Ken Chan settles misunderstanding with Jake Vargas and Bea Binene: “Kapag nagkikita-kita kaming tatlo ay nagtatawanan na lang kami.”

Newbie singer Ken Chan on settling a misunderstanding with Jake Vargas and Bea Binene: “Naiintindihan ko naman kung bakit sila nagkabalikan. Oo nga, siguro nga, mahal talaga nila ang isa’t isa. Actually, mas ano [mas sweet] pa nga sila ngayon sa isa’t isa, mas tahimik ang lovelife nila. Kaya ako, I’m happy for them, really.”


Pagkatapos ng ilang buwang hindi pagkakaunawaan, inamin ng baguhang singer na si Ken Chan na nagkaayos na sila ng dati niyang nililigawan na si Bea Binene at ang boyfriend nitong si Jake Vargas.

Nagsimula ang samaan ng loob na ito dahil sa pag-appear at pakikipag-duet ni Bea kay Jake Vargas sa launching ng second album ni Bea na ginanap sa Harrison Plaza noong nakaraang taon.

Si Ken ang featured artist ng Dito sa Puso album ng kapwa Kapuso talents pero nagulat na nga lang daw siya nang biglang lumabas sa stage sina Bea at Jake na kumakanta samantalang wala naman ito sa usapan.

Buong akala ni Ken ay naroon lang si Jake para suportahan ang ex-girlfriend nitong si Bea, habang si Ken naman ay nali-link kay Bea sa panahon na yun.

Ang pakiramdam niya nuon ay nabastos siya ngunit ngayon ay naayos na ang lahat at wala nang problema sa kanilang tatlo.

Paano nangyari ito?

Kuwento ni Ken,"Matagal-tagal din po bago nangyari ito kasi busy siya [si Bea] sa kanyang mga ginagawa at busy din po ako sa mga ginagawa ko.

"Pero, last time, sa taping ng Walang Tulugan ay nagpunta siya at nag-usap-usap po kami.

"Ako, si Jake at siya.

"Nagtatawanan pa nga kami na parang walang nangyari."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actor sa launching ng kanyang self-titled album na Ken under PolyEast Records sa Dong Juan, Mother Ignacia, Quezon City noong July 24.

ALBUM. Ang unang album niyang ito ay merong limang revivals at isang original song with minus one. Ang carrier single niyang "Nais Kong Malaman Mo" ay pinasikat noon ng grupong Boyfriends.

Patuloy pa niya, "For us naman, yung mga nangyari dati dahil sa... alam mo yun nandun pa rin yung pagiging isip-bata namin.

"Pero ngayon ay masasabi namin na kahit papaano ay nag-mature kami, yung way of thinking namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun talaga, ganun talaga kapag ikaw ay nasa showbiz.

"Natanggap namin kaya kapag nagkikita-kita kaming tatlo ay nagtatawanan na lang kami."

Nang huli nga raw silang magkita sa Yahoo Celebrity Awards noong July 18 kung saan nanalo sina Jake at Bea bilang "Celebrity Couple" ay nagkakabiruan na sila.

Sabi ng anak-anakan ni German Moreno, "Nagkakabiruan nga kami, nagkakatuksuhan.

"Sabi ko sa kanila, ’Oooy, panalo sila!’ Yung mga ganun.

"Tawa naman nang tawa ang dalawa. Kumbaga, okay na okay na kami."

Ibig bang sabihin nito na maging sa usapan ng puso ay wala na rin siyang sama ng loob sa pagkakabalikan ng dalawa?

HAPPY FOR BEA AND JAKE. Tuluyan na bang nabura sa puso niya ang pag-ibig niya kay Bea?

Nangingiting saad ng 20-year-old Kapuso actor, "Hindi naman siya nawawala sa puso ko.

"Bilang kaibigan, nandito pa rin siya sa puso ko.

"Ah, yung sa romantic side, kung saan siya masaya, dun siya. Masaya ako para sa kanya.

"Naiintindihan ko naman kung bakit sila nagkabalikan. Oo nga, siguro nga, mahal talaga nila ang isa’t isa.

"Actually, mas ano [mas sweet] pa nga sila ngayon sa isa’t isa, mas tahimik ang lovelife nila.

"Kaya ako, I’m happy for them, really."

FOCUS ON WORK. Dahil nga ba sa naunsiyami niyang panliligaw ka Bea kaya mas ginusto niyang mag-concentrate muna sa kanyang singing at acting career?

Pahayag ni Ken, "This time, gusto ko lang munang mag-focus sa aking trabaho.

"Ang hirap palang pumasok sa industry na ito, ang hirap gumawa ng pangalan.

"So, ayokong sayangin ang opportunity na ito na ibinibigay sa akin. Kaya, sobrang nagpu-focus ako para sa sarili ko na rin, para sa pamilya ko.

"Darating din naman yung lovelife na ’yan in due time, ’di ba?

"Right now, priority ko talaga ang promo ng unang album ko at ilang projects na ginagawa ko sa GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw si Bea para sa kanya, ayon mismo kay Ken.

GRATEFUL TO BEA. Malaki nga raw ang utang na loob niya kay Bea dahil ito ang nagpakilala kay Ken sa pamunuan ng PolyEast Records na siyang nag-prodyus at nagri-release ng kanyang kauna-unahang recording.

Aniya, "Sobra ang suporta sa akin ni Bea.

"Siya nga po ang nag-introduce sa akin sa PolyEast at nang ginagawa namin yung second album niya, may offer na sa akin ang PolyEast to have my solo album.

"Last time na magkita kami, sabi niya sa akin, ’Oy, congrats sa solo album mo. I’m happy for you.’ Na-a-appreciate ko naman po yun.

"Siyempre, masarap pakinggan na nangagaling ang ganung pagbati sa kaibigan mo, ’di ba?

"Ako rin naman, in full support din ako sa career niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN