Aiko Melendez on new generation of young stars: “Mas maraming mayayabang na bata ngayon.”

Aiko Melendez is very excited about her first ever indie movie, Asintado, a Cinemalaya entry.


Matagal-tagal na rin sa showbiz industry ang aktres na si Aiko Melendez.

Nagsimula siya bilang child actress, naging isa sa pinakasikat na teen stars, hanggang sa nakilala bilang isang mahusay na aktres.

Kaya naman naitanong sa kanya kung ano sa tingin niya ang pagkakaiba ng mga batang artista ngayon noong kapanahunan niya.

Sagot ng 38-year-old actress, “In terms of yung popularity nila, parang yung mga artista, parang ang bilis nilang sumikat, pero ’di nila ma-maintain nang matagal…

"Yung stability, ’di ganun kahaba."

Dagdag niya, “’Tsaka mas maraming mayayabang na bata ngayon na artista kesa nung panahon namin.

“Parang kami, trained kami na the bigger the star is, yun yung mas humble pa.

“Parang yung mga baguhan ngayon, parang nabigyan lang sila ng show, parang akala nila they’ve made their own mark in this industry.”

Naikuwento pa ni Aiko ang kanyang naging karanasan nang mag-promote ng ginawa niyang teleserye sa isang TV network.

“Siyempre I had to promote, so nakikita ko, ‘Ay! Sino ‘to?’ Nagtatanong ako, itinuturo ko kasi ayokong nagkakamali.

"Parang nag-i-smile ako, trying to reach out to them, and then they’ll just give you that look na parang, okay..."

Ano ang ginagawa niya sa ganitong pagkakataon?

Sabi ni Aiko, “Nothing. I just smile at them and make an effort to reach out to them.

“Siguro yun ang nagbago sa akin ng Christianity.

“Kasi dati, ’pag ganyan, sasabayan kita, ‘Sandali lang, sino ka, ‘no?’

"Kasi ngayon, mas iniintindi ko ang mga kabataan.

"Mas iniintindi ko ang mga nakakatrabaho ko ngayon, kasi hindi sila masyadong guided ngayon.”

Ano sa tingin niya ang kulang sa bagong henerasyon ng mga batang artista?

Saad niya, “Siguro kulang sila dun sa naghirap para sa fame, para sa stardom.

"Kasi nung time namin, dumaan kami sa pagiging extra, dumaan kami sa proseso.

"Dumaan kami na ’di namin kinakailangang sumali sa reality show para sumikat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We had to do everything from scratch kaya bina-value namin yung stardom na na-achieve namin, kasi pinaghirapan talaga namin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa pocket press conference ng pelikulang Asintado, Huwebes ng tanghali, July 31.

CINEMALAYA ENTRY. Ang Asintado ay entry sa Cinemalaya 2014 at kauna-unahang indie film ni Aiko.

Paglalarawan ni Aiko sa kanyang role, “I play the role of Julia, single mother ako dito, and then sa sobrang hirap ng buhay namin, ako lang tumataguyod sa mga anak ko.

“Yung isang anak ko is autistic, si Miggs [Cuaderno].

"The other one, Jake [Vargas], is nasilaw sa pera kasi naaawa na siya sa nanay niya, so he got into a drug syndicate."

Sabi pa ng aktres, “It’s my first indie and my first entry sa Cinemalaya, and I’m really excited and privileged to be part of their 10th anniversary.”

ON ATE GUY. Hindi itinatanggi ni Aiko na malaking pressure ang nararamdaman niya dahil makakalaban niya ang Suprestar na si Nora Aunor para sa Best Actress category sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya.

Kung si Aiko ang bida sa Asintado ni Louie Ignacio, si Nora naman ang pangunahing tauhan sa Hustisya ni Joel Lamangan.

Saad ni Aiko, “Pressure, kasi parang after five years of being away from doing movies, parang this one, Cinemalaya agad.

“When you say Cinemalaya, parang napaka-prestigious, parang you really have to be good and you can’t not relax.

"Kumbaga, you have to study your lines by heart."

Tungkol naman sa pagtatapat nila ng Superstar, ani Aiko, “Siyempre yung pressure sa akin, ’andito.

"I have high respect for Ate Guy.

"The mere fact na mahilera lang yung pangalan ko next to her, [to be] nominated next to her, is really something for me.

"And knowing that I’ve been away in doing movies, siyempre malaking boost na sa akin na mahilera kay Ate Guy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ang Asintado, ang huling pelikula ni Aiko ay ang comedy filma na Yaya & Angeline: The Spoiled Brat Movie noong 2009.

Ini-expect ba niyang mauwi ang Best Actress trophy?

Sagot ni Aiko, “’Pag nag-i-expect ako, may nangyayari.

"’Di ba, dati filmfest, nag-expect ako nun, may nangyari?

"So, parang na-trauma ako."

Ang tinutukoy ni Aiko ay ang kontrobersiyal na Manila Film Festival Awards Night scam noong 1994.

Si Aiko talaga ang nanalo noon, ngunit ang binasang pangalan ng presenters ay si Ruffa Gutierrez.

Patuloy ni Aiko, “So, ’pag awards night, ang lagi kong attitude, kung manalo, bonus ’yon, affirmation na magaling ka sa pelikulang ‘yon.

“’Pag di ka nanalo, okay lang, kasi nakahilera ko naman si Ate Guy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN