Ian de Leon on mom Nora Aunor’s exclusion as National Artist: "Isang tao lang ang nag-decide against buong bansa."

Ian de Leon on the overwhelming support for mom Nora Aunor regarding the National Artist issue: “Milyun-milyon ang nakuhang puso ng mommy ko, dahil siya, yun siya e, wala siyang maskara, e. Ngayon, kung isang tao lang ang magde-decide ng ganoon. Sorry, I mean, everyone against one, e.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ian de Leon sa 51st birthday party ng auntie niyang si Maribel Aunor, sa McKinley Hill Village Clubhouse, Taguig City, noong Biyernes, July 25.

Si Maribel ay dating teen idol noong ’70s at pinsang buo ng ina ni Ian na si Nora Aunor.

Ayon kay Ian, matagal na silang hindi nagba-bonding ng kanyang Tita Maribel at lately na lang ito naulit.

“Mga ilang months pa lang, e. Matagal na rin na wala kaming bonding, e—years.

"Hindi ko na mabilang, baka ten to fifteen years na, e.

“Biglaan lang ang nangyari, e. Alam mo yun, nangyari lang ang mga bagay?

"Hindi mo naman ini-expect, ’di mo naman pinaplano, nangyari lang. Siguro may purpose si Lord, e.”

May birthday wish ba siya sa kanyang Tita Maribel?

“Si Tita Lala, actually ang dami kong gustong sabihin sa kanya, e.

“Ilang taon din kaming hindi nagkaroon ng bonding moments. And siguro it’s about time na magkaroon kami ng bonding moments bilang pamilya.

“Iba pa rin ang pamilya, e. Kahit ilang taon na kayong ’di nagkita o hindi nagkasama, mararamdaman mo rin yung pagmamahal ninyo sa isa’t isa, ’di ba?

“Iyong love, yung true meaning of family, nandoon pa rin. Iyon yung gusto kong ma-establish ulit.

“Siyempre isang beses lang tayo mabubuhay, so ibigay mo na lahat ng pagmamahal mo, atensiyon mo, tulungan…

“So, sa birthday ni Tita Lala, after 51 years ay ngayon lang ulit ako nakapunta sa birthday niya nang ganito.

"Ang lalaki na nila Marion at Ashley [mga anak ni Maribel], ang talented pa nila.

"Yun ang kinakahanga ko, e."

Natatawang dagdag ni Ian, "Ewan ko, ako, wala akong talent sa pagsayaw at pagkanta, e!

“Basta wish ko lang na maging happy si Tita Lala at, iyon nga, para sa pamilya namin.”

BRIDGING GAP BETWEEN AUNT AND MOM? Ukol naman sa gap ng kanyang ina na si Nora at ng Tita Maribel niya, puwede kaya siyang maging tulay para matuldukan na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Lord na lang!” nakatawang sagot ni Ian.

Baka siya ang gustong gamitin ni Lord?

“Well, oo. Siguro in His time, Lord siguro will use me as a tool for them to be closer together again.

“Maybe not tomorrow, maybe not next week, but eventually, eventually ay darating iyan,” seryosong pahayag niya.

Gaano siya magiging kasaya kung magbabati na ang mommy niya at ang tita niya?

“Siyempre, feeling mo ay kumpleto na, e. Nakukumpleto isa-isa, e.

"Parang puzzle ‘yan, e, piece by piece, e, ’tapos ay makukumpleto iyan. So, fulfilled ka na.

“Iba yung pamilya, e. Iba yung pamilya dahil kapag pamilya na, ibibigay mo lahat, e.”



OVERWHELMING SUPPORT FOR ATE GUY. Speaking of his Mommy Guy, ano ang masasabi ni Ian sa suporta ng mga taga-showbiz industry at ng masa sa naunsiyaming pagiging National Artist nf Superstar?

Tugon niya, “Of course, alam naman natin na siguro lahat ng nangyari.

"Para sa akin, isang tao lang naman ang nag-decide niyon.

"Para sa akin, enough na yun, isang tao lang ang nag-decide against buong bansa, e."

Ang tinutukoy marahil dito ni Ian ay ang desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na tanggalin si Nora sa listahan ng mga rekomendadong hiranging National Artists ngayong taon.

So, mas may bigat o mas mahalaga yung gusto ng mga taga-industriya at ng masa?

“Yes, oo, kasi sila yung totoong tao, e. Sila yung naghihirap.

“Sila yung nagpupursige magtrabaho araw-araw. Sila yung gumigising ng sobrang aga, sila yung umuuwi ng late.

“Sila yung hindi nakaka-spend ng time sa pamilya nila. Sila yung totoong tao. Sila yung dapat pakinggan, e.

“Sila ang totoong boses ng bansa.”

Kaya mas prestigious para kay Ian ang ibinigay na yun sa kanyang ina?

“Of course, kasi ang mommy ko, sa nakikita ko sa mga reaksiyon ng mga tao, mahirap kunin ang puso ng mga tao, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Milyun-milyon ang nakuhang puso ng mommy ko, dahil siya, yun siya, e, wala siyang maskara, e.

“Ngayon, kung isang tao lang ang magde-decide ng ganoon... sorry, I mean, everyone against one, e,” saad pa niya.



FIANCÉE. Tinanong din namin si Ian tungkol sa babaeng kasama niya sa birthday party ng kanyang Tita Maribel.

“Siya iyong fiancée ko, si Jennifer Orcine,” pag-amin niya.

Ipinakilala na ba niya ito sa kanyang mga magulang?

Pagmamalaki ni Ian, “Oo, happy naman sila.Wala namang problem.

“Basta kung masaya ako, masaya na rin sila. Ang umiiral naman sa amin ay tiwala at saka respect.”

Kailan ang kasal nila?

“Wala pang definite date, pero soon. Sana next year, may mga inaayos lang,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN