Patrick Garcia wants fiancée Nikka Martinez to be the last woman in his life

Patrick Garcia has chosen a church to be the setting of his wedding proposal for a reason: “Unang-una, nandoon si Lord. Ibigay natin yung tamang dahilan ng relationship namin. Siya yung, kumbaga, foundation namin. Without the Lord, we won’t have a strong foundation.”


Kinumpirma ng aktor na si Patrick Garcia na nag-propose na siya ng kasal sa kanyang girlfriend na si Nikka Martinez, kung saan mayroon na siyang isang anak na babae.

“Totoong-totoo. Nag-propose na ako sa girlfriend ko,” sabi ni Patrick sa panayam sa kanya sa telepono nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa Mismo ng dzMM noong Lunes, July 28.

Pagkatapos nito ay isinalaysay ng dating child actor kung paano niya ginawa ang proposal kay Nikka sa Sunday service sa kanilang simbahan.

Saad ni Patrick, “Oo, kasi siyempre nagplano ako.

"I want to deepen my relationship with the Lord lately.

"And then, I’ve discovered, you know, something about the Lord and everything.

"Siyempre, I wanna make things right with her, and of course, with the Lord.

“Kinausap ko yung pastor kung puwede ako mag-propose ako sa kanya, sa service... pumayag [yung pastor].

"’Tapos kinausap ko yung mom ni Nikka.

"Siyempre, kakuntsaba ko yung sister ko [Cheska Garcia-Kramer] saka yung mom ko...

"So, yun, we invited the family."

Napaiyak ba si Nikka nang mag-propose siya?

“Konti, oo,” sagot ni Patrick sa ere.

Blue sapphire diamond-studded ang engagement ring na ibinigay ni Patrick kay Nikka. Pero tumanggi siyang sabihin kung magkano ang halaga nito.

“Secret….. secret lang,” aniya.

Bakit sa church service niya piniling mag-propose kay Nikka?

Sagot ni Patrick, “Mas gusto ko ano, e, mas intimate… ayaw ko ng masyadong maraming ano.”

Si Patricia na ba ang gusto niyang maging huling babae sa buhay niya?

Tugon ni Patrick, “Siyempre naman, kasi sa sa kanya ako nag-propose, e.

"Siya na yung babaeng gusto kong makasama habambuhay."

Dagdag pa ni Patrick, nasa sentro ng kanilang relasyon ang Panginoon.

“Siyempre naman, unang-una, nandoon si Lord.

"Ibigay natin yung tamang dahilan ng relationship namin.

"Siya yung, kumbaga, foundation namin.

"Without the Lord, we won’t have a strong foundation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan ang plano nilang maging anak?

“A, tatlo pa,” mabilis na tugon ni Patrick.

May schedule na ba kung kailan ang kasal? Saan ang plano nila at ano ang motif?

Saad ni Patrick, “Well, actually, kanina we were talking about it, making plans.

"I would like sana mga next year, pero we’re still discussing about the date and the motif, at kung sinu-sino ang i-invite."

Nadako naman ang usapan kung ano ang pinagkakaabalahang proyekto ngayon ni Patrick sa ABS-CBN.

Sabi niya, “Wala pa, but I got a call for a certain project. I’m not sure what it is.

"I just keep praying na matuloy kung anuman yung project na ‘yan.

“Mahaba na yung pahinga ko.”

Huling napanood si Patrick sa teleseryeng Annaliza, na nagtapos noong March 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN