Gretchen Barretto offers prayers for sister Marjorie and niece Julia amid change-of-name issue

Gretchen Barretto on niece Julia Barretto’s petition to change her surname: "If there’s anybody who should answer, let Marjorie and Julia be the one. When that proper time comes, who knows, baka sagutin nila next week."


Nasasaktan daw si Gretchen Barretto para sa kapatid na si Marjorie at pamangking si Julia sa mga batikos na natatanggap nila kaugnay ng petisyon nila sa korte na palitan ang legal surname ni Julia—mula Baldivia sa Barretto.

Baldivia ang totoong apelyido ng ama ni Julia at dating asawa ni Marjorie na si Dennis Padilla.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gretchen, sa launching niya bilang endorser ng Karat World kahapon, July 28, sinabi niyang dasal ang higit na kailangan sa pinagdadaanan ngayon ng kanyang kapatid at pamangkin.

Saad niya, “Prayers, prayers lang naman.

“Napakalakas na babae ni Marjorie, prayerful din siya.


“We’re not perfect, mayroon kaming mga kasalanan, so I think what we have is our faith in God.”

Dagdag ni Gretchen, “Normal lang naman na masaktan ng kaunti, tao lang tayo.

“Pero ang pagsubok sa buhay, dumarating talaga ‘yan.

“Pero how we face it, how we deal with it, and how we react to every situation is a different story.

“Bilib na bilib ako kay Marjorie, yun lang.”

Umiwas naman si Gretchen nang subukang tanungin tungkol sa dahilan ng kagustuhan ni Julia, at ng kapatid nitong si Claudia, na maging Barretto na ang kanyang apelyido.

Sabi niya, “Okay, let’s not get to that, mukhang hindi na yun napag-uusapan.

“Julia is very young and I don’t wanna go to that.

“If there’s anybody who should answer, let Marjorie and Julia be the one.

“When that proper time comes, who knows, baka sagutin nila next week.

“Let’s not talk about the kids because. ‘Pag ako, kaya ko, pero ‘pag mga bata, let’s protect them.”

Ano naman ang masasabi niya tungkol kay Dennis Padilla?

“Wala lang, goodbye,” sagot ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN