Senator Nancy Binay unfazed by bashers of her SONA outfit: "Sanay na ako sa bashing."

“Kahit anong gawin ko ’ata, I’ll always get bashed. It doesn’t affect me," says Senator Nancy Binay when told that her first Randy Ortiz terno drew flak from netizens hours before PNoy’s SONA commenced earlier today, July 28.


“Sanay na ako sa bashing.”

Ito ang pahayag ni Senator Nancy Binay matapos umani ng kritisismo ang suot niyang Randy Ortiz terno, na inihalintulad ng ilang netizens sa isang makulay na “hot air balloon.”

Namataan ang naturang kasuotan ni Senator Binay nang dumalo siya sa second regular session sa Congress, bandang 10 A.M. ng Lunes, July 28.

VIEW After the SONA, netizens go to town!

Ngunit nang maglakad siya ng red carpet para sa State of The Nation Address (SONA) ni President Benigno "Noynoy" Aquino III ay nagpalit siya ng puting terno na gawa rin ng celebrity designer na si Randy Ortiz.

Kapansin-pansing bumagay kay Senator Binay ang light-colored gown at simpleng pagkalugay ng kanyang buhok.

VIEW Kris Aquino, Lucy Torres, Heart Evangelista lead SONA Fashion 2014

Ngunit taliwas sa kumakalat na espekulasyon sa Internet, hindi nagpalit ang senadora ng gown dahil lang sa natanggap niyang pambabatikos mula sa ilang netizens.

Nagpasadya raw talaga siya ng dalawang Filipiniana-inspired outfit para sa session sa Congress at sa SONA.

“Hindi, talagang dalawa,” paglilinaw ni Senator Binay na ipinagkibit-balikat lang ang balitang naging viral agad sa social media ang kanyang makulay na gown.

Pahayag pa niya, “Kahit anong gawin ko ’ata, I’ll always get bashed... It doesn’t affect me.”

Kahit kumakandidato pa lamang siya para sa Senado noong 2010 ay katakut-katakot na kritisismo na ang natanggap ni Senator Binay.

Nakapanayam ng press si Senator Binay nang dumaan siya sa red carpet sa North Wing ng Pambansang Batasan Complex, Quezon City, bago nag-umpisa ang SONA ni PNoy kaninang hapon, July 28.


TAKE ON CALL FOR PNOY’S IMPEACHMENT. Samantala, inihayag ni Senator Binay na hindi siya sasali sa anumang impeachment proceedings kaugnay ng panawagan ng ilang grupo na magbitiw si PNoy sa kanyang puwesto bilang Pangulo.

Paliwanag niya, “Out of delicadeza, kami ng kapatid ko, si Congresswoman Abigail Binay, we will not participate in any impeachment proceeding kasi ang magiging beneficiary nun e ang aming ama [Vice President Jejomar Binay].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang hindi ’ata tama na [mag-participate kami].”

Bilang ikalawang pinakamataas ng lider ng bansa, si Vice President Binay ang posibleng pumalit bilang Pangulo kung sakaling ma-impeach si PNoy.



KONTRA-SONA. Bilang bahagi ng minorya ng Senado, ibinahagi ni Senator Binay na wala pang pinal na desisyon kung sino ang mangunguna ng Kontra-Sona mula sa grupo ng oposisyon.

Ngunit siguradong itutuloy pa rin nila ito kahit na kasalukuyang nakaditena sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Bong Revilla.

Kabilang din sa oposisyon sina Senator Tito Sotto, Gregorio Honasan, at JV Ejercito.

“Wala pa rin. I think nabanggit ni Senator Sotto na parang napag-usapan na we need to ask Senator Enrile kasi siya yung Senate minority floor leader.

“I think ang pinagpipilian na lang namin si Tito Sen [Senator Sotto] at si Senator JV.”

Kailan niya balak bumisita kay Senator Enrile upang isangguni ang isyung ito?

Sagot ni Senator Binay, “Hopefully this week or early next week. Or baka si Senator Sotto na lang kakausap sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN