Manny Pacquiao reacts to Drake’s impersonation of him

“Hinihintay ko pa yung wisdom, knowledge na ibibigay sa akin ng Panginoon,” says Manny Pacquiao when asked about his future political plans.


Tinawanan lamang daw ni Manny Pacquiao ang ginawang impersonation sa kanya ng Canadian rapper na si Drake.

Sa panayam ni Jessica Soho, na isinulat ni Rica Fernandez sa GMA News Online ngayong araw, July 28, sinabi ng Pambansang Kamao na ilang beses na niyang napanood ang panggagaya ni Drake sa kanyang pananalita habang kinakanta ang Frozen theme song na “Let It Go.”

“Tumawa na lang ako,” sabi ni Manny tungkol dito.

Sabi pa niya tungkol kay Drake, “Raket lang niya ’yon.”

Para patunayang hindi apektado si Manny rito, nagbigay pa ng sample ang athlete-politician.

Sabay biro pa niya, “Drake, this is how you sing it.”

Watch: Drake impersonates Manny Pacquiao



ON HIS OTHER CAREERS. Sa naturang panayam, natanong din ni Jessica ang tungkol sa mga susunod na plano ni Manny.

Sa Nobyembre, muling aakyat sa boxing ring si Manny upang kalabanin ang American boxer na si Chris Algieri.

Subalit bago ito, magiging abala muna si Pacquiao sa kanyang bagong career bilang head coach ng bagong koponan sa Philippine Basketball Association (PBA), ang Kia Motors.

Sa kabila ng punong schedule, gusto raw ito ipagpatuloy ni Manny dahil, “Gusto ko mae-exercise ako.”

Samantala, tinanong naman si Manny tungkol sa kanyang mga susunod na plano sa pulitika.

Sa ngayon, wala pa raw siyang plano para sa 2016 eelctions.

Katuwiran niya, masyado pang maaga para magdesisyon tungkol dito.

Sabi pa ni Manny, “Hinihintay ko pa yung wisdom, knowledge na ibibigay sa akin ng Panginoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN