Gretchen Barretto on still not being married to Tonyboy Cojuangco: "There are things you have in life, there are things that you don’t have."

Ayon kay Gretchen Barretto, ang buhay ay hindi talaga perpekto. Kaya tatanggapin na lang daw niya kung ano ang meron at kung ano ang wala.


Masayang ibinalita ni Gretchen Barretto na malapit nang ipalabas ang bago niyang pelikula sa Star Cinema, ang The Trial.

Sabi ng aktres, “Nagsu-shoot ako ngayon ng The Trial for Star Cinema with John Lloyd Cruz, Richard Gomez, Jessy Mendiola.

“Marami kami dun and... I think, in September, ilalabas na.

“Napakahirap, kaya nga medyo nangangayayat ako, puro medyo stressful ang aming mga eksena.”

Aminado naman si Gretchen noon pa na excited siyang makatrabaho sa unang pagkakataon si John Lloyd.

Nakatawa pang kuwento ni Gretchen, “Dream come true, kilig…

“No, no, no... I’m really honored dahil sa career natin… career ko ngayon, at least I’m getting the chance to work with the people that I really admire, as far as their acting skills.”

Ilang beses na ba niya nakasama si John Lloyd sa eksena?

Sabi niya, “Maraming beses. Hindi ako masyadong nagpu-post kasi pinagbabawalan ako ng ABS-CBN na i-post.”

Passionate ba ang mga eksenang nakunan na nilang dalawa?

Nakangiti niyang tugon, “Hindi naman, hindi naman ganun.

“Alam mo, mature na ako ngayon, nabawasan na ako ng ka-naughty-han at saka he’s not my age, so medyo mahiya naman tayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Gretchen sa launching nito bilang endorser ng Karat World kaninang tanghali, July 25, sa Cav Restaurant, Bonifacio Global City, Taguig City.

BIG PROJECTS. Bukod sa pelikula, may pinaplano raw ngayong malaking teleserye sa ABS-CBN kung saan isa siya sa magiging bida.

Patikim pa ni Gretchen, “Meron pinag-uusapan pero hindi pa nila na-email sa akin, so I cannot talk anything yet right now.

“Ako, gusto ko, sasabihin ko kung tuloy na tuloy na.

"Kasi ang kasalanan ko, lagi akong nagdadaldal ’tapos minsan nauudlot. So, I’ll keep quiet for now.”

Ang tinutukoy na naudlot na proyekto ni Gretchen ay ang seryeng Alta na pagbibidahan sana niya at ni KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya na puro malalaking projects ang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya network?

Sabi niya, “Lahat naman ng ibinibigay ng ABS-CBN sa akin, malalaki talagang proyekto, kaya nagpapasalamat ako sa kanila.

“And I’ll be having a contract signing very soon.”

“THIS IS GRETCHEN BARRETTO.” Sa video presentation ng jewelry store na kanyang iniendorso, isa sa layouts na ipinapakita dito ay nakasuot ng bridal gown si Gretchen.

Ano ang pakiramdam niya habang suot ang naturang wedding gown?

Isa kasi sa mga pangarap ni Gretchen, 44, ay ang makasal sa billionaire partner nito of almost 20 years na si Tonyboy, 64.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila ikinakasal dahil hindi pa annulled ang kasal ng negosyante sa una nitong asawa.

Medyo pabirong sabi ni Gretchen, “Feeling ko, ikinakasal na rin ako… with Karat World.”

Pero bawi nito, “Ganun talaga ang buhay, hindi perpekto.

“There are things you have in life, there are things that you don’t have.

“I think accepting what you don’t have—just enjoying the moment and the blessings that you have every day—is more than enough.

“This is Gretchen Barretto!” humahalakhak na sabi ni Gretchen.

Biniyayaan ng isang anak ang pagsasama nina Gretchen at Tonyboy—si Dominique, 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN