Janine Gutierrez still prefers Elmo Magalona as leading man in next TV project

Janine Gutierrez is flattered and thankful to YES! magazine that for the third time she is on its list of 100 Most Beautiful Stars: "Bonus na lang po na maramdaman mo na nakikita rin po yun ng ibang tao... sa tingin nila maganda ka inside and out.”


Bukod sa pagkakasama niya sa 100 Most Beautiful Stars of 2014 ng YES! magazine, sa kategoryang “Sweethearts,” siya rin ang napili bilang Freshest Beauty sa ginanap na launching ng naturang special issue, sa Elements @ Centris, Quezon City, kahapon, July 29.

“Nagulat po at nakakatuwa. Nakakatuwa na nasama po ako sa issue this year,” nakangiting pahayag ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya.

Ikatlong pagkakataon na raw makasama ni Janine sa annual list na ito ng YES!

Sabi niya, “Sobrang nagpapasalamat po ako na napasama po ako sa listahan po ulit ng YES!

"Kasi, hindi pa po ako nag-aartista, binabasa ko na yung magazine at yung issue po ng Most Beautiful, kasi makikita mo lahat ng iniidolo mo.

“Flattered lang po ako.”

Kung ganda rin lang naman ang pag-uusapan, walang duda na dapat siya talagang makasama sa Top 100.

“Naku, may ganun? Thank you po,” tila nahihiyang reaksiyon ng panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Sa mga artistang katulad niya, gaano ba kahalaga ang mapabilang sa YES! 100 Most Beautiful Stars?

Tugon ni Janine, “Sa tingin ko po, bonus na lang po ‘to. Sa lahat ng trabahong ginagawa mo.

"Bonus na lang po na maramdaman mo na nakikita rin po yun ng ibang tao.

"Na yung sa tingin nila maganda ka inside and out.”

Paano nga ba niya nasisiguradong maganda siya kahit off-cam?

“Actually, sobrang hindi po talaga ako kikay. As in hindi ako marunong maglagay ng sarili kong make-up.

"Hanggang ngayon po, siguro kailangan ko talagang anuhin yun."

Dagdag niya, “Siguro po, workout lang po.

"At saka mahilig po kasi akong tumawa, baka yun lang.

"Happy lang, bawal sad."

ELMO MAGALONA. Pagkatapos ng Villa Quintana, hindi pa raw alam ni Janine kung ano ang susunod niyang teleserye sa Kapuso network.

Pero okey lang naman daw na maghintay kung kailan siya bibigyan ng panibagong proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Janine, “Pahinga lang po ngayon, kasi,matagal po kami sa Villa. Naghihintay lang po ng next project.”

Hindi rin daw niya alam kung si Elmo Magalona pa rin ang makakasama niya sa susunod niyang proyekto.

Pero napakabilis ng pagkakasagot nito ng “Opo” nang tanungin ng PEP kung si Elmo pa rin ang gusto niyang makapareha.

Bilang maituturing na bago pa rin naman siya sa industriya, hindi ba naiisip ni Janine na sumubok maipareha sa iba pang male stars ng Kapuso network bukod kay Elmo?

Sagot niya, “Siyempre, marami pa po akong gustong makatrabaho, pero I’m looking forward na makatrabaho ulit si Elmo.

"Kasi maganda po yung pinagsamahan namin sa Villa Quintana and marami pa po sana kaming gustong gawin."

Hindi kaya dahil sa totoong buhay ay sila kasi talaga?

Nakangiting sabi ng young actress, “Hindi, siyempre malaking bagay po na magkasundo kami in real life.

"Mas madali ang mga eksena at saka, ‘di ba?

"Kapag gusto mo ang trabaho mo, nagiging masaya sa set, ’tapos nakikita rin yun sa trabaho mo.”

Ngayong pareho pa silang naghihintay ng bago nilang teleserye, paano nila nagagawang pagtibayin pa ang closeness nila?

“Palagi ko pa rin naman po siyang nakikita,” sabi ni Janine.

Madalas pumunta si Elmo sa bahay nila?

“Hindi naman po, kapag may time po nagkikita kami. At saka sa Sunday All Stars po, we still host together.”

Mas lalo ba silang naging malapit sa isa’t isa?

“Well, opo, mas kilala ko po siya ngayon at saka mas marami na po kaming napagsamahan ngayon.”

Sa huli ay diretso namin siyang tinanong kung umamin na ba sila sa totoong estado ng relasyon nila.

“Ha? Hindi po, wala pa!” natatawang sagot ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN