Mark Bautista fears for local career after stint in West End staging of Here Lies Love

Kapag nagsisimula na siya sa Here Lies Love sa London, gagawa pa rin daw ng mga kaparaanan si Mark Bautista upang patuloy na maalala ng kanyang mga tagahanga rito sa Pilipinas. Natatakot kasi ang singer-actor na baka wala na siyang babalikang career sa bansa pagkatapos.


Kung walang mangyaring aberya, sa August 16 na ang alis ni Mark Bautista papuntang London para sa musical play na Here Lies Love.

Si Mark ang napiling gumanap na President Ferdinand Marcos sa West End musical na ito tungkol sa buhay ni dating First Lady Imelda Marcos.

Paano siya napili na gumanap sa role ni Marcos?

Kuwento ng 32-year-old singer-actor, “Nagpatawag ng audition yung Atlantis [Productions] sa lahat ng mga talents nilang nagti-teatro.

"May special day na kami, mga artista, yung nag-audition.

“Wala naman kaming expectation talaga... ako, wala akong expectation na kung anuman ang mangyari, basta nag-try lang ako.

“Ayun, nagulat na lang ako na natanggap ako sa first level, ’tapos nag-callback.

"Hanggang sa nag-antay kami sa email ng final news about sa audition.

"Ayun, natanggap ako.

“Nalaman ko nung nasa Hong Hong ako.”

Ginanap daw ang audition dito sa bansa noong July 4 sa Opera Haus, Makati.

Last week of September magkakaroon ng gala night ang Here Lies Love at magtatagal ito hanggang January 8, 2015.

Araw-araw raw silang may show kapag nagsimula na ang regular run nito.

Nagkaroon na ng dalawang major theater performances si Mark—Noli Me Tangere (2010) at The Full Monty (2013).

MARK FEARS FOR HIS CAREER. Dahil anim na buwan siyang mawawala, na-cancel lahat ng bookings at gigs ni Mark.

Bago pa ito, ipinagpasa-Diyos na ni Mark ang mga maaari pang mangyari sa kanyang karera.

Kuwento niya, “Nung after nung concert, may plano na ako, e, na gagawa na lang ulit ako ng bagong single, mag-release ulit ako para may song akong bago for this year, ganun lang.

“So, nung pumasok ’to, nagbakasali lang talaga ako [mag-audition].

"Si Lord talaga, hindi mo masasabi ang panahon. Na parang sinasabi ni Lord na, ‘I have bigger plans for you.’

“Basta maging patient ka lang talaga... sobrang overwhelming para sa akin.”

Ano ang expectations niya pagbalik sa bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napabuntung-hininga muna si Mark bago sumagot.

Tugon niya, “Alam mo yung… actually fear… mas fear.

“Kasi ang fear ko is... lagi nila sinasabi na ’pag umalis ka ng bansa, it’s either makakalimutan ka talaga or may mangyaring maganda, or ganun.

“So ang fear ko is... na baka makalimutan ako nang ganun.

"Pero alam mo, sabi ko, i-take ko na yung risk.

"Maganda naman yung pupuntahan ko, kahit six months lang siya o kahit matagal pa ‘to, pero West End, bihira yung nabibigyan ng ganitong chance.

“Kailagan ko nang i-grab yung opportunity.

"Kasi masasabi ko, sa buong buhay ko siguro o kahit titigil ako sa pag-aartista o pagkanta, masasabi ko namang nakapag-West End ako.

“Grabe nang achievement yun para sa akin.

"So, hindi na rin ako magsisisi kung itinuloy ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN