Marian Rivera ends rift with Bela Padilla; keeps mum about snubbing issue with Lovi Poe

Marian Rivera on her birthday wish: "Gusto kong magpaka-humble na ayoko namang sabihin na kuntento na ako. Pero sinisigurado ko na itong birthday na dadating sa akin, ito yung pinakamasaya kong birthday talaga."


Si Sarah Lahbati ang naging instrumento para makapag-guest si Bela Padilla sa dance program ni Marian Rivera sa GMA Network, ang Marian, noong nakaraang Sabado, July 26.

Matatandaang nagkaroon ng alitan noong 2010 sina Marian at Bela, na co-stars sa dating primetime series ng GMA na Endless Love.

Bagamat pinagharap at pinag-ayos na sila noon ng GMA management, wala pang masasabing closure sa pagitan ng dalawang Kapuso stars.

Kaya naman marami ang nagulat at natuwa nang mag-guest si Bela sa show ni Marian.

Kuwento ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagge-guest ni Bela sa kanyang show, “Actually, ganito ‘yan, si Sarah kasi is… very good friend niya si Bela.

“One time kasi, nagkasama kami ni Sarah bilang nagmo-motor si Dong [Dingdong Dantes, Marian’s boyfriend] at saka si Richard [Gutierrez, Sarah’s boyfriend].

“Nagkakuwentuhan kami, ‘tapos sabi niya sa akin, ‘Yan, sana huwag kang mailang sa akin kasi alam mo na friend ko [si Bela].’

“Sabi ko, ‘Alam mo, Sarah, hindi ako ganung klaseng tao, porke’t kaibigan ng ganito, e, ganito na ako. Hindi ako ganun.’

“’Tapos sabi niya, ‘Sana magkaayos na kayong dalawa kasi si Bela, gusto talaga niya.’

“’Tapos naisip ko, sabi ko, it’s about time siguro.

‘“Tapos sabi ko sa Marian [production team], gusto kong i-guest si Bela kasi magkaibigan sila ni Sarah.

“So, sila yung guests ko, para mag-best friend.”

Guest din that night sa Marian si Sam Pinto, na nagkaroon din ng isyu kay Marian.

“Sabi ko, it’s about time din,” pahayag ng Kapuso Primetime Queen.



BIRTHDAY GIRL. Sa birhday episode niya sa Marian, nais ni Marian na close friends niya ang guests niya, ‘tulad nina Rochelle Pangilinan, Roxanne Barcelo (Roxee B.), at Ana Feleo.

Ano naman ang gustong regalong matanggap ni Marian sa 30th birthday niya sa August 12?

Sagot niya, “Paano ko ba sasabihin? Gusto kong magpaka-humble na ayoko namang sabihin na kuntento na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sinisigurado ko na itong birthday na dadating sa akin, ito yung pinakamasaya kong birthday talaga.”



SNUBBING ISSUE. Naitanong din kay Marian kung ano ang komento niya sa isyung nagkasalubong daw sila minsan ni Lovi Poe, pero hindi siya diumano pinansin nito.

Kasama raw ni Marian ang kasintahang si Dingdong Dantes noon, pero ang aktor lamang daw ang binati ni Lovi.

Magkasama sina Lovi at Dingdong sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real.

Ayaw na sanang sagutin ni Marian ang tanong, pero sa kapipilit namin ay napagsalita rin namin siya.

Sabi niya, “Hayaan na lang natin siya. Hayaan na lang natin. Iyon lang.

“Iyon na lang siguro, ayoko na lang mag-comment, hayaan na lang po natin siya.”

Dating malapit na magkaibigan sina Marian at Lovi nang magkasama sila sa comedy series na Show Me Da Manny.

Pero tila nagbago ang pagtitinginan ng dalawa nang magkaroon ng isyu sa pagitan nina Marian at Heart Evangelista habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island (2011), kung saan kasama rin si Lovi.

Ngayon, sa pagkakaalam ng publiko, ay matalik na magkaibigan sina Lovi at Heart.



SLAPPING INCIDENT. Tinanong naman ng PEP si Marian kung naawa ba siya kay Dingdong dahil sa napakaraming sampal na inabot nito mula kay Maricel Soriano sa teleserye nilang Ang Dalawang Mrs. Real.

Sa eksena kasi ay nalaman na ni Millet (Maricel) na may ibang asawa si Anthony (Dingdong)—si Sheila (Lovi).

Sabi ni Marian, “Actually, nag-text siya sa akin bago mangyari yun.

“Sabi niya, ‘Baby, ngayon ko na gagawin yung eksena ko,’ ganito-ganito.

“Sabi ko, ‘Okay, you take care. Good luck.’

“’Tapos nag-text ulit siya, ‘Done.’

“Sabi ko, ‘Are you okay?’

“Sabi niya, ‘Yes, I’m okay!’

“’Tapos marami nang nag-text sa akin na, ‘Uy, si Dong,’ ganito-ganito.

“Siyempre, alam ko naman na eksena, eksena talaga. Artista din naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, naawa ako, hindi ko nga nakayang panoorin. Hindi ko kaya talagang panoorin.”

Dagdag niya, “Nasasaktan ako para sa kanya kahit alam kong akting lang, naiiyak talaga ako, e. ‘Di ba?

“So, ibig sabihin, effective sila sa mga ginagawa nila.

“Nakita ko, pero hindi ko kayang tapusin.”

Hindi ba sinabi sa kanya ni Dingdong kung nasaktan ito sa mga sampal ni Maricel?

Ayon kay Marian, “Alam niyo si Dong ang tipong taong walang karekla-reklamo sa lahat ng ginagawa niya.

“Iyon ang ipinagmamalaki ko talaga sa kanya. Totoong lalaki talaga siya.”

Nag-sorry naman daw si Maricel kay Dingdong matapos ang eksena.

Sabi ni Maricel, “In fairness naman kay Inay Marya, kung nagawa man yun, siguro dahil nate-tense siya or whatever sa eksena.

“Ang importante, right after the eksena, nag-sorry naman, so walang problema.

“Okay lang yun, ang trabaho talaga ay trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN