Tom Rodriguez hints at possible romance with Carla Abellana

Tom Rodriguez on status of his relationship with Carla Abellana: “We’re really good friends, we really enjoy each other’s company. Ako naman, I really enjoy her company so much. I can’t speak for her, pero ako, I really enjoy her company. And I find myself looking forward more to work lagi because of her.”


Muling magkapareha sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa primetime series ng GMA Network na My Destiny.

Dahil paulit-ulit na silang nali-link ay muling naitanong kay Tom kung ano na ba ang status ng relasyon nila ni Carla.

Sagot ng Kapuso actor, “We’re really good friends, we really enjoy each other’s company.

“Ako naman, I really enjoy her company so much.

“I can’t speak for her, pero ako, I really enjoy her company.

“And I find myself looking forward more to work lagi because of her.”

Hindi pa sila?

“Hindi pa po!” natatawang sabi ni Tom.

Manliligaw siya kay Carla?

“Sana!” at muling natawa ang aktor.

Sana?

“Trying, trying...”

Ngayon lang yata siya nagsalita ng “trying” kapag natatanong kung manliligaw siya kay Carla? Ano ang ibig niyang sabihin sa “trying”?

“I don’t know… ang hirap! Ang hirap na dito pa, mamaya…

“But all I can say is I’m happy.

“I’m happy seing her and being in her company, when we’re at work, and I just really look forward to being around her.”

Are they dating?

“Right now, wala, e, ‘coz we always see each other at work, work is the only time na nagkikita kami, e.”

Iyon daw ang bonding nila ni Carla— kapag nasa taping sila ng My Destiny.



ALJUR ABRENICA. Tuwing may nakakausap na Kapuso artists ang entertainment reporters ngayon, hindi maiwasang matanong sila tungkol sa kanilang reaksiyon sa paghahain ng reklamo ni Aljur Abrenica laban sa GMA Network.

Marami kasi ang nagulat sa hakbang na ito ni Aljur dahil ang akala ng marami ay maayos ang relasyon nito sa kanyang home network, lalo na’t hindi naman siya nawawalan ng mga proyekto.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa grand launch ng “100 Most Beautiful Stars” ng YES! magazine noong Martes, July 29, ay ang tungkol kay Aljur ang isa sa mga itinanong namin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pa man maging Kapuso si Tom noong isang taon ay nagkasama na sila ni Aljur sa pelikulang Temptation Island (2011).

Saad ng My Destiny actor, “Actually, sa ganun, wala akong masyadong alam, e.

“Pero as a fellow actor, I think he has his own reasons naman for the decisions he makes, and he’s well-entitled to those.

“So, I just give all the parties involved my respect and my prayers and wish na it all get resolved peacefully and efficiently.”

Ano ang naging reaksiyon niya nang nalaman ang tungkol sa reklamo ni Aljur?

“I don’t know, e,” sabi ni Tom.

“I can’t really comment because I know nothing about the ano… mahirap magsalita kasi I’m very close to both parties naman din.

“And siguro, I just really wish them a peaceful resolution.

“Sana iyon na lang, maybe there’s a misundertsnding somewhere there, pero sana a peaceful resolution for all.

“And I wish them all the best.”



BURN BRIDGES. Si Tom ay dating taga-ABS-CBN ngunit naging maganda at maayos ang paglipat niya sa Kapuso network. Hindi siya nagsunog ng tulay, kumbaga.

“We try not to. I mean, we waited out,” sabi niya.

May maipapayo ba siya sa mga artistang lumilipat o nagpapalit ng TV network?

“It’s a hard thing, those kind of things.

“Ako naman, I just don’t like upsetting people. I don’t like na may issues ako or may problema with someone.

“So, iyon, buti na lang I had Popoy [Caritativo, Tom’s manager] there din to guide me… Popoy’s guidance talaga.

“To wait out the contracts and everything like that, so siguro I feel very fortunate.

“For me, I’m speaking for myself, not for anyone, ‘coz I don’t know… I can’t presume kung ano yung situation ng iba, kasi hindi ko naman alam, wala akong idea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero for me, sinuwerte ako to have my family backing me up, and my manager.”

AT HIS HONDSOMEST. Dahil kasama si Tom sa listahan—sa pangalawang pagkakataon—ng “100 Most Beautiful Stars” ng YES!, tinanong namin siya kung kailan niya nararamdaman na he is at his “handsomest.”

Sagot niya, “Siguro… kasi I’ve never consider myself as a handsome person, only when people are cheering talaga, that’s the first and only time.

“Na yung mga tao talaga, their reaction, dun ko naaano na, ‘Wow!’

“And, I think, kaya masasabi ko na beauty comes from the heart, it comes from the heart and the eyes of the people who view you, and nai-imbibe mo sa sarili mo rin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN