Kris Aquino moved to tears by PNoy’s SONA: "We want him to live a long life."

Kris Aquino says she was deeply affected when her brother, President Benigno Aquino III, mentioned threats against his safety during his SONA earlier today, July 28. “Ayaw naming naririnig yung mga sinasabi niya kung hanggang dito na lang. Gusto ko umabot siya sa point na yung mga anak ni Bimby, maabutan pa niya,” says Kris in a brief interview with the press right after PNoy’s SONA at the Batasan Complex.


Naging emosyunal si Kris Aquino habang nakikinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III na ginanap sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City, ngayong araw, July 28.

Bilang kapatid ni PNoy, 54, ay hindi maiwasan ni Kris, 43, na maapektuhan o mabahala kapag seguridad at kalusugan ng Pangulo ang nalalagay sa alanganin.

Ito ay matapos alalahanin ni PNoy ang dinanas na banta sa kanyang buhay nang magkaroon ng pag-aalsa laban sa administrasyon ng kanyang yumaong ina na si President Cory Aquino noong 1987.

Dagdag pa rito ang nalalapit na 31st death anniversary ng kanilang yumaong ama na si Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. sa August 21.

"Nung na-mention niya yung ’pangalawang buhay.’ Siyempre naman, kapatid namin siya.

“Every night, ipinagdadasal namin ang kalusugan niya, na ma-guide siya ng Holy Spirit," saad ni Kris.

Kasabay ng patuloy na pambabatikos ng mga kontra-administrasyon, nabanggit ni PNoy sa kanyang SONA ang tungkol sa bomb threats na natatanggap niya, at ang posibilidad na isa sa mga araw na ito ay magtagumpay ang “may maitim na balak” laban sa kanya.

Pahayag ni Kris hinggil sa binitiwang salita ng nakatatandang kapatid: “Ayaw naming naririnig yung mga sinasabi niya kung hanggang dito na lang.

“Gusto ko umabot siya sa point na yung mga anak ni Bimby, maabutan pa niya.”

Si Bimby ang bunsong anak ni Kris.

Sa huli, inihayag ni Kris na hindi biro ang sakripisyo at dedikasyon ni PNoy sa kanyang panunungkulan bilang pinakamataas na lider ng bansa.

Kaya naman bigay-todo rin ang suporta niya at pati na rin nina Ballsy Aquino-Cruz, 59; Pinky Aquino-Abellada, 57; at Viel Aquino-Dee, 52, sa kapatid nilang si PNoy.

Sabi pa ni Kris, “Yun, we’re very proud of him. We’re with him.

"And we want him to live a long life.”

VIEW PHOTOS Kris Aquino, Lucy Torres, Heart Evangelista lead SONA Fashion 2014

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VIEW PHOTOS SONA 2014 Moments


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN