GMA.”

NO ONE ELSE TO BLAME. Halos magsasampung taon na rin daw si Mike bilang isang Kapuso simula nang manalo siyang Ultimate Survivor ng StarStruck batch 2.

Mas naunang ’di-hamak si Mike kay Aljur na maging Kapuso dahil sa StarStruck batch 4 pa nang pumasok si Aljur. Pero kung titingnan, ’di makakaila na sa kanilang dalawa, tila si Aljur talaga ang mas naunang nabigyan ng magagandang break at oportunidad ng GMA-7.

Sa halos sampung taon niya bilang Kapuso, hindi ba siya ni minsan na-frustrate, o naisip na magpa-release sa kanyang kontrata at sumubok sa ibang network?

“Na-frustrate ako bilang artista, bilang tao, pero never na pumasok sa isip ko ang lumipat,” lahad niya.

Bakit niya nasabi yun?

Pahabol ni Mike, “I don’t know. Siguro, nature ko ang maging loyal, at alam ko rin na every time na may nangyayari sa career ko, ang sinisisi ko palagi, ang sarili ko.

“Kasi palaging ako ang may pagkukulang. Kasi bakit magkakaroon ng pagkukulang ang network, e... ipapakita lang nila kung ano ang kaya mong ibigay..."

Naniniwala raw siya na kung ano ang ibinibigay na oportunidad sa kanila ng network, madalas ay base rin sa kung ano ang kakayahan o naipapakita nila bilang talents.

HUMBLED BY HIS FAILURES. Kung tutuusin, ngayon pa lang din halos nabibigyan si Mike ng magagandang proyekto at pagkakataon na maging bida ng GMA.

Noong mga unang taon niya bilang Kapuso, marami ba siyang kakulangan?

“Bano ako noon,” nakangiting saad niya.

“Kasi alam naman nating lahat na pinaghirapan ko ang career ko bilang artista. Nagsimula ako sa StarStruck.

"Pagkatapos no’n, nagkaroon ako ng mga projects, binigyan ng chance, nag-fail—dahil sa sarili ko.

“Naging mayabang ako, yung confidence ko sa sarili. Akala ko yun na yun. Pupunta ako ng taping, bibigyan ako ng pera, akala ko tapos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“By the time na hindi na ako binibigyan ng GMA ng trabaho, doon ko na-realize na hindi ito basta-basta.

“Kailangan kong paghirapan, kailangan kong pagtrabahuhan at kailangan habang lumalabas ako, naipapakita ko yun sa pag-arte, na doon ako mag-e-excel.

“Hindi sa singing, hindi sa dancing. So, nag-focus ako sa [pag-arte]. Yun ang inaral ko. Doon ako nag-research. Doon ko na nabuo ang konsepto ko ng pag-arte, doon ko na siya naramdaman.

“And tingin ko naman sa mga paghihirap ko ng halos sampung taon, na-a-appreciate na ako ni GMA at yun yung... well, kahit ano naman kasi ang gawin natin, empleyado lang kami.

“Kapag hindi mo napatunayan ang sarili mo, katulad din kami ng ibang empleyado na puwede kaming palitan,” diin niya.

NOT JEALOUS OF ALJUR? At dahil nga mas napu-push nang husto si Aljur kumpara sa kanya, hindi ba siya nakakaramdam ng inggit o selos?

Pag-amin niya, “Hindi ako manhid, hindi rin ako martir. Oo, nakakaramdam ako, pero, palagi ko pa rin binabalik sa sarili ko.

“By the time na si Aljur ang umangat, si Aljur ang maganda ang katawan. Si Aljur ang nakakakanta. Yun ang oras niya.

“At ako, noong oras na dumating yun, pinabayaan ko yun. Kaya ganoon ang nangyari sa akin.”

Magsa-sampung taon na siya bilang Kapuso, kuntento ba siya?

“Walang satisfied na tao,” lahad naman ni Mike.

“Walang nakukuntentong tao at ako, marami pa akong gustong gawin sa sarili ko, so hindi ko masasabing satisfied ako.

“Kasi ako, bilang tao, may goal ako. May mga gusto akong marating. At para marating ko yun, kailangan ko ang GMA. Para suportahan ako sa mga kaya kong ipakita.

“Ipagpalagay na nating sige, marunong naman akong umarte, pero kung hindi ako susuportahan ng network ko, ano ako?”

PLANS OF TRANSFERRING. May mga pagkakataon ba na minsan, sumasagi sa isipan niya na lumipat ng ibang bakuran?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Mike, “Okey naman ang pamumuhay ko. Hindi naman ako nagigipit.

“Nagkakaroon lang ako ng maling desisyon, pero nabubuhay ko naman ang pamilya ko.

“Ayoko rin namang maging greedy. Grateful ako sa network dahil kahit anong mangyari, nandiyan sila. Kapag kailangan ko ng tulong nila, hindi nila ko pinapabayaan lalo na ang Artist Center.”

WORKING WITH ELIZABETH OROPESA. Sa isang banda, masaya namang ikinuwento ni Mike na kahapon nga raw, ipinalabas ang Wish Ko Lang kunsaan nakasama niya ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa.

Malaking bagay daw sa kanya na nakasama ito.

Sabi nga ni Mike, “It’s really an honor na makatrabaho si Ms. Elizabeth Oropesa at si Mr. Boy Alano.

“Si Ms. Elizabeth, siya yung gumanap na nanay ko at parang nakita ko talaga ang nanay ko. Reunion din namin yun ni Direk Adolf [Alix]. Nung huling dinirek niya ’ko, Batanes.

“Tapos kay Ms. Elizabeth, nakita ko talaga yung pagiging nanay ng nanay ko. May isang eksena nga ro’n na patay na ’ko, niyakap niya ’ko. Siguro kung bukas ang mata ko, naiyak na ’ko.

“At saka, sobrang bait niya. Nakita ko yung very sincere na pagtanggap niya sa akin na ako si Mike Tan.”

MAGPAKAILANMAN. Sa Sabado naman daw, ipapalabas na ang episode na ginawa niya para sa Magpakailanman. Masaya ring kinuwento ni Mike na pang-anim na raw niyang episode ito sa MKM.

“Nagpapasalamat nga ako kasi, pagdating sa mga drama na ganito, isa daw ako sa mga pinagkakatiwalaan ng GMA.

“Tuwing may Magpakailanman, every time na umaarte ako, binibigay ko yung kaya ko, kung ano ang natutunan ko. Sana naman, huwag maging O.A.

“Yun ang pinakaiingat-ingatan ko at nagpapasalamat din ako sa mga nakakasama kong direktor kasi, tinutulungan ako,” aniya.

Posible rin daw siyang gumawa ng isang indie film na siya ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN