Manny Pacquiao reveals Mommy Dionisia has 40-year-old boyfriend

Ayon kay Sarangani Representative Manny Pacquiao, tutol sila sa pagkakaroon ng boyfriend ng inang si Dionisia Pacquiao. Pero hindi naman daw siya nagkulang ng paalala tungkol sa usaping ito, lalo na raw ang balak nitong muling magpakasal.


May boyfriend na ang tinaguriang "Pambansang Ina" na si Dionisia Pacquiao.

Ito ay ayon mismo sa anak ni Mommy Dionisia na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Tutol naman si Manny sa relasyong ito ng kanyang ina.

Ayon kay Manny, sa panayam ni Anthony Taberna sa Tapatan ni Tunying ng ABS-CBN kahapon, July 31, dapat ay hindi makipagrelasyon ang kanyang ina.

Bilang isang Christian, pinaaalahanan daw niya si Mommy Dionisia kung bakit hindi ito dapat makipagrelasyon.

Saad nito, "Mommy ko, tinanong ko siya, ‘Sundin mo ang gusto ng katawan mo, ang desire ng flesh, or sundin mo ang gusto ng Panginoon?"

Last May ay nag-celebrate si Mommy Dionisia ng kanyang ika-65 kaarawan.

Ang kanya naman daw nobyo, na galing sa Cebu, ay 40 years old lamang.

Isiniwalat din ni Manny na magkasama na sa bahay si Mommy Dionisia at ang boyfriend nito.

"Kasa-kasama na niya," sabi ng Pambansang Kamao.

Dagdag pa ng Sarangani representative, may balak ang ina na pakasalan ang naturang lalaki.

Inamin ni Manny na tutol siya at ang iba pa niyang mga kapatid sa binabalak ng ina na muling magpakasal.

“Sabi ko, ’Kung kami tanungin mo, ayaw namin ng mga anak mo.’ Hindi ako nagkulang ng paalala."

Kasal si Mommy Dionisia sa unang asawa nito na, ayon kay Manny, ay buhay pa.

Hindi naman daw kasal ang ina sa ama ni Manny na si Rosalio Pacquiao.

Sa hiwalay na panayam ng ABS-CBN, itinanggi ni Mommy Dionisia na mayroon siyang boyfriend. Pero inamin niyang marami siyang manliligaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN