Juan Direction member Daniel Marsh settles issue with taxi driver

Daniel Marsh (center) settles issue with taxi driver Edward Villanueva (left) through the help of Wanted Sa Radyo host Raffy Tulfo (right).


Nagkaayos na ang Juan Direction member na si Dan Marsh at ang nakaengkuwentro nitong taxi driver noong nakaraang linggo.

Ang namagitan sa pag-aayos ni Dan at ng taxi driver na si Edward Villanueva ay ang Wanted sa Radyo 5 host na si Raffy Tulfo.

Naganap ito sa mismong istasyon ng Radyo 5, sa Reliance Street, Mandaluyong, ngayong araw, July 28.

Ayon sa nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na taga-TV5, habang off-air ang programa, sinabi ng parehong kampo na masaya sila sa pag-aayos nila.

Naapektuhan na rin daw kasi ang kani-kanilang personal na buhay, lalo na ang pamilya ni Edward.

Nangako rin daw pareho sina Dan at Edward na kalimutan na ang nangyari.

Sa huli, hiniling pa raw ni Edward ang patuloy na pagbuti ng showbiz career ni Daniel.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nabalita na binugbog diumano ni Daniel si Edward dahil sa hindi raw tamang pamasahe na sinisingil ng taxi driver, matapos ihatid ang TV personality mula Taguig hanggang sa bahay nito sa Mandaluyong.


Read: Juan Direction’s Daniel Marsh claims taxi driver tried to rip him off


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN