Mark Bautista bags Ferdinand Marcos role in London rock musical on the life of Imelda Marcos

Mark Bautista on being teased to Rachelle Ann Go now that their reunion in London is inevitable: "Kalma lang. Pero hindi ko alam, ha, kung malungkot na malungkot ako doon, kami-kami na lang ang magsasama.”


Dalawang importanteng kaganapan sa buhay ni Mark Bautista ang magaganap ngayong August.

Una ay ang 31st birthday celebration niya sa August 10, na magaganap sa China. Makakasama niya sa tour na ito ang kanyang buong pamilya.

Pangalawa ay ang pag-alis niya sa August 16 patungong London para gumanap bilang si former Philippine President Ferdinand Marcos sa rock musical na Here Lies Love.

HERE LIES LOVE. Nag-umpisa ang Here Lies Love bilang concept album na naging full-blown rock musical sa collaboration ng rock icon na si David Byrne at ng DJ/musician/rapper/record producer Fatboy Slim.

Ito ay base sa life story ni former Philippine First Lady at ngayon ay Ilocos Representative Imelda Marcos, kasama ang babaeng nag-alaga at nagpalaki sa kanya na si Estrella Cumpas na sumunod nang ma-exile ang Marcos family sa Hawaii noong 1986 EDSA Revolution.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark noong Linggo, July 27, sa studio ng Sunday All Stars sa GMA Network, ibinalita niyang napili siya sa nasabing international production at gagampanan niya ang role ng dating Presidente.

“Last Sunday ko na next week dito [Sunday All Stars] at aalis na ako on August 16.

"Mawawala ako ng six months para sa showing ng musical namin.

“Pero okey lang, kasi sayang din yung opportunity e,” simula ng singer-actor.

Unang ipinalabas ang Here Lies Love bilang stage musical nong 2013 sa The Public Theater, New York City.

Dadalhin ito sa London sa pagbubukas nito sa September 30.



AUDITION. Matapos ang audition ng production team ng Here Lies Love sa Pilipinas noong unang linggo ng July, nakatanggap raw ng email si Mark para ipaalam na napili siya sa role bilang Ferdinand Marcos.

Ang awiting “Kiss” na pinasikat ni Tom Jones ang naging audition piece ni Mark. Ibinigay na raw niya ang galing niya sa pagkanta at pagsayaw.

“Kasi sing and dance ang hinahanap nila. Yung kinanta ko, hindi kasama sa track ng play.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “After ng audition, nag-email na sila at, yun, nalaman ko na parang ’welcome aboard.’

“So, natuwa ako… medyo mixed, e.

"Aalis ako ng six months, paano ’pag nakalimutan na ako ng tao at lahat?

"Pero once in a lifetime opportunity, hindi nabibigyan lahat ng ganito... pang-West End.

“So, sabi ko, okey, gagawin ko na ito.”

Marami bang co-artists ni Mark ang nakasabay niya sa audition?

Sagot niya, “Marami, first talaga namin ito nung nag-show kami nina Erik [Santos], Christian [Bautista], sina Vina [Morales], nag-usap-usap kami na, ’Audition kaya tayo?’

"Sayang naman, wala namang mawawala kung hindi matanggap.

“So, marami ang nag-audition. Siguro naghahanap talaga sila ng sakto. Siguro naghahanap lang sila ng medyo hawig ni Marcos.

“Kasi may role rin na [Ninoy] Aquino, e. May Imelda siyempre.

"Yung Imelda, wala silang nakuha dito, doon na lang... mga British actor siguro.

"Yung Ninoy naman, medyo Cantonese-British.

"Pero yung Imelda, may lahing Pilipino.

"’Tapos may dancers. Yung isa galing Hongkong Disneyland at yung isa tiga-rito dito.

“Sabi ko, pagbutihin ko ito para hindi naman ako mapahiya.”



SEEKING IMELDA. Hindi kaya magkaroon ng awkward situation sa mga Marcos dahil kasama si Mark sa project na ito tungkol sa lifestory ng nasabing political clan?

Saad ni Mark, “Actually, gusto ko nga bago ako umalis, ma-interview o makausap si Madam Imelda.

"Itatanong ko sa kanya kung alam ba niya itong musical, kung na-flatter ba siya na ginawa ito o medyo ayaw niya.

"Kasi hindi ko alam, e. Gusto ko siyang ma-meet.

“Sinabi ko sa manager ko na kung puwede ko ba siyang ma-contact.

"So, may nagta-try na ma-contact. Sana bago ako makaalis.”

Base sa pagkakaalam ni Mark, tungkol sa journey ni Imelda ang takbo ng kuwento ng sasalihan niyang rock musical.

Ipapakita raw dito ang evolvement ng dating First Lady mula sa pinagmulan nito hanggang sa pagiging famous international figure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kasama sa kuwento ng Here Lies Love ang tungkol sa katiwalian diumano ng mga Marcos sa gobyerno dahilan para mapalayas ang mga ito sa Pilipinas.

Patuloy pa ni Mark, “Iba yung setting. Parang nasa club.

"Magtatapos yung kuwento doon sa EDSA Revolution."

RACHELLE ANN GO. Sa August 18 na raw ang umpisa ng rehearsal nila para sa Here Lies Love pagdating na pagdating ni Mark sa London.

Binanggit ni Mark na posibleng i-extend ng production ang kanyang six-month contract dito.

“Hindi ko alam kung mag-i-extend ako, pero the fact na kinu-consider nila ngayon pa lang, nakaka-flatter yun.

“Pero pakikiramdaman ko rin ang sarili ko ’pag nandun na ako."

May sinabi nga raw kanya ang dati niyang kasamahan sa Sunday All Stars at Viva Entertainment na si Rachelle Ann Go, na kasalukuyang nasa London dahil kasama naman ito sa West End revival ng Miss Saigon.

"Sabi nga ni Shin, ’Naku, Mark, baka hindi mo na gustong bumalik diyan ’pag nandito ka na.’

“Feeling ko, aba, siguro nga nag-e-enjoy na siya doon.

"Saka hindi rin ako mahu-homesick kasi nandun siya.

“Nakakatuwa nga kasi nung lumipat ako ng GMA-7, sumunod siya. Ngayon, ako naman ang susunod sa kanya sa London.

"Parang talagang magkadikit ang bituka namin. Grabe talaga!”

May kiliti kay Mark kapag itinutukso sa kanya ng mga kaibigan na baka raw ma-develop sila ni Rachelle Ann sa London.

“Sabi nga ni Christian, ’Baka kayo ang magkatuluyan ni Shin.’

"Sabi ko naman sa kanya, ’Baka may lamat pa yung puso mo para kay Shin kasi ipinipilit mo talaga ako doon, e.’"

Dating girlfriend ni Christian si Rachelle Ann.

Sabi pa ni Mark, "Parang kalma lang.

"Pero hindi ko alam, ha, kung malungkot na malungkot ako doon, kami-kami na lang ang magsasama..."

Niligawan niya ba si Rachelle Ann noong nagsisimula pa lang sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Mark, “Nung bata pa kami, pa-start pa lang siya, nung Search For A Star, bumabakud-bakod na ako sa kanya, na bumibisita ako sa kanya.

"’Tapos naging Sarah [Geronimo].

“So, parang may something na dati, pero mga bata pa kami, hindi naman nag-flourish.

"So, ngayon, mature na kami.

“Pero alam mo, excited ako kung sino ang makikilala ko doon.

"I’m sure na marami akong bagong makikilala and baka ma-overwhelm ako doon.

"Excited ako doon sa mga mangyayari... babalitaan ko kayo.”

BROADWAY DREAMS. Maituturing niya bang bago ito sa kanyang career?

Pagsang-ayon ni Mark, “Oo, maiku-consider kong bagong phase ito ng career ko.

"Never in my entire life na ini-imagine ko na mag-West End.

"Siguro kung naisip ko man yun noong nagti-teatro ako dito, ’Paano kaya kung mag-Broadway ako?’

"Pero hindi talaga seryoso, naisip ko lang. ’Tapos, ’eto na ako.”

Naiinip na ba siya sa takbo ng career niya rito sa Pilipinas kaya nagbakasali siyang mag-audition sa London musical?

Sagot ni Mark, “Hindi naman. Actually, nag-try lang ako.

"Siguro kasi iba lang kasi ito.

"Saka nung nag-Saigon dito, hindi ako nag-audition, kasi natatakot ako. Baka iba yung standard.

“After na nung Saigon, ’What if nag-audition ako, natanggap kaya ako?’

"E, yun pala, ang mas masakit, yung puro ka na lang ’what if.’

"So, nung dumating ito, sinubukan ko na.”

Worth daw na isakripisyo ni Mark ang career niya rito sa Pilipinas.

"Kasi pangarap ito ng lahat, especially kung singer ka, theater actor ka na makapunta sa West End or sa Broadway."

Malaking bagay raw ito sa kanya.

“Talagang hindi na nga ako nakakatulog.

"Nagigising na lang akong bigla na parang hinahanap ko, ’Kailan ba ako aalis?’ Sobrang excited ako.

"Ang sarap ng feeling kasi ibang experience ito.

“Sa totoo lang, mas malaki yung kinikita ko dito compare doon, pero yung experience lang talaga at prestige ng London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung theater na pagpi-perform-an namin, sabi ni Direk Bobby [Garcia], dream daw yun ng mga theater actors na makapag-perform doon, yung National Theater.”

NO LOVE LOST. Wala raw maiiwang pag-ibig si Mark dito sa Pilipinas dahil hindi naman natuloy ang panliligaw niya sa isang commercial model.

Sabi ni Mark, “Hindi ko naman itinuloy yun.

"Sabi ko nga, ’A, kaya pala, may reason kaya hindi natuloy dahil baka mas European ang bagay sa akin.’ Wow!”

Parang birthday gift na rin para kay Mark ang pagkakasama niya sa Here Lies Love.


"Wow, ang laki namang birthday gift nito... Ang bait pala ni Lord sa akin.”

Ano pa ba ang plano ni Mark maliban sa London-stage career niya?

Sabi niya, “Kakausapin ko yung Viva na habang wala ako, maglabas ako ng single.

"Kasi may ginawa na akong music video, ng song na dapat ilalabas na.

"’Tapos biglang dumating ito.

"So, baka yung pinaplano ko na pag-alis ko, yun ang ilabas para hindi ako makalimutan."

This article has been modified since it was first published - Ed


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN