The Voice Kids’ Darren Espanto to stay in the Philippines for good

Although he did not emerge as the grand winner in The Voice Kids Philippines, Fil-Canadian Darren Espanto says he received offers from local record companies.


Naging trending topic ang The Voice Kids Philippines first runner-up na si Darren Espanto pagkatapos ng grand finals night ng singing competition ng ABS-CBN noong July 27, Linggo, sa Resorts World Manila, Pasay City.

Marami kasi ang umasang si Darren ang magwawagi, base na rin sa ipinakita niyang performance sa unang dalawang rounds ng championship battle noong Sabado, July 26.

Tinagurian pa nga siyang “total performer” dahil sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw sa entablado.

Ngunit noong Linggo, ang pangalan ng kanyang kasamahan sa Team Sarah na si Lyca Gairanod ang itinanghal na grand champion.

Read: Lyca Gairanod of Team Sarah wins The Voice Kids

Agad namang nag-trend ang hashtag na "#DarrenDontLeaveThePhilippines" dahil nangamba ang mga tagasuporta ng Fil-Canadian singer na baka bumalik siya sa Alberta, Canada, kung saan nakabase ang kanyang pamilya.

Nang matapos ang grand finals noong Linggo, sinabi ni Darren sa interview niya sa press na ang pananatili o pag-alis sa Pilipinas ay depende kung magkakaroon ng offers sa kanya para magkaroon ng showbiz career dito.

Ngayon ay maaari nang magdiwang ang fans ng 13-year-old singer matapos nitong kumpirmahin sa isang ulat na mananatili siya sa Pilipinas para mag-focus sa kanyang showbiz career.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, kinumpirma ni Darren na mananatili siya rito sa Pilipinas dahil maraming offers na dumating sa kanya pagkatapos ng The Voice Kids.

“Sabi po ng mga magulang ko, sila na lang po ang uuwi for the meanwhile para makabalik sa trabaho," sabi ni Darren sa report.

Habang wala ang kanyang mga magulang, ang mga kamag-anak ni Darren dito sa Pilipinas muna ang magbabantay sa kanya.

SOLID SUPPORT. Samantala, nagpakita rin ng suporta ang ilang artista at kilalang personalidad sa talento ni Darren sa pamamagitan ng social media, kagaya ng Instagram.

Kabilang na rito sina The Voice Kids host Luis Manzano, The Voice Kids coach Bamboo, Jed Madela, Bianca Gonzalez, at ang batikang kompositor na si Vehnee Saturno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking bagay naman para kay Darren ang pagdagsa ng suporta sa kanya kahit hindi siya ang nanalo.

“I feel great. Mabuti naman po ako.

"I’m very blessed to have [my supporters]. I thank all the people who supported me and I will forever treasure them.

"I feel very, very happy po kasi kahit hindi po ako yung nanalo, parang nanalo na din po ako," sabi ng young singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN