Jake Vargas has girlfriend Bea Binene’s name tattooed on his arm

Jake Vargas on his relationship with Bea Binene: “May respeto kami sa isa’t isa at iyon ang nagpatibay sa amin. Umiiwas na lang kami sa mga sinasabi ng iba na negative... Walang makakasira sa samahan namin.”


Tila seryoso na talaga pakikipagrelasyon ng young actor na si Jake Vargas sa kapwa Kapuso niyang si Bea Binene.

Sa mga ipinost na mensahe ni Jake, 22, sa kanyang Instagram account (@imjhakevargas) ay ipinagmalaki ng young actor ang pina-tattoo niyang pangalan ni Bea, 16, sa kanyang kanang braso.

Ang paglagay raw niya ng “Bea” sa kanyang balat ay simbolo raw ng malalim at tunay na pag-ibig para sa kasintahan.

Saad ni Jake, “Noong March ko po siya pinagawa.

“Ito po ang pangalawang tattoo na ipinalagay ko sa katawan ko.

“Yung una ay ang name ng mother ko [who died in 2011]. Sa likod ko po ipinalagay.

“Sila ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko kaya sila ang pina-tattoo ko sa katawan ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa GMA Network Center last week.

Kuwento pa ni Jake, ipinaalam muna niya kay Bea ang plano niyang pagpapa-tattoo ng pangalan nito sa kanyang braso.

Noong makita raw ito ni Bea, magkahalong gulat at tuwa ang naging reaksiyon ng dalaga.

“Medyo nalakihan daw po siya sa pagpa-tattoo ko ng name niya. Pero sobrang na-appreciate niya.

“Nagustuhan din niya yung kulay na red sa pangalan niya.

"Maganda raw po kasing tingnan,” sabi ni Jake.

Hindi naman daw magpapa-tattoo si Bea ng pangalan ni Jake o ng anuman.

Paliwanag ni Jake, “Hindi po papayag ang mommy niya, e.

“Tama na raw yung ako na lang at huwag daw si Bea.

“Okey lang naman po ‘yon kasi ako naman ang may gusto nito.

“Ipinapakita ko lang po na seryoso talaga ako sa relasyon namin ni Bea.”

GOING STRONG. Dahil permanente nang nakatatak si Bea sa katawan niya, ibig sabihin ba nito ay wala nang ibang puwedeng pumorma sa young actress?

Sagot ni Jake, “Alam naman po siguro nila na may maayos kaming samahan ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The very fact na nakasulat na ang name niya sa katawan ko, ibig pong sabihin ay special siya sa akin.

“Respeto na lang po sa relasyon namin ni Bea.”

Kung may mga natuwa na nagpalagay ng tattoo si Jake ng pangalan ni Bea sa kanyang katawan, meron namang hindi rin sumang-ayon dito.

Marami nang celebrities ang gumawa ng ganitong “gesture of love” pero nauwi rin sa paghihiwalay.

Kaya ang ending ay kung hindi nila pinapabura ang pina-tattoo nila, pinapaiba na lang nila ng hitsura.

Magandang halimbawa raw ay ang nangyari kina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta.

Pina-tattoo ni Romnick ang mukha ni Sheryl sa kanyang likod noong magkaroon sila ng seryosong relasyon. Pero noong maghiwalay sila, pina-redesign ni Romnick ang pina-tattoo niyang para maging isang leon.

Ganun din ang nangyari sa dating magkarelasyong Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

Sabay nagpa-tattoo ang dalawa sa kanilang ankles—kay Mark ay “Barretto” at kay Claudine ay “Fernandez.”

Noong maghiwalay ang dalawa, pina-redesign ni Mark ang “Barretto” tattoo niya, samantalang pinabura naman ni Claudine ang sa kanya.

Pero para kay Jake, hindi niya iniisip ang magiging masama ang kahihinatnan ng relasyon nila ni Bea.

“May respeto kami sa isa’t isa at iyon ang nagpatibay sa amin.

“Umiiwas na lang kami sa mga sinasabi ng iba na negative.

“Basta kami po ni Bea, matatag kami. Walang makakasira sa samahan namin ngayon,” diin pa ni Jake.



LOVERS’ QUARREL. Kung mayroon pinag-aawayan minsan sina Jake at Bea, iyon daw ay pride.

Saad ng young actor, “Pareho po kasi kami ni Bea na ma-pride.

“Kapag may pinagtatalunan kami, wala sa amin ang sumusuko. Wala sa amin ang umaamin kung sino ang may kasalanan.

“Kumbaga, nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magso-sorry.

“Ganun naman din ang nangyayari sa ibang magkakarelasyon, hindi po nawawala ang pride.

“Pero naayos naman po namin kapag pareho na kaming kalmado na, mag-uusap na kami. ’Tapos okey na ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO TELESERYE. Samantala, isang taon na raw mula nang huling napanood ang JaBea loveteam sa isang teleserye.

Huli nilang ginawa ay ang Home Sweet Home na nagtapos noong July 2013 pa.

Pero every week naman daw silang napapanood sa comedy series na Pepito Manaloto at sa Sunday All Stars.

“Oo nga po, one year na pala kaming walang teleserye.

“Pero aside naman po sa Pepito Manaloto at Sunday All Stars, gumawa naman kami ng ilang episodes sa Maynila, ’tapos may mga regional shows pa kami.

“Wala pa po akong alam na sisimulan naming teleserye.

"Sana po meron na para mas matuwa at abangan pa kami ng mga JaBea fans,” sabi ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN