Senator Lito Lapid to face graft raps over alleged involvement in fertilizer scam

Senator Lito Lapid on the Ombudsman’s decision to file a graft charge against him: "Ayon sa aking mga abogado, sinagot na namin yung reklamo kung saan hinihingi rin naming tingnang mabuti ng Ombudsman yung kaso, lalo na yung aming depensa na magpapatunay na wala akong nilabag na batas kaugnay ng transaksiyong sinasabi nila."


Itinanggi ni Senator Lito Lapid ang alegasyong may kinalaman siya sa diumano’y multimillion-peso fertilizer scam, noong 2004.

Kaugnay ito ng pagbili ng provincial government ng Pampanga ng may 3,880 bote ng liquid fertilizer, na diumano’y overpriced at hindi dumaan sa proseso ng public bidding.

Direkta umano itong binili ng provincial government ng Pampanga mula sa Malayan Pacific Trading Corp (MPTC) sa halagang P4,761,818.18.

Nanungkulan ang actor-politician bilang gubernador ng Pampanga mula 1995 hanggang 2004.

NO COMPETITIVE BIDDING. Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, August 1, inihayag na nakatakdang magsampa ang Office of The Ombudsman ng kasong paglabag sa Section 3(e) at 3 (g) ng R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Senator Lapid.

Ayon sa pinirmahang resolusyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong June 3, inatasan ni Senator Lapid ang Department of Agriculture regional office ng Central Luzon na maglabas ng limang milyong pondo para sa biniling 3,880 liquid fertilizer sa halagang P1,200 kada isang litrong bote.

Ang naturang presyo ng liquid fertilizer ay mas mataas ng “1,000 percent” kaysa ibang fertilizer.

Nabanggit din ni Morales na nag-isyu si Senator Lapid ng certification na nagsasabing walang makitang ibang fertilizer substitute na kapareho ng kalidad ng produktong ibinibenta ng MPTC.

“If the provincial government of Pampanga undertook the purchase through public bidding, it could have purchased a fertilizer of equal or better quality than Macro-Micro Foliar Fertilizer at a lesser or competitive cost, thus allowing the Province of Pampanga to secure the best commercially available fertilizer product at the lowest price possible,” saad sa isang bahagi ng resolusyon ng Ombudsman.

Kasama rin sa sasampahan ng kasong graft ang provincial accountant na si Benjamin Yuzon at dating provincial accountant na si Vergel Yabut.

Inutos ng Ombudsman na tanggalin sa puwesto ang dalawang opisyales dahil ipinagsawalang-bahala ng mga ito ang R.A. 9184 o Government Procurement Reform Act nang aprubahan nila ang transaksiyon kaugnay ng pagbili ng diumano’y overpriced liquid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inirekomenda rin ng Ombudsman na sampahan ng kasong graft sina MPTC incorporator Leolita Aquino, MPTC president Ma. Victoria Aquino-Abubakar, at owner ng DA Vasquez Macro-Micro Fertilizer Resource na si Dexter Alexander Vasquez.

NOT TRUE. Buwelta ni Senator Lapid, walang katotohanan ang alegasyong nag-uugnay sa kanya sa diumano’y maanomalyang transaksiyon.

Sabi ni Senator Lapid sa isang press statement ngayong araw, August 1: “Hiling ko sanang huwag naman nating pangunahan ang mga bagay, bagkus asahan natin na masusing titingnan ng mga kinauukulan sa Ombudsman ang bawat panig upang sila’y makapaglabas ng resolusyon na tunay na naaayon sa batas.

"Ayon sa aking mga abogado, sinagot na namin yung reklamo kung saan hinihingi rin naming tingnang mabuti ng Ombudsman yung kaso, lalo na yung aming depensa na magpapatunay na wala akong nilabag na batas kaugnay ng transaksiyong sinasabi nila.”

Sa ngayon, wala pa raw natatanggap na kopya ng resolusyon ng Ombudsman si Senator Lapid.

P728-MILLION FERTILIZER SCAM. Ayon sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer, nakasaad sa resolusyon ng Ombudsman na nagkaroon ng imbestigasyon kaugnay ng biniling liquid fertilizer ng provincial government ng Pampanga.


Dito ay napag-alaman ng Ombudsman na ang limang milyong pisong pondo para sa liquid fertilizer ay napunta diumano sa campaign funds ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 elections.

Matatandaang sinampahan noon si Arroyo ng kasong graft, dahil sa diumano’y pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na 728-million-peso fertilizer scam.

Ngunit base sa ulat ng GMA News Online noong May 8, 2014, ibinasura ng Office of The Ombudsman ang reklamong graft laban kay Arroyo dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN