Raymart Santiago ignores Instagram posts of estranged wife Claudine Barretto: "Ayoko na ring sakyan ang mga trip nila."

Ipinapaubaya na lamang daw ni Raymart Santiago sa korte ang mga kaso nila ng estranged wife niyang si Claudine Barretto. Saad niya, “Maraming issues, maraming bagay na ibinabato sa akin. Nung una pa naman, ganun din ang ginawa ko. Maraming ibinabato sa akin, binibigyan ko lang naman sila ng ebidensiya. Alam niyo naman ang mga nangyayari, hindi naman ako ang nag-umpisa nito, e.”


Hindi na nagbigay ng anumang reaksiyon si Raymart Santiago sa ipinost ng estranged wife niyang si Claudine Barretto sa Instagram, kung saan ipinakita ng aktres ang binti nitong may mga pasa at sugat.

Nagpasalamat din si Claudine sa kanyang doktor dahil unti-unti na raw itong gumagaling.

Ayon kay Raymart, hindi niya alam ang tungkol dito dahil hindi niya pina-follow sa Instagram ang kanyang asawa.

Sabi ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi, ayoko na ring sakyan ang mga trip nila.

“Mas mabuting nasa korte na rin ‘yan, e.

“Naniniwala pa rin ako sa hustisya, doon dapat pinag-uusapan yung mga kasong ‘yan. Hindi dapat sa Twitter, hindi sa Instagram.

“Labas sila nang labas ng mga kung anu-ano, sasagutin ko naman ng side ko, ‘tapos bigla naman silang tatahimik ‘pag pinakita ko.

“Ibang isyu na naman ang sasabihin nila sa mga tao, paiba-iba sila ng isip.”

Nakausap ng PEP si Raymart sa story conference ng kanyang bagong teleserye sa GMA, ang Kahati Sa Langit, sa GMA Network Center.



IT DEPENDS ON THE MOOD. Kaya kung mayroon mang susunod na rebelasyon si Claudine laban sa kanya, hindi na raw siya magugulat.

“Depende kasi sa gising ‘yan, e,” nakangiting sabi ni Raymart.

“Ewan ko, depende kasi sa mood, e. Depende sa gising.

“’Pag okay, okay. ‘Pag hindi, hindi.”

Dagdag niya, “Kaya nga mas mabuti na nasa korte na lang mag-decide.

“Maraming issues, maraming bagay na ibinabato sa akin.

“Nung una pa naman, ganun din ang ginawa ko.

“Maraming ibinabato sa akin, binibigyan ko lang naman sila ng ebidensiya.

“Alam niyo naman ang mga nangyayari, hindi naman ako ang nag-umpisa nito, e.”

Pati ang nakaraang kaarawan ng anak niyang si Santino ay sa Instagram na lang ipinarating ni Raymart ang kanyang pagbati.

Hindi naman sinagot ni Raymart ang tanong namin kung nagpadala ba siya ng regalo o nagkita sila ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Ayoko na munang magsalita tungkol sa mga bagay na ‘yan.

“Nasa korte na ‘yan. Meron tayong gag order na bawal dapat magsalita.”



NEW HOBBY. Mas pagkaabalahan na lang daw ni Raymart ang bago niyang hobby na skydiving.

Nagkaroon siya ng ilang linggong bakasyon pagkatapos ng Villa Quintana kaya tumatalon siya kapag maganda raw ang panahon.

Sabi niya, “Para ka lang nagbibisekleta, e, para ka lang nag-gym.

“Normal lang naman, nakakatakot lang siya tingnan.

“Kung papanoorin niyo, nakakatakot, kakaiba.

“Pero kapag ma-experience niyo na… dito ako maligaya, e.”

Balik-trabaho na si Raymart sa GMA pagkatapos ng Villa Quintana.

Kasama niya sina Jennylyn Mercado at Camille Prats sa bagong drama series na Kahati Sa Langit, na ididirek ni Laurice Guillen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN