Piolo Pascual excited to have a girlfriend now that son Iñigo is almost 18: "Wala naman siyang choice, e."

Piolo Pascual’s ideal girl: "I’m still traditional, when it comes to being with anyone. For me, what’s important is you click. You like each other. You respect each other. You have the same faith."


Excited na si Piolo Pascual na tumuntong ng 18 years old ang anak niyang si Iñigo sa susunod na taon.

Ito kasi ang hudyat na puwede na siyang pumasok sa isang relasyon, base sa napagkasunduan nila ng kanyang anak noong 2012.

Sabi ng Kapamilya actor, “Hindi lang excitement [ang nararamdaman ko]. I hope it happens soon. Malapit na.

“More than [feeling the] pressure, I’m excited.

"Mapi-pressure ako na isa lang. Pero okay yun.

"It’s fun to date and just meet new people, I guess."

Ang huling opisyal na nakarelasyon ni Piolo ay si KC Concepcion.

Sa pagkakataong ito, wala na raw magagawa si Iñigo kung sakaling magkaroon ulit ng girlfriend si Piolo.

“Wala naman siyang choice, e,” nakangiting sabi ng aktor.

Dagdag niya, “Alangan namang magpari ako?

"I want him to have a girlfriend, too.

“He’s gotta accept that. It’s inevitable. We gotta have partners.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Piolo sa press launch ng kanyang 30-minute reality-based episode sa E! News Asia Special na ipalalabas sa September 28.

Ginanap ang media event sa The Loft sa Rockwell, Makati City, ngayong araw, July 31.

Ayon pa kay Piolo, minsan ay pahapyaw niyang hinihingi ang opinyon ni Iñigo kapag may nagugustuhan siyang babae.

Kuwento ng Hawak Kamay star, “I would tell him in passing, ’What do you think about this girl?’

“He just brushes it off. He’s very jealous.

“Because we never had the time for ourselves. I guess that’s where he’s coming from.

“But now, I told him, he’s almost 18. We have more time. He can go here, I can go there [in the States, where Iñigo is based].

"It’s more flexible, I guess."

Hindi naman kaya umaasa pa rin si Iñigo na magkabalikan sila ng ina nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Piolo, “Well, I hope not.

“It’s always an option for kids. They would want that. They want a complete family.

“We [Piolo and Iñigo’s mom] are pretty civil. He [Iñigo] understands.”

Mahigit isang taon ding na-link si Piolo sa kapwa-Kapamilya star niyang si Shaina Magdayao. Ngunit hanggang sa huli ay parehong nanindigan ang dalawa na magkaibigan lang sila.

Read: Piolo Pascual on why he cannot commit to Shaina Magdayao: "Wala akong oras sa lovelife."

NEXT GIRLFRIEND. Tinanong si Piolo kung sa edad na 39 ay mas tumaas ang standard niya pagdating sa mga katangiang hinahanap niya sa isang potential girlfriend.

Sagot ni Piolo, “Hindi. I’m still traditional when it comes to being with anyone.

“For me, what’s important is you click. You like each other. You respect each other. You have the same faith.

“So, wala naman akong standard.

“Sana lang hindi niya ako mahalin bilang artista.

“As long as we have the same faith, we have the same God, that’s all that matters."

Bilang boyfriend, low-maintenance daw si Piolo at masaya na sa simpleng date katulad ng pagkain sa labas.

Dagdag pa ng Kapamilya actor, kung sakaling papasok siya sa isang relasyon ay sisiguruhin niyang maiintindihan ng kanyang girlfriend ang demands ng trabaho niya bilang artista.

“I won’t get in a relationship with someone who doesn’t understand what I do.

“There’s conflict. From the get-go, you know it’s not gonna work.

"There’s a realization na hindi mo puwede pagsabayin ang mga bagay-bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN