Dennis Padilla vows to fight for his paternal rights amid daughters Julia and Claudia’s petition to change name

Dennis Padilla on legal battle with daughters Julia and Claudia: “Hindi ko nga alam bakit kailangan pang dumaan sa ganito dahil, unang-una, yung family name ko, legal name niyo naman yun. Ito yung pangalan mo sa pagkapanganak, sa eskuwelahan, sa passport… ganun yun, e. Ang aking ipinaglalaban dito, dahil tatay nila ako, I want them to have my family name—Baldivia.”


Dumulog si Dennis Padilla kay Judge Manuel B. Sta. Cruz, sa Branch 226 ng Quezon City Regional Trial Court, kaninang hapon, August 1, kasama ang abugado niyang si Atty. JV Bautista.

Ang sadya ni Dennis ay para isumite ang Petition for Relief from Judgment kaugnay sa Petition to Change Name, na isinumite ng isa pang anak ng komedyante na si Claudia Barretto.

Huli na nang nalaman ni Dennis na bukod sa panganay na anak nila ni Marjorie Barretto na si Julia, nag-file din si Claudia para palitan ang kanyang apelyido—mula Baldivia sa Barretto.

Baldivia ang tunay na apelyido ni Dennis.

Kaya lang, naibaba agad ang desisyon sa petition ni Claudia dahil walang nag-oppose nito noon.

Ito ang dahilan kaya nagsumite sila ng Petition for Relief from Judgment, ayon kay Atty. Bautista.

Nakasaad sa petition na humihiling sila sa korte ng hearing sa August 8.

Pero dapat na mapadalhan nila ng kopya ang legal counsel ng dating asawa ni Dennis na si Marjorie Barretto at ng kanilang mga anak.



PETITION FOR RELIEF FROM JUDGMENT. Paliwanag ng abugado ni Dennis tungkol sa Petition for Relief from Judgment na isinumite nila, “Pagka meron na isang desisyon ang husgado, kung sino man ang apektado sa desisyon na yun, pero sa pamamagitan ng fraud, accident, mistake o excusable negligence, hindi niya nalaman at lumusot ang desisyon, puwede po siyang mag-file ng Petition for Relief from Judgment.

“Ang ibig sabihin, yung desisyon ng husgado, i-set aside dahil kailangang marinig muna siya [petitioner].”

Naniniwala si Atty. Bautista na si Marjorie Barretto ang nag-file ng “Petition to Change Name” dahil parehong minor sina Julia at Claudia.

Nai-file ang petition noong August 2013; 16 years old pa lamang si Julia at 14 lamang si Claudia.

Sabi ng abugado ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “These are minor children who are not allowed to file the Petition for Change of Name.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat hintayin na nasa tamang edad na sila para sila raw mismo ang magdesisyon kung gusto nilang palitan ang kanilang apelyido.

Pahayag ni Atty. Bautista, “Dennis Padilla, he was excluded from the entire proceedings, but he’s the father, and we consider Claudia Barretto as a legitimate child.

“Yung annulment ni Dennis kay Marjorie, wala naman hong sinabi dun tungkol sa status nung Claudia and Julia, and the other children.

“So, we will assume that these children are legitimate.

“Kapag ang anak kasi ay illegitimate, ang ina lang po kasi ang may authority sa kanila, e. Walang parental authority ang tatay.

“Sa ngayon ho, komo sila ay legitimate at wala namang deklarasyon na sila ay illegitimate, si Dennis ho ay may parental authority sa kanila, at sila ay itinuturing pa rin nating legitimate pa rin.”

Kaya tingin daw ni Atty. Bautista, may karapatan ang kanyang kliyenteng mag-file ng Petition for Relief for Judgment.

Nakitaan pa raw ng abugado ni Dennis ng maraming butas ang petition na hinihingi ng kampo nina Marjorie sa korte, kaya dapat daw buksan ito uli at kailangang kunin din ang panig ni Dennis bilang ama.



SURPRISED. Nang nalaman ni Dennis ang petition ni Claudia, sinubukan daw niya itong kontakin at ang bunso niyang anak na si Leon.

Pero hindi na raw niya ito na-contact. Maaaring nagpalit na raw sila ng numero.

“Nagulat lang ako,” sabi ni Dennis.

“Nung nakita ko yung affidavit ni Claudia, parang, ‘You’re too young to understand.’

“Yung nakalagay dun sa kanyang affidavit, parang ang bata pa niya para maintindihan nila yun.

“Bata, e, ‘tsaka mababait ang mga anak ko, kaya nga mahal ko sila at ipinaglalaban ko ang family name ko sa kanila.

“Kaya naman naniniwala akong talagang masunurin sila sa ina.”

Dagdag pa ng komedyante, “Inaabangan ko na rin nga ngayon pati si Leon Marcus, yung bunso ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtanong ako, wala pa namang may naka-file.

“Pero siyempre, halos every other day, tsini-check ko kung may nag-file.

"Dahil kung may nag-file, magpa-file din kami ng petition."

PHONE CONVERSATION WITH JULIA. Ayon pa kay Dennis, noong nagkausap sila ni Julia bago ito umalis papuntang London ay nagulat siya sa mga sinasabi ng kanyang anak.

“Alam mo yung mga paliwanag niya, may mga sinasabi siyang mga legal terms.

“Kaya sabi ko, ‘Julia, you don’t know what you’re talking about. Hindi mo pa alam ‘yan, ang bata-bata mo pa.’

“Ang binabanggit lang niya paulit-ulit, ‘By law, I can change my name, by law…’

“Sabi ko, ‘What do you understand about the law? You’re so young to talk about that.’

“Sabi ko, ‘I’m fighting for my family name because I am your father.

“’You are already using Barretto as your screen name, so puwede na ‘yang ganung arrangement.

“’Saka hindi naman ako nakakabawas sa pagkatao niyo dahil mga anak ko kayo,’” medyo emotional nang pahayag ni Dennis.

Ang ikinasama pa raw niya ng loob, nagkita sila ng mga anak niya noong kaarawan niya nung February ng taong ito, pero walang sinabi ang mga ito sa kanya, gayong na-file na pala ang petition nung nakaraang taon pa.

Pero pinipilit pa rin daw ni Dennis na intindihin ang kanyang mga anak.

Aniya, “Naaawa na lang din ako sa mga bata, siguro ayaw nilang sabihin sa akin, kasi alam nilang ‘eto yun, e.

“Pero kung nasabi nila sa akin nung February, siyempre mas maaga sana ang petition na na-submit namin.

“Naawa ako sa mga anak ko dahil they’re too young for this kind of problem.

“Hindi ko nga alam bakit kailangan pang dumaan sa ganito dahil, unang-una, yung family name ko, legal name niyo naman yun.

“Ito yung pangalan mo sa pagkapanganak, sa eskuwelahan, sa passport… ganun yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang aking ipinaglalaban dito, dahil tatay nila ako, I want them to have my family name—Baldivia.”

Ayaw raw isipin ni Dennis na tila itinakwil na siya ng kanyang mga anak.

Naniniwala pa rin daw siyang kinikilala siya ng mga ito bilang ama.

Pahayag niya, “Wala naman silang choice, e.

“Hindi naman sila makakabili sa SM ng tatay, e.

“Wala namang hardware ng tatay, wala.”



NO STATEMENT YET. Sinubukan ng PEP kontakin ang legal counsel nina Marjorie na si Atty. Lorna Kapunan, pero ipinasa niya kami kay Atty. Irene Garcia na siyang may hawak ng kaso.

Ayon kay Atty. Garcia, hindi pa siya makakapagbigay ng anumang statement tungkol dito dahil hindi naman daw sila nabigyan ng kopya ng petition ni Dennis.

Hihintayin daw muna nila kung bibigyan sila ng kopya, at pag-aaralan nila ito, saka sila magbibigay ng pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN