Lovi Poe says Alessandra de Rossi and Sid Lucero are "good for each other"

Lovi Poe on time for boyfriend Rocco Nacino: “Hindi naman sa it’s a must. Kung mabigyan ng pagkakataon, siguro. Okey na ‘yon. Pero kung hindi, okey lang. I mean, priorities talaga muna, e.”


Kung si Lovi Poe ay abala ngayon sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real, ang kanyang boyfriend na si Rocco Nacino ay magsisimula na rin ng kanyang sariling primetime series sa GMA Network.

Kasama si Rocco sa main cast ng Hiram Na Alaala, na kinabibilangan din nina Dennis Trillo, Kris Bernal, at Lauren Young.

Ngayong pareho na silang abala, may oras pa ba sila para sa isa’t isa?

Sagot ni Lovi, “Yeah, we find time for each other.

“May times na bumibisita siya sa akin sa set kapag wala na talaga akong oras.

“And let’s see… excited na rin siyang magtrabaho, e.

“Kaya lahat ng time niya, okey lang na ibigay niya doon.”

Kahit anong busy nila pareho, kailangan ba sa loob ng isang linggo ay may time pa rin sila para sa isa’t isa?

Ayon sa Kapuso actress, “Hindi naman sa it’s a must.

“Kung mabigyan ng pagkakataon, siguro. Okey na ‘yon.

“Pero kung hindi, okey lang. I mean, priorities talaga muna, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa Sunday All Stars kahapon, July 27.



ALEX & SID. Samantala, ang close ni Lovi na si Alessandra de Rossi ay napapabalitang karelasyon ngayon ni Sid Lucero.

Pero tikom ang bibig ni Lovi tungkol dito.

“Hindi, ano… basta!” tawa na lang niya.

Ang tagal ding single ni Alex, ‘di ba?

“Matagal nga siyang single. Very pihikan kasi ‘yang si Alex.”

Boto ba siya kay Sid para kay Alex?

Sabi ni Lovi, “I love Timmy [Sid]! My God, kami pa lang dati sa Legacy, magkaibigan na kaming lahat.”

Co-stars ni Lovi sina Alex at Sid sa 2012 GMA primetime series na Legacy, kung saan sila naging close.

Noong ginagawa pa lang nila ang Legacy, kinutuban na ba siya na mukhang magkakamabutihan sina Sid at Alex?

Sagot ni Lovi, “Hindi, not at all. Wala akong ano…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, nagulat din siya nang lumabas ang balitang sina Alessandra at Sid na?

“Nagulat ako, oo. Hindi ko inasahan.”

Ano ang sinabi niya kay Alex?

“Wala, I’m so happy for her.

“At saka ano… blooming si Alex. Blooming si Timmy.

“So, they’re good for each other.”

May pagkakataon bang nakakaramdam din siya ng fear na baka along the way ay may kaharapin din silang pagsubok ni Rocco na susukat sa katatagan ng kanilang relasyon?

Sagot ni Lovi, “Well, ano… the fact na marami ang laging magtatanong… Pero I know it’s part of it naman, e.

“Pero siguro, kailangan ko lang masanay. Hindi kasi ako sanay sa pagsagot about relationships.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN