Barbie Forteza celebrates 17th birthday with former Tween Hearts co-stars

Barbie Forteza on being 17: “Ngayon po, sobrang thankful ako sa mga blessings. Hindi po ako nawawalan ng trabaho at paganda nang paganda ang mga roles na binibigay ng GMA-7 sa akin.”


Ngayong araw na ito, July 31, ang 17th birthday ng “Kapuso Tween Queen” na si Barbie Forteza.

Wala raw magarbong party si Barbie dahil ang gusto lang niya ay simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Isa raw sa birthday wish ni Barbie ay ang ma-pack up nang maaga ngayong araw ang taping ng kanyang pinagbibidahang afternoon soap sa GMA, ang The Half Sisters, para ma-enjoy niya ang mahaba-habang oras kasama ang mga taong mahal niya.

“Yun nga ang request ko po. Yung ma-pack up kami ng early para maka-celebrate ako na hindi ako pagod sa trabaho.

“Ilang taping days na kasi inaabot kami ng madaling-araw. ‘Tsaka puro iyakan ang mga eksena ko.

“Sana sa pagkakataong ito ay hindi naman masyadong mabigat na mga eksena para fresh pa rin akong tingnan sa birthday ko!” natatawang sabi ni Barbie nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Half Sisters, sa Urology Center of the Philippines, Quezon City, kahapon, July 30.



TWEEN HEARTS REUNION. Nabanggit din ni Barbie na magkakaroon ng reunion ang mga kasamahan niya sa dating youth-oriented show na Reel Love Presents Tween Hearts sa kanyang birthday.

Para kay Barbie, isa ito sa best birthday gift na matatanggap niya.

“Yun lang naman po ang plano. Simple dinner with the Tween Hearts cast.

“Matagal na rin kasi kaming hindi nagkasama-sama. So, ito na ang magandang pagkakataon na magkita ulit kami.

“Kumpleto pa naman kaming lahat, at noong tawagan nga sila, hindi naman sila mga busy sa birthday ko.

“Nakaka-excite na magkita po ulit kaming lahat kasi nga sabay-sabay kaming nagsimula sa Tween Hearts, ‘tapos nagkanya-kanya na kaming mga trabaho.

“It’s nice to be with them again at na-miss ko ang mga kuwentuhan at biruan naming lahat,” saad ni Barbie.

Dalawa lang daw sa cast ng Tween Hearts ang hindi makakarating—ang ka-loveteam noon ni Barbie na si Joshua Dionisio at si Lexi Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Barbie, “Gusto kong present din sila. Lalo na si Josh kasi since 13 years old, siya na ang naka-partner ko.

“Okey sana na sa 17thbirthday ko ay nandiyan pa rin siya at buo pa rin ang tandem namin na JoshBie.

“Pero hindi nga raw siya makontak. Hindi ko rin alam kung nasaan siya.

“Huli ko pong alam, nasa UNTV na raw siya.

“Nawalan na po kasi ako ng contact kay Josh noong umalis siya ng GMA-7.

“Si Lexi naman daw po, hindi rin makontak.

“Kahit nga si Derrick [Monasterio] na close kay Lexi, matagal na raw silang hindi nagkakausap.

“Mas nag-concentrate daw kasi si Lexi sa studies niya, kaya matagal na rin siyang hindi napapanood sa TV.

“Okey sana kung makarating sila pareho ni Josh kasi malaking part sila ng Tween Hearts family.”



CHANGES. Ngayong 17 na si Barbie, alam daw niyang marami nang mababago sa kanyang buhay.

Sa isang taon, pagtuntong niya ng 18 years old, puwede na ba siyang magkaroon ng boyfriend?

“Boyfriend agad?” sabay tawa ni Barbie.

“Seventeen pa lang po ako. Ayokong isipin pa yung pagiging 18. Next year pa naman siya.

“Ngayon po, sobrang thankful ako sa mga blessings.

“Hindi po ako nawawalan ng trabaho at paganda nang paganda ang mga roles na binibigay ng GMA-7 sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN