Melissa Ricks pregnancy confirmed by Star Magic

After rumors surfaced recently on blog sites, Star Magic confirms that Melissa Ricks is indeed pregnant.


Kumpirmadong buntis ang Kapamilya actress na si Melissa Ricks.

Ito ay ayon mismo sa publicist ng Star Magic, ang talent arm ang ABS-CBN na siyang nangangalaga ng career ng aktres.

“Yes, it’s true. She’s pregnant,” sabi ni Thess Gubi ng Star Magic sa ABS-CBN News Online ngayong Lunes ng hapon, July 28.

Non-showbiz daw ang boyfriend at ama ng dinadala ni Melissa, sabi pa sa report.

Umugong kamakailan sa ilang blog sites ang pagbubuntis ni Melissa, subalit ngayon lang lumabas ang kumpirmasyon tungkol dito.

Sa kanyang Instagram account (@mellyricks09), nag-post ng mga larawan si Melissa, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Cebu kasama ang ilang mga kaibigan, ’tulad ng showbiz personalities na sina Helga Krapf at Tom Taus.

Bumaha rin ng pagbati para kay Melissa mula sa kanyang followers hinggil sa kanyang pagbubuntis.

Ang pinakahuling proyekto kung saan lumabas si Melissa ay sa isang episode ng afternoon legal drama na Ipaglaban Mo!, na pinamagatang "Ang Pangako Mo sa Akin."

Ang Honesto naman ang pinakahuling teleserye na ginawa niya noong nakaraang taon.

Nagpadala ng text message ang PEP sa Star Magic hinggil sa balitang buntis si Melissa, pero hindi pa sila sumasagot hanggang ngayon.

Produkto si Melissa ng reality-based talent search sa ABS-CBN, ang Star Circle Quest, kung saan naging fourth runner-up siya noong 2004.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN