Aiko Melendez on good terms now with ex-husbands Jomari Yllana and Martin Jickain

In her first comeback movie after a five-year hiatus, Aiko Melendez may find herself going head to head with Nora Aunor for Cinemalaya’s Best Actress trophy. Her reaction: "Ano ba naman ‘yan? Huwag niyo na akong tensyunin."


“Wala. Single. Dating."

Ito ang sagot ni Aiko Melendez nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife.

Dating, as in she’s going out with guys na nagpaparamdam manligaw sa kanya?

Sagot niya, “I’m trying to mingle with other people, I’m trying to get to know them.

“But I always go out sa group, so ‘yon.”

So, may mga nanliligaw sa kanya ngayon?

"Ewan!" natawang sabi ni Aiko.

Nakausap ng PEP si Aiko sa dressing room ng GMA Network Studios nang mag-guest siya sa Sunday All Stars noong July 27.

EXES. Maganda ngayon ang samahan nila ng ex-husband niyang si Jomari Yllana bilang magkaibigan.

May mga nag-iisip na posible pa ring magkabalikan sila lalo’t pareho naman yata silang single nowadays.

Sabi ni Aiko tungkol dito, “E, kasi, gannu naman talaga dito sa Pilipinas.

"Kung sino ang naghihiwalay, pinagbabalikan nila. Pero kapag magkarelasyon naman, pinaghihiwalay nila.

"So, I guess iyon ‘yon, e.

“Kami ni Jom ngayon, we’re better off as kung anong meron kami ngayon. Okey na kami dun.”

Ngayon nga yata ang pinakamagandang naging estado ng samahan nila ni Jomari as friends mula nang naghiwalay sila?

"Oh, yeah!" pagsang-ayon niya.

“Even with Martin [Jicakin], my ex-husband, I’m in very good terms with him.

“Even the wife of Martin, ka-text ko every day.

“So, parang lahat is falling into right places.”

Kumusta naman sila ni Ara Mina, na siyang girlfriend ngayon ng ex-boyfriend niyang si Patrick Meneses?

Sabi niya, “We don’t get to see each other. Wala kaming chance na magkita.”

Ano ang saloobin niya ngayong buntis si Ara sa anak nila ni Patrick?

“Ayoko nang mag-comment!” tawa niya.

“Kasi baka ma-misinterpret pa ako even if I mean well.

“Quiet na lang ako.”

Si Ara ay naging boyfriend din dati ng ex-husband ni Aiko na si Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Quiet na lang ako. Ayoko nang mag-comment, ayoko na!” tumatawang sabi ni Aiko.



SON ANDREI. Nag-aartista na rin ang binatilyong anak nina Aiko at Jomari na si Andrei.

Inaasahan na ba niyang isa sa mga araw na ito ay may ipapakilala nang girlfriend si Andrei sa kanila?

Sabi ni Aiko, “Meron siyang mga ka-text-text, pero hindi ako in favor na magka-girlfriend na siya.

“Kasi ang usapan naming talaga, at least after high school.

“He’s 15, third year na, so sabi ko, tapusin muna niya ang high school at saka siya mag-girlfriend.”

Nahihilig din sa car racing ngayon si Andrei, gaya ng amang si Jomari.

“Sobra nga ang pagkahilig niya ngayon sa car racing, sobra.

“Tatay na lang niya ang gumatos, ’di ba?” pabirong tawa ni Aiko.

CINEMALAYA. Kita naman sa mukha ni Aiko ang excitement nang mag-promote siya ng pinagbibidahang Cinemalaya entry na Asintado sa Sunday All Stars.

Sabi ni Aiko, “Sobrang happy and blessed, kasi it’s the tenth year anniversary presentation of Cinemalaya.

“And when you say naman Cinemalaya, it’s prestigious na puro magagandang independent films ang sumasali dito.

“Kaya masayang-masaya ako… first time ko na magkaroon ng entry for Cinemalaya.”

First indie film ni Aiko ang Asintado. Base sa kanyang experience, how was it doing an indie film compared to a mainstream movie?

Sabi niya, “Kapag indie kasi, you have a free hand to do anything that you like, e.

“And then, limited budget kayo, so talagang tiis.

"And yung talent fee ng artista ay hindi naman ganun kalaki because you’re doing this for art’s sake.

“So it’s ano, e… ibang fulfillment.”

Tuluy-tuloy na ang paggawa rin niya ng indie films?

“Definitely!” sambit niya.

Five years ago pa ang huling pelikula ni Aiko at nagpapasalamat daw siya na ang direktor na si Louie Ignacio ang may hawak ng Asintado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mapalad ako kasi ang direktor ko ay si Direk Louie, e, naging masyadong pasensiyoso sa akin na binigyan niya ako ng free hand.

“And kapag meron siyang gustong idagdag sa akin, sinasabi niya kaagad sa akin kaya I’m very happy.”

NORA AUNOR. Ano ang pakiramdam niya na kasali rin sa Cinemalaya ang pelikulang Hustisya ni Nora Aunor at posibleng maging magkalaban sila for Best Actress?

“Ano ba naman ‘yan? Huwag niyo na akong tensyunin, ‘no?” sabay-tawang reaksiyon ni Aiko.

“Siyempre, Ate Guy is Ate Guy, ’di ba?

“I have so much respect for Ate Guy.

“But this is a competition at confident naman kami na maganda rin yung pelikula namin.

“In the same way na maganda rin yung Hustisya.”

Ano ba ang role niya dito sa Asintado?

“I play the role of Julia. Ano ko si Jake [Vargas] at si Migs [Cuaderno].

“Meron akong special child na anak portrayed by Migs na magaling sa pagtitirador kaya Asintado ang title nung movie.

“And si Jake naman, involve sa drug syndicate.”

Natawa si Aiko nang mausisa kung anong eksena sa Asintado ang nahirapan siya at hindi niya malilimutan.

“Yung paghabol sa baboy... hindi ako marunong, pero nagawan naman ng paraan.

“At saka yung eksena na may putik.

“And then, this is the first movie I’ve done in my career as an actress na may punto ang mga dialogue.

“So you can just imagine na may punto kami.”

VISIBLE. Magiging visible daw sa pelikula at telebisyon si Aiko sa mga susunod na anim na buwan.

Sabi niya, “Meron akong binabasang script for a movie, pero I can’t reveal yet.

“’Tapos meron din akong gagawing bagong soap.”

Sa ABS-CBN daw ito at bida rito sina Erich Gonzales at Enchong Dee.

"Pero hindi ko pa puwedeng sabihin yung ibang detalye… sana matuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You’ll definitely see more of me this year, for the coming six months."

Samantala, may plano ba siyang sumabak ulit sa puolitika?

Sagot ni Aiko, “I’m not closing my doors.

"In fact, I do have an offer to run again in Quezon City as councilor.

“So, I’m still weighing my options, anything can happen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN