Ritz Azul targets Best Actress award after being included in Most Beautiful and Sexiest Women lists

Ritz Azul on her dream of winning Best Actress: “Yung mabigyan ka ng award na Best Actress ay bonus na iyon sa amin na ma-recognize yung paghihirap mo, yung mga pinag-aralan mo sa industriya at sa buhay mo.”


Hindi raw ini-expect ng TV5 Talent Center artist na si Ritz Azul na muli siyang mapipili ng YES! magazine para mapabilang sa taunang listahan ng "100 Most Beautiful Stars."

Tatlong magkakasunod na taon, mula 2012 hanggang 2014, na siyang napapasama rito.

Ngayong taon ay napabilang siya sa kategoryang “Heat,” para sa mga magaganda at nagseseksihang stars.

Bukod pa rito, nabigyan din ng special award si Ritz na Most Beautiful Inside and Out sa mga celebrity na dumalo sa press launch ng YES! "100 Most Beautiful Stars 2014," na ginanap kahapon, Hulyo 29, sa Elements Centris sa Quezon Avenue, Quezon City.

Sabi ni Ritz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo nga, nagulat din ako sa award.

“Parang sa three years ko, ngayon ko lang nakita na may awarding dito sa 100 Most Beautiful.

“Aside sa naging parte ako ng 100 Most Beautiful ng YES!, binigyan pa ako ng award na Beautiful Inside and Out from Myra.

“So, ako, alam mo yung feeling na overwhelmed, yung ang saya-saya ko, nadoble yung recognition nila sa akin.

“Yun pa yung masaya ako, kasi napansin nila yung beauty ko inside, ‘di ba?

“Naniniwala kasi ako na ‘pag maganda ang kalooban mo, nagre-reflect iyon sa panlabas na ganda mo.

“Malaking honor din na tatlong taon na akong napapasama sa 100 Most Beautiful.

“So, ako, nagpapasalamat talaga sa YES!, kina Ms. Jo-Ann [Maglipon, editor in chief].”



BEAUTIFUL INSIDE. Tila bagay nga kay Ritz ang special award na ibinigay sa kanya dahil hindi lahat ay nakakaalam na may magandang kalooban at mabuting puso ang Kapatid actress.

Tuwing sasapit kasi ang birthday niya (January 11) ay taun-taon siyang nagsasagawa ng charity work para sa mga streetchildren at batang mahihirap sa kanilang lugar sa Sta. Rita, Pampanga.

Lahad niya, “Every birthday ko, meron akong feeding program para sa mga less-fortunate children.

“Last birthday ko, nagpakain ako, nagpa-games, nag-host din ako, ‘tapos nagpa-raffle ako ng gadgets at saka mga bigas, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagse-share ako ng blessings ko.

“Ayoko siyang binubulgar, pero yun nga, hindi ko rin maitatago kasi public personality tayo."

Paglilinaw pa ni Ritz, “Pero hindi ko siya ginagawa for publicity na tumulong ako sa ganyan, nagpakain ako sa ganyan.

“Sa akin, masaya na ako na napasaya ko yung mga bata doon sa amin.

“Yun na yung parang pinaka-gift ko sa sarili ko.”



HEAT. Hindi naman maikakailang bukod sa magandang mukha at kalooban ay nagtataglay rin si Ritz ng kaakit-akit na katawan.

Kaya swak siya sa kategoryang “Heat,” kasama sina Solenn Heussaff, Derek Ramsay, Zanjoe Marudo, Aljur Abrenica, Joseph Marco, Rodjun Cruz, Sam Pinto, at Sam Milby.

Ang taglay rin niyang kaseksihan ang dahilan kaya dalawang magkasunod na taon—2013 at 2014—na rin siyang napapasama sa listahan ng FHM 100 Sexiest Women in the Philippines.

Sabi ni Ritz tungkol dito, “Sino ba naman ang hindi matutuwa?

"Biruin mo, kasama ka na sa 100 Most Beautiful, ‘tapos kasama ka pa sa 100 Sexiest.

“Nagpapasalamat lang ako sa lahat ng bumoto at sumuporta sa akin sa FHM.

“Sobrang blessing talaga.”



NEXT TARGET: BEST ACTRESS. Ngayong na-achieve na niya ang mapasama sa listahan ng Sexiest Women at Most Beautiful, ano pa ang next target niya? Best Actress naman ba?

Pagsang-ayon ni Ritz, “Sana nga ang susunod naman ay Best Actress.

“Pero siyempre, kailangan kong pagtrabahuhan iyan. Kaya naman talagang pinagbubuti ko ang lahat ng proyektong ibinibigay sa akin.

“Sa akin naman kasi, yung pagiging Best Actress is a process.

“Para sa isang artista, buong buhay iyan, e, lifetime iyan.

“Yung mabigyan ka ng award na Best Actress ay bonus na iyon sa amin na ma-recognize yung paghihirap mo, yung mga pinag-aralan mo sa industriya at sa buhay mo.”

Iyon daw talaga ang layunin ni Ritz—ang makilala bilang magaling na aktres.

At unti-unti na raw niya itong naisasakatuparan lalo na ngayong nagsisimula na rin siyang gumawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Introducing siya sa pelikulang S6parados, sa direksiyon ni GB Sampedro.

Ito ay entry sa 2014 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na magkakaroon ng screenings mula August 1-10 sa Cultural Center of the Philippines at ibang piling mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN