Marian Rivera reveals charity projects as part of birthday plans

Marian Rivera on her birthday gift to boyfriend Dingdong Dantes and vice versa. “Alam mo, nagkataon lang na may mga material na may mga gusto. Pero ang importante ay yung nandiyan kami para sa isa’t isa. Iyon ang pinaka-importante. Iyon ang pinakamaganda talagang regalo namin sa bawat isa.”


Sa August 12 na ang birthday ni Marian Rivera. Pero wala pa raw siyang idea kung paano ang magiging selebrasyon niya.

“Actually, pinaplano pa namin kung ano ang gagawin sa birthday ko,” nakangiting bungad ni Marian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew pagkatapos ng Sunday All Stars kaninang hapon, Linggo, July 27.

Isang birthday special episode din daw ang binubuo nila para sa dance show niyang Marian na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa Kapuso Network.

“Siyempre espesyal ang araw na ’yan, dapat special din ang mga guests ko,” sabay ngiti ulit niya.

ALL’S WELL WITH BELA AND SAM. Sa umereng episode ng Marian last Saturday, July 26, marami ang natuwa nang maging guest niya sina Bela Padilla at Sam Pinto. Nagkarooon kasi ng hidwaan sa pagitan nila dati na talagang grabe ang mga naging issue at intriga sa kanila.

Pero base sa pakikitungo nila sa isa’t isa sa naturang guesting, parang walang anumang nangyari. Masaya silang tatlo nina Bela at Sam sa pagsasama nilang ’yon sa kanyang dance show.

Sabi ni Marian, “Kung anuman yung past e, kalimutan na natin. Mas masarap na maraming kakampi at nagmamahal sa ‘yo.

“Kesa… alam mo yun? Yung mga bagay na hindi maganda, kalimutan na yun.”

Nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-usap?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman. Oo naman.”

Sino ang nag-invite para mag-guest sina Bela at Sam sa dance show niya?

“Ako. Ako mismo. Oo!” sabay tawa ni Marian.

“Happy din ako. Iyon ang importante.

“Happy ako na nag-guest sila sa show ko. Sabi ko nga… hindi lang sila pero lahat ng mga Kapuso stars natin ay wini-welcome naman talaga sila sa show,” diin niya.

DINGDONG AS SPECIAL GUEST. Para sa birthday episode niya sa Marian, guest din daw siyempre ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Dagdag niya, “Siyempre tulad ng sabi ko, espesyal ang araw na iyon sa akin kaya espesyal ang mga guests ko. At hindi mawawala si Dong doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sasayaw si Dingdong?

“Sa ayaw at sa gusto niya!” tawa ulit niya.

“Ayaw niyang sumayaw. Pero pipilitin ko siyang sumayaw.”

BIRTHDAY PLANS. Magbi-birthday din si Dingdong sa Sabado, August 2. Ano ang balak nila sa magkasunod na pagdiriwang nila ng kanilang kaarawan?

Detalye niyang kuwento, “Ang maganda kay Dong, pupunta siya sa Iloilo para magbigay ng mga chairs doon sa school na nasalanta ng bagyo.

“Ako naman, aasikasuhin ko yung Adopt-A-Bangka project. Second wave na ako para rito at ang tina-target namin talaga ay mga 500 families ang matulungan sana.

“Kasi kapag nagawa ko ’yon, tapos na ako sa task ko sa bangka.

“Ako ulit ang pupunta. Kung hindi man ako pumunta sa Bantayan, e ’di sa Cebu kung saan ko puwedeng i-meet yung mga families na tutulungan namin.”

May special birthday celebration din ba siya kasama si Dingdong?

“Alam mo kapag iniisip ko kung ilang araw pa ang birthday ko, parang ang tagal pa.

“So mas maganda siguro yung biglaan!” sabay ngiti na naman niya ulit.

“Isip ako. Isip ako. Hahaha!

“May naiisip na ako. Pero hindi ko pa nabubuo sa utak ko.”

BIRTHDAY GIFT FOR DINGDONG. Ano naman ang birthday gift nita para kay Dingdong?

Ani Marian, “Magdu-donate ako sa mga nasalanta ng bagyo. Donation para sa mga school chairs na idu-donate niya.

“Siguro ‘yon. Oo.”

Wala na siyang material na planong iregalo kay Dingdong sa kaarawan nito?

“Alam mo, nagkataon lang na may mga material na may mga gusto. Pero ang importante ay yung nandiyan kami para sa isa’t isa.

“Iyon ang pinaka-importante. Iyon ang pinakamaganda talagang regalo namin sa bawat isa,” pahayag niya.

Lalo pang sinusuwerte si Marian sa kanyang career. Talagang buhos ang blessings dahil bukod sa hindi siya nawawalan ng project ay kaliwa’t kanan din ang endorsements niya.

Pagsang-ayon niya, “Oo, e.

“Kaya iyon ang sinasabi ko… walang dahilan para magkaroon ka ng kung anuman yung negative na sinasabi like yung nag-guest sila,” pagtukoy niya sa mga dating nakaalitang sina Bela Padilla at Sam Pinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag positibo ka sa buhay, mas maraming positibo ang mahahawa. At nakikita iyon sa aura mo.

“At para sa akin, ang sarap maging positive at maging masaya. At maging masaya para sa kapwa mo.”

BIG GUESTS. Marami pa raw aabangang mga guests sa mga susunod na episode ng kanyang dance show.

“Oo. Ang dami kong ini-invite. Sana pumayag sila.”

Si Rhian Ramos ba, welcome din na mag-guest sa Marian?

Bulalas niya, “Yes! Actually isa ‘yan sa mga sinasabi ko.

“Sabi ko… gusto ko ring mag-guest si Carla [Abellana]. Si Jennylyn [Merdado]. At si Rhian nga.”

Si Lovi Poe?

“Ayon!” sabi na lang ni Marian.

“So… ‘yon.

“Actually everybody is welcome talaga sa Marian.

“So sa lahat ng gusto…. go! Sabihin n’yo lang sa amin at igi-guest namin kayo.”

NEW TELESERYE. Mukhang nag-i-enjoy siya nang husto ngayon sa kanyang dance show. Matatagalan pa ba bago siya sumabak sa acting ulit?

Sagot niya, “Actually ang alam ko, may ilalatag na ang GMA sa akin ulit. Pero tapusin ko muna itong Marian.”

Gagawa ulit siya ng soap?

Pahabol pa niya, “Oo. Teleserye ulit.

“Tapos pelikula, meron ding inaayos para sa akin ang Regal.”

Tambak ang kanyang trabaho. Kakayanin niyang bigyan ng oras lahat ng ito?

“Basta gusto mo ang ginagawa mo, palaging kayang gawan ng paraan.”

Wala talaga siyang kapaguran?

“Wala naman talaga akong kapaguran. Ako si Curacha!” tawa niya ulit.

“E… basta gusto mo ang ginagawa mo at happy ka, para sa akin walang pagod.

“As long as nakakahanap ka naman ng paraan para makipagkita sa mga mahal mo sa buhay.

“Sa pag-ibig. Sa career. Mas maganda kung balanse lahat.

“At nababalanse ko naman. Balanse naman.”

BABY COMING SOON? Sa interview niya kay Sarah Lahbati nang mag-guest din ito sa Marian kamakailan, nang mapag-usapan ang baby nito kay Richard Gutierrez na si Zion, pabirong sumundot si Marian ng… “Nainggit naman ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto na rin niyang magka-baby?

“Sinasabi ko lang ‘yon. Pero mahilig talaga ako sa bata.

“Pero hindi ko naman sinasabi na… ‘yon na,” gusto niyang magkaanak na ang ibig niyang tukuyin.

Matagal o malayo pa rin bago niya gustong magka-baby na rin sila ni Dingdong?

“Hindi ko alam. Kung ano ang ibigay ng Diyos, bakit hindi?

“Pero… alam mo ‘yon? Nasasabi ko lang kasi mahilig ako sa bata,” sabi pa ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN