Two women dragged into Paolo Bediones sex-video scandal speak up

IMAGE Noel Orsal (Paolo Bediones)/ Youtube (China Roces)

Two women being named in the alleged Paolo Bediones sex video deny that either of them is the girl in the video scandal. In this photo: TV5 news anchor Paolo Bediones and China Roces (inset).


Parehong itinanggi ng dalawang babaeng inuugnay sa kumakalat ngayong sex videos ni Paolo Bediones na sila ang katalik ng news anchor sa mga video na ito.

Ang nasabing viral sex videos ay naging trending topic pa sa Twitter, pero hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang news anchor ng Aksyon Tonite ng TV5.

Read: Paolo Bediones's alleged sex video goes viral

Lumutang ang mga pangalang China Roces at Helen Grace Garbo Gonzalez na diumano'y mga katalik ni Paolo sa mga video na ito.

CHINA ROCES. Nagkalat ngayon sa Internet ang collage ng mga larawan ni China—isang FHM model at aspiring actress—at ang photo grabs ng babaeng nasa video.

Ayon sa ilang netizens, malaki ang pagkakahawig ng dalawang babaeng ito.

Sa pamamagitan ng radio program na Good Times With Mo, ng 89.9 FM, mariing pinabulaanan ni China na siya ang babaeng nasa video.

Sa panayam sa kanya sa telepono nina DJ Mo, Mikey Bustos, at Sam Oh ngayong Lunes ng umaga, July 28, sinabi ni China, “I feel really bad.”

Saad pa niya, “Actually, hindi ko pa siya [video] pinapanood.

"I only saw the pictures in the newsfeed, like sa Facebook, Twitter, and then yung mga comparison nila of my pictures and the girl [on the video]."

Binanggit ni DJ Mo ang malaking pagkakahawig ng babae sa video at ni China, kagaya na lamang ng nunal malapit sa dibdib.

Depensa naman ng modelo, “I know about that, but hindi pa 'ko nag-check sa Internet.”

Ipinaliwanag naman ni DJ Mo na maaaring hindi si China yung babae dahil sa posisyon ng nunal sa dibdib.

Mas mababa raw kasi ang posisyon ng nunal ng babae sa video kumpara sa nunal ni China sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Nagbigay pa ng hamon ang modelo sa mga nagsasabing siya ang babaeng nasa video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni China, “They can check all my pictures. Yung mole ng girl is bigger than my mole."

Pinagtatawanan din ni China ang pagkakapareho nila ng babae sa video na may navel piercing.

“And then, actually, natatawa ako kasi I have pierce talaga in my [navel]…

“Sabi ko nung una, when we were in cinema, halos 'di ako makapanood ng movie, kasi I was shocked.

“May tumawag na parang blogger sa akin kagabi, and then nagulat talaga ako.”

Binanggit din ni Mo na magkahawig ang bracelets na suot ni China sa isang larawan sa kanyang Instagram at ng suot ng babae sa video.

Tanging naisagot dito ni China: “Ah, really? Really?”

Pero mariing tanggi niya, “No, not me.”

Kinumpirma ni China na magkakilala sila ni Paolo.

“Paolo is my friend. He’s my friend,” sabi niya.

Sinabi rin ng modelo na nagpadala si Paolo ng text sa kanya at sa iba pa nilang mga kaibigan upang ipaalam na may sex video siyang lumabas.

“And that time, I was laughing pa talaga,” sabi ni China.

Tinukso pa raw ni China ang news anchor sa pagiging chickboy nito.

Mayroon ding mensahe si China sa mga nag-iisip na siya ang babaeng nasa sex video.

“Whatever people think about me, wala na rin akong magagawa diyan, e.

"So, para sa akin… at least, you gave me a chance to clear."

Sinabi rin niya na kung mayroon man siyang “video” ay hindi niya ito ipapakita.

 

 

HELEN DENIES. Isa pang lumulutang na pangalan ay si Helen Grace Garbo Gonzalez.

Gaya ni China, itinanggi rin niyang siya ang babaeng katalik ni Paolo sa isang video.

Isang maikling mensahe ang ipinost ni Helen sa kanyang Facebook account na ngayon ay naka-private na.

Dito ay sinabi ni Helen na hindi siya ang babaeng nasa video. Mag-iisang taon na raw siyang nasa Middle East at isa raw siyang kaso ng mistaken identity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN