Engaged na si Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend nitong si Nikka Martinez.
Kahapon, July 27, sa isang prayer ministry itinaon ni Patrick, 32, ang pag-propose kay Nikka, 24.
May isa nang anak sina Patrick at Nikka, si Chelsea, 1.
Si Patrick ay may isa pang anak, ang kanyang panganay na si Alex Jazz, sa Kapuso actress-TV host na si Jennylyn Mercado.
THE PROPOSAL. Sa pamamagitan ng Insta-Video (Instagram Video) ibinahagi ni Patrick ang kanyang ginawang proposal sa girlfriend.
Nakalagay sa caption ng tatlong magkakasunod na videoposts: “It will make me very happy of you'd allow me to make it right with you and most of all of we could make it right with The Lord…”
Matapos nito, tinawag nang "fiancée" ni Patrick si Nikka sa kasunod nitong post.
Samantala, si Nikka naman ay masaya ring ibinahagi sa kanyang followers sa Instagram ang kaligayahang nararamdaman sa ginawang proposal ni Patrick.
Sa ipinost niyang engagement ring, sinabi ni Nikka sa caption: “It's official! 😍 #engaged #imstillshaking #patsbirthstone #bluesapphire”
Dagdag pa ni Nikka, malugod niyang tinatanggap ang alok na kasal ng kanyang ka-live in partner.
Aniya, “I thought you were just going to share your powerful testimony in church. Little did I know. Well I did not know at all you had this planned today! I love you @onlypatrickgarcia !!!! Yes, I will gladly marry you😘😍😘😍😘😍 #makingthingsright #allglorytoYouLord #WLCM”
Masaya naman ang kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia-Kramer para sa dalawa.
Ayon pa sa kanyang pagbati sa Instagram, “Congratulations @nixmartinez and @onlypatrickgarcia!!!💗💗💗 Im so happy for the both of you!!! Make it right with the Lord and everything will follow. 😘😘😘”
Pati ang bayaw ni Patrick na si Doug Kramer ay masaya rin sa engagement ng dalawa.
Ayon pa kay Doug, “Congratulations to @onlypatrickgarcia and @nixmartinez on the engagement! You guys are doing the right thing making it right for Him. See you guys soon! Good job Pat! :)”
